Chapter 46

3.2K 59 2
                                    

Cerra POV

Nandito na kami ngayon sa harap ng bahay nila Lance. Kinakabahan ako dahil ngayon nalang ulit ako pupunta sa bahay nila.

"Honey wag kang kabahan ok!"sabi ni Lance sabay gagap ng kamay ko.

"Eh sa kinakabahan talaga ko, wag mong hawakan yung kamay ko nagpapawis na yan dahil sa kaba." nahihiyang sabi ko sabay hila ng kamay ko sa kanya pero hindi nito iyon binitiwan.

"Ok lang yan, mahal naman kita eh!"nakangiting sabi ni Lance sabay halik sa kamay ko. "Wag kang kabahan nandito lang ako sa tabi mo"

"Mama, daddy baba na ba tayo?"tanong ni Cassey na nasa backseat ng kotse.

"Saglit lang baby"sabi ni Lance sa anak namin. "Ano ok kana?"tanong nito sakin.

"Ah oo, tara baba na tayo" sabi ko kahit medyo kinakabahan parin ako.

"Dyan kalang" sabi ni Lance saka nagmamadaling bumaba sa sasakyan, agad nitong binuksan ang pinto ng sasakyan.

"Let's go honey!"aya nito sakin sabay alalay sakin pababa ng sasakyan.

"Pagkababa ko ay binuksan naman nito ang pinto ng backseat saka binuhat si Cassey.

"Maligayang pagdating sa inyo" bati sa amin ni Manang pagpasok namin sa bahay.

"Salamat Manang"sagot ni Lance.

"Kamusta na Cerra"

"Ok lang po, kayo po?"

"Ok naman, ay kay ganda naman pala ng anak niyo, kamukha ni Lexie" nakangiting sabi ni Manang.

"Oo nga po"nahihiyang sabi ko

"Halikayo nasa dining table na sila"aya nito sa amin.

"Tara na"nakangiting sabi ni Lance sa akin.

........................................

" Cerra kamusta kana? Natutuwa akong makita kang muli"masayang sabi ng mama ni Lance sabay yakap sakin.

"Ok lang po ako"naiilang kong sabi.

"Mas lalo kang gumanda, eto na ba ang apo ko, ay kay gandang bata"sabi nito sabay hawak kay Cassey.

"Hi po lola"magiliw na bati ni Cassey sa mama ni Lance.

"Hi din apo"sagot ng mama ni Lance habang nilalaro si Cassey.

"Ma kumain muna tayo"singit ni Lance.

"Ah sige"sagot nito sabay upo, katabi nito si Lexie, katabi naman ni Lexie ang mama nito na si Cloe.

"Hello po tita"masayang bati sa akin ni Lexie. "Hello Cassey"bati naman nito sa kapatid.

"Hello ate"medyo nahihiyang sabi naman ni Cassey.

"Kamusta na Cerra, long time no see."sabi sakin ni Cloe habang nakangiting nakatingin sakin.

"Ah ok lang"sagot ko, nagulat parin ako kahit na expected kona na narito siya sa bahay nila Lance. Naikwento na kasi nito sa akin na madalas dalawin ni Cloe si Lexie.

"Good for you" sabi nito sabay tingin kay Cassey. "Magkamukha nga pala sila ng anak ko"komento nito.

"Kumain muna tayo mamaya na tayo mag kwentuhan"ma awtoridad na sabi ni Lance kaya sabay sabay na kaming kumain.

      Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami sa sala para magkwentuhan pero naiwan din kaming dalawa ni Cloe dito dahil may biglaang bisita si Lance at ang mama nito kaya nagpunta muna ang mga ito sa library.

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon