Chapter 17

3.8K 96 7
                                    

Someone POV

"Edward tawagan mo ko pag nakauwi ka na ha" sabi ko kay Edward.

"Ou sweetheart, ikaw kelan ka ba uuwi sa Philippines."

"Malapit na may inaayos lang ako bago ko balikan ang pamilya ko".

"Okey sweetheart aalis na ko, bye"paalam ni Edward saka niya ako hinalikan.

"Bye" paalam ko. "Matagal na rin ako dito kailangan ko na ring umuwi" bulong ko sa sarili ko saka ko nilisan ang airport.

Lance POV

Pinuntahan ko sa kwarto si Cerra, napapansin ko kasing iniiwasan niya ko.

knock! knock! knock! nakailang katok na ko pero hindi pa rin niya binubuksan.

"Sandali lang" narinig kong sagot ni Cerra.

Maya maya nga ay bumukas na ang pinto,nagulat ako ng makita ko ang ayos ni Cerra, nakabath robe lang ito at halatang katatapos lang maligo,basang basa pa kasi ang buhok nito.

"Ay ikaw pala yan Lance, pasensya na at natagalan ang pagbubukas ko ng pinto naliligo kasi ako" sagot nito.

"Ah sandali lang magbibihis lang ako" natatarantang sabi ni Cerra ng mapansin nakatitig ako sa kanya. Isasara na sana nito ang pinto ng iharang ko ang kamay ko.

"Lance, saglit lang magbibihis lang ako, promise mabilis lang" sabi ni Cerra

Hindi ko sya pinansin sa halip ay pumasok ako sa kwarto niya. Saka ako naupo sa kama. Napansin kong nakamaang lang sya sakin.

"Oh! akala ko ba magbibihis ka" untag ko sa kanya.

"Ah..... ou kaya lang nandito ka pa , pwede bang lumabas ka muna" naiilang na sabi sakin ni Cerra.

"Wag mong sabihing nahihiya ka sakin,  sige magbihis ka na" pilit ko sa kanya

"Umalis ka muna" namumulang sabi ni Cerra

"Wag ka na kasing mahiya, mag-asawa naman na tayo ah!" biro ko sa kanya

"Eh kahit na, sige na kasi Lance lumabas ka na please" hiling niya sakin mahahalatang naiinis na si Cerra kaya mas lalo ko pa siyang iniinis mas gumaganda kasi sya pag namumula ang pisngi niya.

"Ganito nalang ako nalang ang magbibihis sayo" nakangising sabi ko saka ako tumayo at nilapitan sya. Agad namang namula ang pisngi ni Cerra

"Lance hindi ako nakikipagbiruan sayo lumabas ka na plz" sabi ni Cerra habang umuurong.

Hindi ako tjumigil sa paglapit sa kanya hanggang sa madikit na ang likod nya sa pader.

"Lance " mahinang sabi nya.Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko  sa kanya. Automatic namang pumikit  ang mga mata ni Cerra.  Napangiti ako sa ginawa niya. Matagal ko rin siyang tinitigan saka ako lumayo at tumalikod.

"Magbihis ka na, pumunta ka nalang sa library pagkatapos mo ay may mahalaga akong sasabihin sayo" sabi ko saka ko sya iniwan.

Cerra POV

Agad  na napadilat ako ng marinig ko ang boses ni Lance."Nakakahiya akala ko hahalikan niya na ko kanina. Pero sayang talaga ba't di niya pa tinuloy hindi naman ako tatanggi.Hahaha ang landi ko"agad akong kumuha ng damit ko at nagbihis.

"Ano kaya yung importanteng sa sabihin niya sakin?" nagtatakang bulongko. Paglabas ko ng kwarto ko ay nakasalubong ang dalawang katulong. Nginitian ko sila  at nagtuloy na ko sa library.

"Ano yung importanteng sasabihin mo sakin Lance" nahihiyang tanong ko sa kanya.

"Maupo ka muna" utos niya sakin

Agad naman akong naupo sa sopang katapat ng inuupuan niya.

"Wag ka diyan, dito ka sa tabi ko?' sabi ni Lance .

"Naku wag na dito nalang ako" tanggi  ko. Kahit na ba mahaba naman yung sopang inuupuan niya pwede na nga itong higan.Ayoko pa rin nahihiya parin  kasi ako sa kanya.

"Okey sige hindi na kita pipilitin kung ayaw mo kong tabihan dito" sabi ni Lance sakin saka bumungtong hininga.

"Ano ba kasi yon?" di makapaghintay na tanung ko.

"I just want to inform you na from now on ay sa kwarto ko na ikaw matutulog" cool na cool na sabi ni Lance.

"Ha anong sabi mo?" medyo nabingi yata ako kaya parang  iba yung narinig kong sinabi niya. Imposible namang sabihin niya sakin magtatabi na kami sa pagtulog diba?.

"Sabi ko simula ngayon sa kwarto na kita matutulog"

"Hahaha nagkamali yata ako ng dinig Lance, ano ulit?" namumutlang tanong ko sa kanya, kahit malinaw ko namang narinig ang sinabi niya. Hindi lang talaga matanggap ng sistema ko na gusto niya nang magsama kami sa isang kwarto.

"Cerra hindi ka bingi kaya wag mong paulit-ulitin sakin yung sinabi ko.Tama yung narinig mo na sinabi ko. Ou nga pala kasalukuyan ng inaayos nila Maria yung mga gamit mo para mailagay na sa kwarto ko".

"Ha!" napamaang ako sa sinabi niya, naalala ko kanina na kasalubong ko sila Maria nung papunta ko dito.Sa kwarto ko pala sila pupunta nun.

"Sige na Cerra maaari ka nang bumalik sa kwarto mo, kung gusto mo tulungan mo na rin sila sa paglilipat ng gamit mo" sakin ni Lance.

Napipilitan akong tumayo saka pumunta sa kwarto ko. Naabutan kong isinasara ni manang ang pinto ng kwarto ko.

"Ay manang ba't nilalock ninyo po " gulat na tanung ko.

"Tapos nang ilipat nila Maria yung gamit mo sa kwarto nyo ni Lance .Saka inutos ni Lance na ilock ko na ang guest room na to dahil di na gagamitin"

"Eh baka po may mga gamit pa po akong naiwan" sabi ko. Ayoko talagang lumipat sa kwarto ni Lance

"Wala na! chineck ko na kanina bago ko lumabas kaya dun ka na sa kwrto nyo. Sige maiwan na kita at may gagawin pa ko".

Nakakainis si Lance, pabigla-bigla nalang nalang siya kung magdesisyon, hindi manlang niya ko tinanong kung sumasang ayon ba ko sa gusto nya .Grrrr kaasar....

A/N :

Ano kaya ang mangyayari pag magkasama na si Cerra at Lance sa iisang kwarto. Hmm hulaan nyo, hahaha .Lagi ninyo pong suportahan ang mga story ko dito sa wattpad.

Vote and comment din po para mas mainspire akong mag update.

.................................

.....sarahjoy00..

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon