Cerra POV
Kasalukuyan akong nagdodrawing ng bagong design ng damit ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ko. Bumungad sakin ang namutmutlang si Rose.
"Oh anong nangyari sayo?"nag aalalang tanong ko sa kanya.
"Ce-cerra my babaeng naghahanap sayo sa labas."
"Sino daw?"nagtatakang tanong ko.
"Aaaay nakalimutan kong tanungin siya, nataranta kasi ako ng makita yung mukha niya. Grabe friend kamukhang kamukha mo kung hindi nga lang mukang mataray iisipin kong ikaw yon eh!"mabilis na kwento ni Rose.
"Si Cloe" mahinang sabi ko pero narinig parin ito ni Rose.
"Siya ba yung ex wife ni Lance?"
"Oo mabuti pa't labasin ko na yon, baka mainip kakahintay."sabi ko saka ko akmang bubuksan yung pinto.
"Wait sigurado kabang kakausapin mo siya?"
"Oo bakit?"
"Friend baka nakakalimutan mo na siya ang ex ni Lance baka bigla kanalang sabunutan non."nag aalalang sabi ni Rose
"Hahaha yun ba, wag kang mag alala walang ganung mangyayari dito."sagot ko.
"Pano ka naman nakakasigurado?
"Magkaibigan na kami ni Cloe kaya walang masamang mangyayari dito."
"Pano kayo naging magkaibigan?"naguguluhang tanong ni Rose.
"Mamaya ko nalang sayo ikukwento, kakausapin ko muna si Cloe."sabi ko sabay bukas ng pinto. Agad kong iginala ang tingin ko sa loob ng shop. Nakita ko si Cloe na abala sa cp nito, ang mga tauhan ko naman ay nakatingin sa gawi ni Cloe..mahahalata sa mukha ng mga ito ang pagkamangha na tila di makapaniwala na kamukha nito ang kanilang boss.
Nakangiti kong nilapitan si Cloe.
"Oh bat napadalaw ka dito?"tanong ko.
"Ah napadaan lang ako dito sa shop mo, hinatid kasi ni Lance si Lexie sa bahay mo eh nung malaman ni Lance na may lakad din ako ngaun e naisipan ni Lance na isabay nalang ako. Malapit lang pala itong shop mo sa pupuntahan ko kaya naisip kong magpahatid muna dito kay Lance."nakangiting kwento nito.
Agad akong may naramdamang panibugho sa sinabi ni Cloe pero agad din itong nawala ng maisip kong magkaibigan nalang ngayon ang dalawa kaya hindi ko dapat pagselosan ang simpleng paghahatid ni Lance kay Cloe.
"Ang ganda pala ng shop mo noh! Ang daming magagandang design ng damit" pansin ni Cloe.
"Syempre si Cloe ang nagdesign ng halos lahat nang damit dito noh!" singit ni Rose.
"Rose madaming customer ngayon kaya kung maaari ay iwan mo muna kami."
"Pero..."
"Sige na."puto ko sa sasabihin niya. "Kayo din bumalik na kayo sa ginagawa niyo." baling ko sa mga tauhan ko na nanonood samin.
"Yes maam!"sabay sabay na sabi ng mga ito.
"Hindi ko alam na marunong kapalang magdesign ng damit. Infairness magaganda ang design mo."puri ni Cloe habang iniikot ang tingin sa loob ng shop ko.
"Thank you."
"Ah Cerra hihingi nga pala ako ng sorry sa nagawa ko sayo noon. Pasensya na kung napagsalitaan kita ng masama noon, masyado kasi akong nagalit ng malaman kong nagpapanggap ka bilang ako. Pero ngayon hindi na ko galit sayo ilang taon narin naman ang nagdaan kaya kung maaari ay kalimutan na natin yon."may sinseridad na sabi ni Cloe.
"Ako nga ang dapat na magsorry sayo dahil nagpanggap ako na ikaw. Sorry ha!"
"Naku wala yon, mabuti pang kalimutan na natin yon, hiwalay narin naman kami ni Lance at ikaw na ang mahal niya. Napakaswerte mo kay Lance dahil isa siyang mabait na tao. Tamo nga kahit nagawan ko siya ng masama noon e pinatawad niya parin ako tapos tinanggap niya pa ko bilang kaibigan kaya hinihiling ko sayo na alagaan mo siya ha!"sabi ni Cloe saka hinawakan ang kamay ko.
"Hayaan mo aalagaan ko siya pati narin si Lexie.
"Haaay anu ba yan bat ba nagdadrama tayo dito."natatawang sabi ni Cloe. "Oo nga pala Cerra gusto kitang isama sa party ng friend ko. Gusto ko kasing ipakilala ka sa kanila.
"Ha..a..e pasensya na Cloe pero hindi ako makakasama sayo."
"Ha bakit naman?"
"Busy kasi ako ngayon dito sa shop kaya hindi ako maaaring umalis dito, pasensya na ha!"
"Ganun ba o sige next time nalang pag free kana basta text o tawagan mo ko pag wala ka ng ginagawa ha! Gusto ko kasinh makapagbonding manlang tayo kasama yung anak ko at anak mo."
"Oo sige next time pag hindi na masyadong madami ang ginagawa namin dito sa shop."
"Ok sinabi mo yan ha! Sige mauna na ko baka mainip na yung friend ko kakaintay sakin."sabi ni Cloe sabay lapit sa pinto. "Bye!" Paalam niya
"Bye ingat!"
"Friend ano pinag isapan niyo ng babaeng yon?"usisa sakin ni Rose.
"Ah inaya niya kong sumama sa kanya sa party ng friend niya.
"What!!! wag mo sabihing sasama ka sa kanya?"
"Hindi sa tingin mo ba magagawa ko pang makipag party sa kanila gayung andaming gawain dito sa shop.
""Buti nalang at tumanggi ka dun, wala sa itsura ng babaeng yon na gagawa siya ng mabuti."
"Ha baka nakakalimutan mo na magkamukha kami?"
"Oo nga magkamukha kayo para nga kayong kambal pero iba talaga yung pakiramdam ko sa kanya parang may binabalak na di maganda sayo."
"Masyado ka namang praning, magkaibigan na kami ngayon ni Cloe. Nagsorry pa nga siya sa nagawa niya sakin noon."
"Yon nagsorry sayo parang hindi naman."
"Hala masyado kanang nagiging judgemental hindi mo lang kasi nakikilala pa si Cloe kaya nasasabi mo yan."pagtatanggol ko. Sa tingin ko naman kasi ay mabait si Cloe. Nagkataon lang na nagalit siya sakin non kaya napagsalitaan niya ko ng masama noon.
"Eh bakit ikaw ba kilala mo na siya, grabe friend masyado ka kasing madaling magtiwala kaya baka mamaya pinagbabalakan kana non hindi mo pa alam."seryosong sabi ni Rose.
"Ang oa naman nito."sabi ko saka ako tumawa para mawala yung kaseryosohan ng kausap ko.
"Hindi nga friend basta sundin mo yung sinabi ko na wag ka agad magtiwala don, mag ingat ka sa kanya ha!"seryoso paring sabi nito sakin.
"Oo na po, sige na babalikan ko na yung dinedesign ko dun. Thanks sa concern hayaan mo tatandaan ko yang sinabi mo.
""Dapat lang noh! Ang ganda kaya nga sinabi ko parang ako." Tumatawa ng sabi ni Rose.
"Oo na sige na ikaw na maganda. Punta na ko dun ha! Paalam ko sa kanya.
"Sige tawagin mo nalang ako pag may kailangan ka."
"Sige" nginitian ko muna si Rose bago ko pumasok sa opisina ko.
" Hindi naman siguro ko gagawan ng masama ni Cloe, mukang nagbago naman na siya." Bulong ko saka ko pinagpatuloy yung ginagawa ko.
A/N:
"Good afternoon guy's. Bibilisan ko na po yung mga pangyayari para matapos ko na tong story ni Cerra. At nang maipagpatuloy ko na yung isa ko pang story dito sa watty.thank's sa mga bumabasa nito
.....sarahjoy00
![](https://img.wattpad.com/cover/9771166-288-k759598.jpg)