Ngayong araw nato ang kasal ko pero hindi ako katulad ng ibang bride na masaya at excited. Kinakatakutan ko ang araw na ito dahil ito ang araw na ikakasal si Lance pero hindi sakin.
Habang naiisip ko na ilang minuto nalang at mag uumpisa na ang kasal parang pinipiga ang puso ko. Hindi narin ako makahinga ng maayos dahil buhat kanina ng magising ako e puro pagluha na ang ginawa ko. Ilang beses narin akong nagmakaawa kay Tiya na pakawalan na ko pero iling lang lagi ang sagot nito.
Pagkatapos ng kasal ay nasisigurado kong papatayin na nila ko dahil wala naman na kpng silbi sa kanila. Hinihiling ko na nga na patayin na nila ko pero tulad nga ng sinabi ng pinsan ko, gusto niya munang maramdaman ko ang paghihirap na to bago nila wakasan ang buhay ko.
Napakasakit sa isang ina na hindi manlang makitang lumaki ang anak niya pero kung ito na talaga ang nakatadhana sakin, tatanggapin ko na ito kahit mahirap.
Inaantay ko nalang na patayin na nila ko, hinihiling ko lang na sana ay wag nilang babuyin ang katawan ko. Hindi ko matatanggap na matulad sa iba na ginawan muna ng kahalayan bago patayin.
Muli na namang tumulo ang luha ko, sa mga oras na ito ay siguradong nag uumpisa na ang kasal na dati ay kinasasabikan ko pero ngayon ay ang araw na kinatatakutan ko.
"Cerra".tawag sakin ni Tiya na di ko namalayang pumasok, may pagmamadali sa kilos nito.
Nagtatakang tiningnan ko siya wala naman kasi itong dalang pagkain kaya nakapagtatakang lumapit ito sa akin. Nagulat ako ng may ilabas itong maliit na patalim at pumunta sa likod ko.
"Tiya anung ginagawa niyo?"kinakabahang tanong ko.
"Pakakawalan na kita."nagmamadaling sabi nito habang pilit hinihiwa ang tali.
"Bakit niyo ginagawa to Tiya? Akala ko ba hindi niyo ko pakakawalan?" naguguluhang tanong ko. Nakapagtataka kasing biglang nagbago ang isip nito.
"Sinabi ko lang yon para walang maghinala sakin, ngayong araw na to ang kasal mo at alam mo naman siguro ang binabalak ng anak ko diba?"
Tumango ako.
"Kaya nga kailangang makatakas kana dito dahil baka gawin na nga ng anak ko ang binabalak niyang pag patay sayo."sabi nito saka lumuhod para tanggalin naman ang tali ko sa paa.
"Ano pa po ang saysay ng makawala ako dito kung lahat naman ng sakin ay inagaw na ng anak niyo. Sa tingin niyo po ba may babalikan pa ko don ngayon."mangiyak-ngiyak na sumbat ko.
"Wag kang mawalan ng pag asa Cerra, maaaring hindi natuloy ang kasal mo."makahulugang sabi nito.
"Anong ibig niyong sabihin?".
"Magmadali kana baka magising pa ang mga bantay mo."natatarantang sabi nito saka ako tinulungang tumayo.
"Ano po yong ibig niyong sabihin kanina?"naguguluhang tanong ko.
"Wag mo ng tanungin, malalaman mo din yon kapag nakaalis kana dito kaya tumakas kana."sabi nito saka ako hinila palabas sa bodegang yon.
Nang makalabas kami ay natanaw ko ang mga tulog na tauhan ng pinsan ko. Mukang nakatulog sila sa sobrang kalasingan.
