Chapter 20

3.8K 126 3
                                    

Cerra POV

Mabilis akong pumasok sa cr, agad kong tinapat ang katawan ko sa shower.

" Ma itry  kaya yung bath tub" bulong ko saka ko binuksan yung gripo. Tinimpla ko muna yung tubig bago ko lumusong.

"Hmmmmm nakaka relax pala to." bulong ko habang nakapikit. Nakakarelax mag babad sa bath tub, ang sarap sa pakiramdam. Inaantok pa nga ako kaya lang naisip ko na nasa labas si Lance baka  mamaya pasukin niya ko dito, nakakahiya pag nakita niya ko sa ganitong ayos.

Nang makontento na ko sa pagbababad ay nag shower na ko, nung kukunin ko na yung twalya ay wala akong nakita, naikot ko na ang buong cr pero wala parin.

"Hala nasan na yon?" nag aalalang tanong ko,nahilo na ko't lahat pero wala.

"Pano ko lalabas nito?" natatarantang sabi ko. May suot nga akong damit pero basa ito kaya bumakat din yung katawan ko.

Ano ba naman kasi ang pumasok sa utak ko at naligo ako ng may damit eh nasa cr naman ako.

"Anong gagawin ko?" May last option ako, yun ay tawagin si Lance para abutan ako ng twalya kaya lang baka pagtawanan niya ko na pumasok ako sa cr nang walang dalang twalya. " Cerra mag isip kana nang paraan?" bulong ng isip ko.

" Wala akong maisip"

" Tawagin mo nalang kasi si Lance" sabi ng isang bahagi ng utak ko.

" Ayoko nga nakakahiya yon". sabi ko.

"Haaaaaching" bahing ko.

"Oh ayan binabahing kana tuloy, tawagin mo na kasi si Lance nang makapagbihis kana". utos uli ng isip ko.

Anu ba yan mukang wala na talaga kong choice  kundi ang tawagin si Lance.

Huminga muna ko nang malalim saka ko binuksan yung pinto pero yung hindi bukas na bukas, yung sakto lang para maisingit yung ulo ko sa pinto.

Nakita ko si Lance na naka upo sa kama, busy sa pagbabasa.

"Pssssssssst!" tawag ko kay Lance, pero mukang hindi niya yata ako narinig dahil hindi manlang ito natinag sa pagbabasa.

"Uuuuuuuuy Lance" tawag ko ulit sa kanya medyo nilakasan ko name yung boses ko para siguradong maririnig niya ko. Pero mukang hindi effective ni hindi manlang kasi ito humarap sa gawi ko.

" Lance!"

Hmmm ang bingi-bingi naman niya, sigurado naman akong narinig niya yung pagtawag ko mukang pinagkakatuwaan ako nito ahh!

"Ah alam ko na, pag to hindi pa siya natinag ewan ko nalang." agad kong dinampot ang bote ng shampoo na nakita ko saka ko siya inasinta.

" 1...2....3.."bilang ko saka ko binato si Lance. Ayun sapol sa balikat si Lance.

" Ouch! " daing ni Lance, nakita kong tumayo ito saka tiningnan  yung bagay na tumama dito. Agad na kumunot ang noo nito ng makita ang bagay na yon.

"Shampoo!" basa ni  Lance sa bote saka tumingin sa cr.

" Bakit mo ko binatukal?." galit na tanong ni  Lance sa akin...

" Ahhh...ehh...ano..kasi di mo ko marinig, kanina pa kasi kita tinatawag pero di mo naman yata ako narinig kaya naisipan kong batukalin ka nalang para makuha ko yung atensyon mo." paliwanag ko kay Lance.

" At bakit mo naman gustong makuha yung atensyon ko?" tanong sakin ni Lance habang dahan-dahan siyang lumalapit sakin.

" Ano kasi walang twalya sa cr, manghihingi sana ko sayo " pautal-utal kong sabi sa kanya

" Yun lang ba talaga?" nakangising tanong ni  Lance.

" Oo kaya pwede pahingi na ko?" alanganing sabi ko sa kanya.

" Eh pano kung ayoko?"

Ibigay mo nalang kasi sakin yung hinihingi ko Lance, kanina pa kasi ako giniginaw."    "Haaaaaching!" bahing ko. "Ayan tuloy mukang sisipunin na ko!" paninisi ko sa kanya.

Agad naman akong tinalikuran ni Lance para kumuha ng malinis na twalya.

" Oh eto twalya, lalabas muna ko para makpagbihis ka"

" Salamat" pasasalamat ko kay Lance.

Pagkabihis ko ay binuksan ko na ang pinto ng kwarto namin.

" Lance tapos na ko" tawag ko sa kanya.

" Mabuti naman, ang tagal mo!" reklamo ni Lance saka pumasok sa loob ng kwarto.

Pagkapasok ko ay humiga na ko sa sopa, bago ko kasi binuksan yung pinto ay inayos ko muna yung hihigaan ko. Kumuha lang naman ako ng isang unan saka kumot.

" Ano ginagawa mo dyan?" tanong sakin ni Lance

" Tinatanong pa ba yan, edi matutulog!" papilosopong sagot ko.

" Sino nagsabi sayong dyan ka matutulog?" inis na tanong sakin ni  Lance.

" Ako lang"

" Pwes ko nagsasabi sayo na lumipat kana sa kama, hindi ka pwedeng matulog dyan."

" Eh san ka naman matutulog?" tanong ko.

" Edi dun din".

"Ha! eh hindi pwede!" mabilis kong sabi sa kanya. " Hindi tayo pwedeng magtabi noh!!!!

" At bakit naman hindi pwede?"

" Eh kasi babae ako at lalaki ka!" sagot ko sa kanya.

" Mag asawa naman tayo kaya ok lang yon saka kung natatakot ka na baka may gawin ako sayo...wag ka nang matakot dahil kita pipilitin kung ayaw no." paliwanag ni  Lance saka nahiga sa kama.

" Ano hindi ka pa ba lilipat dito?" inis na sabi ni Lance nang mapansin na hindi parin ako kumikilos.

"Baka naman gusto mo pang bilangan pa kita. Isa......dalawa.....pag umabot sa tatlo at wala kapa dito bubuhatin na kita at baka may gawin na ko sayo." pananakot niya sakin.

Mabilis naman akong tumayo saka ko inilagay sa gitna ng kama yung unan na dala ko kanina. Pagkatapos ay nahiga na ko.

" Good night!" sabi ko saka ako pumikit.

....................................

Wag po kalimutang mag

Vote!

Comment!

Be a fan!

sarahjoy00

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon