Chapter 19

3.7K 104 4
                                    

Cerra POV

" Ano Cloe masarap ba yung pinahanda kong pagkain?"

tanong ni Donya Martina sakin.

" Ah opo"

" Mabuti naman at nagustuhan mo talagang pinahanda ko para sayo yan."

"Naku hindi na po sana kayo nag abala, kahit ano naman po kinakain ko."

"Kahit na, oo nga pala bakit  di mo ko tinatawag na mama,  kahit minsan yata simula nang naaksidente ka di mo na ko tinawag na mama. Tama ako Lance diba?" baling nito kay Lance na tahimik na kumakain, kanina pa niya napapansin ang mga titig nito sa kanya.

" Oo nga Cloe tama si Mama sa sinabi niya" sang ayon ni Lance. 

"Ay ganun po ba hayaan niyo po lagi ko na po kayong tatawaging Mama." nahihiyang sabi ko.

" Good, sige ipagpatuloy muna ang pagkain mo."

" Yes Ma," sagot ko.

"Lexie gusto mo ba nang apple ipagbabalat kita" alok ko kay Lexie.

Katatapos lang naming kumain nun ng maisipan kong ipagbalat ng mansanas si Lexie favorite kasi nito yon.

" Sige po mommy " sang ayon ni lexie, tatayo na sana ko para magbalat ng apple  nang biglang magsalita si Lance.

" Wag na Cloe si Manang nalang ang gagawa non."

" Oo nga naman Cloe ako nang bahala dyan." sabi ni manang.

" Naku hindi na po Manang, madali lang naman po ito saka gusto ko rin naman pong gawin to. Ayaw niyo naman po kasi akong patulungin sa gawaing bahay." paliwanag ko.

" Asawa ka nang amo namin kaya dapat lang na hindi ka gumagawa dito.

" Manang hayaan niyo nalang po siya sa gusto niya."  singit ni Lance. " Cloe mauna na ko sa kwarto sumunod ka nalang pagkatapos mo dyan." ma awtoridad na sabi ni Lance sakin.

Muling nagbalik ang kaba ko, gabi na kailangan ko nang pumasok sa kwarto ni Lance...ah este kwarto na pala namin yun. Pinagbalat ko na nga ng apple si Lexie para medyo tumagal pero mukang wala na talaga kong choice kundi pumasok nalang dun mamaya.

" Lexie oh!" bigay ko kay Lexie nang nabalatan ko. " Ano gusto mo pa ba ? Ipagbabalat pa kita kung gusto mo pa." tanong ko kay Lexie .

" Ayoko na po mommy, busog na busog na po ako." tanggi ni Lexie.

"Cloe ok na si Lexie, maaari ka nang pumasok sa kwarto niyo ni Lance, sila manang na ang bahala dito matutulog narin naman kami ni Lexie kaya pumunta kana dun." taboy sakin nang mama ni Lance.

" Mamaya nalang po maaga pa naman po Ma."

" Anong maaga pa,  e malapit na ngang mag 10." kontra sakin ni Mama.

Mabilis akong tumingin sa malaking orasan, tama nga ito 10 pm na nga. Late narin kasi kaming nakakain dahil maraming pinahandang pagkain ang mama ni Lance.

" Good night Mommy " sabi ni Lexie saka ako hinalikan sa pisngi.

"Good night !" napipilitang sagot ko.

.......................................

Nandito na ko ngayon sa harap ng kwarto namin ni Lance, grabe kinakabahan ako sa sobrang kaba ko hindi ko na magawang buksan ang pinto.Ilang minuto ang lumipas  na nakatitig lang ako sa pinto na para bang bubukas ito ng kusa.

" Papasok ba ko o hindi?"  tanong ko sa isip ko , akma ko nang bubuksan ang pinto nang biglang magbago ang isip ko.

Tatalikod na sana ko pero biglang bumukas ang pinto at bumungad sakin ang tila inip na inip na si Lance.

" Bat ang tagal mo, kanina pa kita hinihintay dito ah!" inis na sabi nito.

" Ang totoo niyan kanina pa ko dito......

" Kung ganun naman pala bat di ka pumasok?" putol niya sa sinasabi ko. " Halika na nga sa loob" sabi ni Lance sabay hila sakin papasok sa loob ng kwarto.

"Maligo kana!" utos niya sakin. " Katagal mo kanina pa ko tapos maligo."

" Ha! bakit ko kailangang maligo?" natatarantang tanong ko sa kanya. Mabilis kong tinakpan ng braso ko ang dibdib ko.

   Napatingin naman si Lance sa tinatakpan ko saka tumingin sakin.

" Ano bang iniisip mo dyan? Pinagnanasaan mo ba ko?" nakangising tanong sakin ni Lance

" Hindi noh!" mabilis kong sagot sa kanya.

Tiningnan niya ko nang tingin na hindi naniniwala .

" Maligo kana para mapreskuhan ka, at maging maganda yung tulog mo.

" Ah...e...oo" sagot ko saka ako nagmamadaling pumasok sa cr.

Vote!

Comment!

Be a fan!

.....................................

sarahjoy00

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon