Chapter 11

4.1K 90 3
                                    

Lexie POV

Hi! I'm Lexie, anak ni Lance at Cloe. Grabe natuwa ako ng pumayag si Mom at si Dad na ihatid ako. First time akong ihahatid ni Mommy sa school, mula kasi nung nag-aral ako palaging yung family driver namin, si Lola at si Daddy lang yung naghahatid sakin.

Si Mommy kasi palaging wala sa bahay saka ayaw niya din akong  ihatid, andyan naman daw yung mga driver para gawin iyon.

Nung una nasaktan ako pero kalaunan ay natanggap ko rin na iba si Mommy sa ibang mga ina na palaging nandyan para algaan ang mga anak nila. Na mas gusto niyang palaging kasama yung mga friend niya kesa sakin.

"Lexie tawagin mo na ang Mommy mo, malelate ka na nyan" sabi sakin ni Daddy.

"Yes Dad!, Ma halika na malelate na po ako" tawag ko kay Mama.

"Sandali lang, andyan na ko" sagot ni Mama galing siya sa kusina may dala pa itong lunch box.

"Oh Lexie eto pagkain mo,pinaghanda kita ng lunch mo, meron ding sandwich dyan saka meron ding juice" nakangiting sabi ni Mommy.

"Cloe hindi ka na dapat nag- abala pa, pwede naman siyang bumili dun".

"Ayoko kasi na puro junk food lang yung kakainin ni Lexie, saka okey lang naman sayo Lexie na pinagbaon kita diba"

"Opo Mommy natuwa nga po ako, kasi po yung iba kong friend pinaghahanda rin ng baon ng mga Mommy nila, tnx Ma"

"Welcome Baby, yaan mo ipaghahanda kita lagi ng baon mo"

"Halina kayo baka malate  ka pa Lexie" aya samin ni Dad. Agad itong pumasok sa kotse,sumunod nalang agad kami ni Mommy.

School #

"Lexie baba kana, nandito na tayo" tawag sakin ni dad.

"Ah Mommy pwede po ba kayong sumama sakin, ipapakilala ko lang po kayo sa mga friend ko" tanong ko kay Mom sana pumayag sya.

"Lexie wag mo ng abalahin ang Mom mo"

"Okey gusto ko rin namang ma meet yung mga friend ni Lexie"

"Talaga Mom" di makapaniwalang sabi ko.

"Ou kaya tara na baba na tayo"

"Bye Dad" agad akong bumaba at inaya si Mama papasok sa school na pinapasukan ko.

"Wait lang Cloe" tawag ni Dad, hindi ko napansin na sumunod pala si Dad.

"Oh bakit?" tanong ni Mommy kay Dad.

"Ah...ano gusto ko ring makita yung mga friend ni Lexie" nauutal na sabi ni Dad.

Napangiti ako ng mapansing kong nauutal pa si Daddy at parang nahihiya pa ito kay Mommy.

"Eh Dad, nakita mo naman na sila dati diba"

"Ou nga pero gusto ko  ring samahan ang Mama mo, saka ako maghahatid sa kanya pauwi"

"Naku wag na Lance, pumasok kana sa work mo, magtataxi nalang ako pauwi" tanggi ni Mommy.

"Hindi na sakin kana lang sumakay mamaya. Tara na Lexie" aya sakin ni Dad.

.......................................................................

"Mommy siya po si Alison, Mia, Larra at Nicole, sila po yung mga friend ko na sinasabi ko sa inyo" pakilala ko sa kanila pagkapasok namin sa room ko. Buti nalang at maaga pa kaya wala pa ang teacher namin.

 " Hi nice to meet you all " bati ni mom sa mga friend ko.

"Nice to meet you din po " sabay-sabay nilang sabi.

"Lexie totoo nga pala ang sinabi mo samin na maganda yung mommy mo" sabi ni Nathan isa siya sa mga classmate kong lalaki...Friend ko rin siya.

"Oo nga Lexie, ang gwapo din ng Dad mo" humahagikgik na sabi ni Nicole, ngayon palang kasi nito nakita si dad.

"Syempre maganda ako kanino pa ba ko magmamana kundi sa kanila lang!" pagyayabang ko.

"Lexie ipakilala mo naman kami sa kanya " turo ni Mom kay Nathan

"Oo nga po pala, Ma, Dad si Nathan po pala friend ko!

"Nice to meet you po" magalang na bati ni Nathan kila Mommy

"Nice to meet you din pogi" bati ni mommy kay nathan.

"Nililigawan mo ba ang anak ko?" nagulat ako sa tanong na yon ni Dad. Hindi lang pala ako ang nagulat kundi kaming lahat!

"Po?" gulat na sabi ni Nathan

"Ano! Bata! Nililigawan mo ba si Lexie?" tanong ulit ni Dad

"Dad hindi niya ko nililigawan!" mabilis kong sagot  sa tanong ni Daddy

"Lexie hindi ikaw ang tinatanong ko, kundi siya" my awtoridad na sabi ni dad

"Sir hindi po, bata pa po kami para sa ganyan" sagot ni Nathan

"Buti naman" parang nakahinga ng maluwag si Dad sa naging sagot ni Nathan

"Lance halika na nga, baka dumating na yung teacher nila" aya ni mom kay dad. Buti nalang at inaya na ni mom si dad baka kasi kung anu-ano pa ang tanungin ni dad kay Nathan...Baka mamaya isipin pa ni Nathan na may gusto ko sa kanya...

"Ok, Bye lexie ipapasundo nalang kita sa driver natin mamaya" paalam ni dad

"Bye mom, bye dad" paalam ko sa kanila sakto naman na dumating na si Maam kaya nagklase na kami.

A/N

thank sa pag read! wag po sana kayong magsawang suportahan ang story ko...pa read din po yung isa ko pang story dito sa wattpad na torn between love or friendship.

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon