Ilang oras na ang lumilipas ng iwan ako dito ng pinsan ko. Hinang-hina na ko dahil sa gutom at uhaw, mukang wala silang balak pakainin ako.
Andami paring gumugulo sa utak ko ngayon pero mas nag aalala ako sa kalagayan ng anak ko. Siguradong nag aalala nayon ngayon. Ilang taon palang si Cassey hindi pa ito sanay na mawalay sakin ng matagal kaya nag aalala ko na baka umiiyak na siya.
Napabaling ako sa pinto ng unti unti itong bumukas, bumungad sakin ang mukha ng tiya ko..may dala dala itong pagkain. Ibinaba nito ang tray sa isa pang upuan pagkalapit nito sakin.
"Nagugutom kana ba? Eto nagdala ko ng pagkain para sayo?"
Hindi ako sumagot tumingin lang ako sa dala nitong tray, pansit at litsong manok ang laman non, napalunok ako ng makita ko yon mas lalo akong nagutom.
"Ano ayaw mo ba?"
"Nakatali ang kamay ko sa tingin niyo ba makakain ko yan!"galit na sabi ko. Hindi parin ako makapaniwala na nagawa nila ito sa amin ni Nanay puro kabutihan naman ang pinakita namin sa kanila pero nagawa parin nila itong kasamaan nato.
"Cerra!"nagulat na sabi ni Tiya hindi siguro ito makapaniwala na pinagtaasan ko siya ng boses.
"hindi ako nagugutom."tanggi ko sabay iwas ng tingin.
Namula ang pisngi ko ng biglang tumunog ang tiyan ko, palatandaan na nagugutom na ko.
"Kumain kana, hayaan mo susubuan nalang kita para makakain ka."sabi nito sabay kuha ng pagkain sa plato. Akma na nitong isusubo sakin ang pagkain ng bigla akong umiwas.
"Ayoko niyan, baka may lason pa yan!"
"Wala itong lason, ito lang din yong kinain namin sa labas."sabi ni tiya saka inakma ulit sakin yung kutsara.
"Pano naman akong nakakasiguradong walang lason yan aber?"
"Cerra iniisip mo bang magagawa kitang lasunin?"
"Bakit hindi, e nagawa niyo ngang dalin ako dito ng walang kahirap hirap at nagawa niyo pang patayin ang lolo ko para sa pera. Kaya sa tingin niyo ba maniniwala ako sainyo."
"Cerra oo inaamin ko nagawa nga naming patayin yung lolo mo pero hindi ko magagawa sayo yon. Hindi naman ako ganun kasama para patayin yung kadugo ko. Sorry kung pinahirapan kita dati alam kong mahihirapan kang paniwalaan ako pero sana naman kumain kana para kahit papano lumakas ka. Namumutla kana Cerra."nag aalalang sabi nito sakin.
"Kung totoong nag aalala kayo sakin pakawalan niyo ko dito!"
"Pasensiya na pero hindi ko magagawa yon Cerra, ang magagawa ko lang ay kausapin ang pinsan mo na pakawalan kana niya."
"Bat niyo naman gagawin yon?"
"Cerra oo naging masama ako sayo noon pero kailanman hindi ko ninais na patayin ka. Kaya sige na kumain kana.
Tinitigan ko muna siya para malaman kung totoo ngang walang lason ang pagkain, ng masigurado ko na nagsasabi siya ng totoo ay saka ko lang tinanggap ang sinusubo niyang pagkain.
"Oh eto tubig"sabi ni Tiya saka ako pinainom. "Pasensya na at ngayon lng kita nabigyan ng pagkain, inantay ko pa kasing umalis ang pinsan mo."sabi nito pagkatapos akong pakainin.
"Salamat!"bukal sa loob na sabi ko.
"Walang anuman, sige lalabas na ko."paalam ni tiya saka ako iniwan dala ang pinagkainan ko.
................................................
"Gising, gising sabi eh!"narinig kong sabi bago bumuhos sakin ang malamig na tubig. Nagulat na napamulat ang mata ko, nakatulog pala ko.
"Ayan buti naman at gising kana. Kamusta pinsan maayos ba ang naging tulog mo?"nang uuyam na tanong nito sakin.
"Pakawalan mo ko dito."mariing sabi ko.
"Ano ako sira, bat naman kita pakakawalan? Oo nga pala kasal mo na nga pala bukas. Kawawa naman si Lance kasi hindi ka makakapunta sa kasal niyo pero dahil mabait ako, ako na mismo ang pupunta don para matuloy ang kasal."nakangising sabi ni Cloe/Mandy.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Simple lang , ako ang magpapakasal kay Lance at hindi ikaw. Ang galing noh! Mgpapakasal ulit kami."tuwang tuwa na sabi nito.
"Napakasama mo!"galit na sigaw ko.
"Anong masama don, e akin naman talaga si Lance noong una paman. Pinahiram ko lang naman siya sayo noon."
"Anong ibig mong sabihin?
"Ako lang naman ang may kagagawan kung bakit kayo nagkita noon ni Lance.
"Ibig sabihin ikaw din.....
"Oo ako ang may kasalanan kung bakit ka naaksidente noon. Pinlano ko yon pati ang pagkikita niyo ni Lance.
"Bat mo ginawa yon?"
"Ginawa ko yon para palitan mo muna ko dun habang wala ako pero hindi ko inaasahang na lalandiin mo siya. Ang landi mo.
""Walangh*y* ka! Napakasama mo talaga!"
"Hahaha kung hindi ka kasi naging malandi e di hindi sana nangyayari sayo to. Ang landi mo naman kasi, ang dami dami namang lalaki dyan pero yung pag aari ko pa yung inaagaw mo. Hindi mo ba alam na mahirap kalabanin ang isang tulad ko? Kawawang Cerra..tskkk"pumalatak pa ito. "Sige na aalis na ko baka hinahanap na ko ni Cassey.
"Bat ka naman hahanapin ng anak ko?"kinakabahang tanong ko.
"Ako kasi ang mama niya."makahulugang sabi sakin ni Cloe.
"Wag mong sabihing nagpapanggap kang ako?"kinakabahan paring tannong ko.
"Oo ang saya nga e, wala manlang nakahalatang iba yung kasama nila don..Napakadali mo naman kasing gayahin, ayan tuloy paniwalang paniwala sila sakin."
"Walangh*ya ka!"galit na galit na sigaw ko saka ko pilit hinihila ang kamay ko sa pagkakatali. Pero kahit anong gawin kong hila ay ayaw niya talagang makalag.
"Hahahaha nakakatuwa ka talagang panuorin, sige na aalis na ko. Hayaan mo padadala ko nalang sayo yung video ng kasal namin, padadala ko narin pati yung video ng honeymoon namin para mas maging maganda yung panunuod mo. Bye Cerra!"humahalakhak na umalis ito.
Nagsisigaw ako don, napakasama niya para gawin yon. Ang sama niya para agawin pati ang anak ko. Hindi ko na napigilan, pumatak na ng sunod sunod ang luha ko. Pakiramdam ko pinagsakluban na ko ng langit at lupa.
A/N:
Pasensiya na po kung hindi masyadong maganda ung update! Ilang chapter nalang sa wakas matatapos ko na din to. Thank you sa lahat ng bumabasa nito. Thank you po!!!
.....sarahjoy00
