This chapter is dedicated to shortcake84
Flashback parin po ito.
Laking tuwa ko nang lumabas sa resulta ng DNA na mag iina nga kami, sa wakas nagkita din kami ng nanay ko. May makakaramay na ko sa hirap at ginhawa.
Naikwento sakin ni Nanay ang tungkol sa father ko, isa daw itong half American na nakilala niya nung siya'y nagtrabaho sa ibang bansa.
Pamangkin ng father ko ang batang inalagaan ni Nanay.Nang makita daw nung father ko si Nanay ay agad itong lumapit at nagpakilala.
Ginawa ng father ko ang lahat para mapasagot lang si Nanay. Ilang buwan din ang lumipas bago nito nakamit ang matamis na oo ni Nanay.
Naging masaya ang kanilang pagmamahalan pero katulad ng mga drama sa telebisyon may kontrabida ding humadlang sa kanila.
Hindi nagustuhan nang mga magulang ng father ko na makipagrelasyon ito sa isang katulad ni Nanay na babysitter lang. Ang gusto nila yung manugang na galing sa magandang pamilya, kaya agad nilang pinaghiwalay ang mga ito.
Walang nagawa ang father ko dahil tinakot itong aalisan ng mana, ang Nanay ko naman ay sapilitang pinadeport sa Pilipinas. Pagkadating lang ni Nanay sa Pilipinas saka niya lang nalaman na nagbunga ang pagmamahalan nila.
Sinubukan ni Nanay na bumalik sa father ko pero nalaman niya na nasa blacklist siya, hindi na siya kailanman maaaring magpunta
pa sa bansang iyon.
Makapangyarihan ang pamilya nang father ko kaya nagawa nitong hadlangang magkita pang muli ang parents ko.
Kahit ang mga sulat na pinadadala ni Nanay para sa father ko ay bumabalik lahat. Kaya napilitan nalang si Nanay na kalimutan ang father ko. Tumira siya sa bahay ng kapatid niya, tiniis niya ang lahat pati ang masasakit na salita nito.
Nang maipanganak niya ko ay napilitan si Nanay na iwan ako kay Tiya. Nagpunta siya sa Singapore at nagtrabaho doon. Buwan-buwan ay pinapadala niya ang sweldo niya kay Tiya para may pang gastos si Tiya sa pag aalaga sakin.
Nang marinig ko ang kwento ni Nanay ay may namuong galit sa dibdib ko. Simula nang magkaisip ako ay lagi nang sinasabi ni Tiya na iniwan ako ni Nanay at wala na itong pakialam sa akin.
Pero hindi naman pala iyon ang totoo. Mahal na mahal pala ako ni Nanay, ilang beses niyang ninais na umuwi sa pilipinas at bisitahin ako pero hindi pumayag si Tiya.
Lagi nitong sinasabi na wag na itong umuwi dahil nasa maayos naman daw ako. at pagkatapos nitong sabihin iyon kay Nanay ay sasabihin na nito na magpadala ng pera.
Agad namang nagpapadala si Nanay kahit na kapapadala lang nito, palagi nga raw na nasasaid ang pera nito sa pagpapadala kaya naghanap pa ito ng ibang trabaho para lang may pang gastos.
Ilang taon din niyang ginawa yon hanggang sa nisipan niyang umuwi nang hindi sinasabi kay Tiya. Nasorpresa ito nang malaman na wala na kami doon. Kung sinu-sino na ang pinagtanungan nito para malaman kung san kami lumipat pero walang makapagsabi kung san kami nagpunta.
Nanlulumong bumalik si Nanay sa Singapore at nag ipon ito. Nang maka ipon ito ng malaki ay muli itong bumalik sa Pilipinas para magtayo ng negosyo, sa awa ng diyos ay naging maayos ang tindahan ng damit ni Nanay.
" Anak masayang-masaya ko dahil nagkita na tayo, napakatagal kong pinangarap ang mayakap ka ng mahigpit, sa wakas nangyari narin ito." mangiyak-ngiyak na sabi ni Nanay habang mahigpit niya kong yakap.
"Ako rin Nay, sabik na sabik din po ako sa yakap niyo" umiiyak na sagot ko.
"Hindi na tayo maghihiwalay anak, pinapangako ko yan sayo, hinding-hindi na ko aalis sa tabi mo.Aalagaan kita pupunan ko yung ilang taon na pagkakalayo natin. Mahal na mahal kita anak!"
"Mahal na mahal ko din kayo Nay."
"Oo nga pala Anak, tungkol dyan sa dinadala mo, mabuti pang ipag patuloy mo yan, wag kang mag alala tutulungan kita sa pagpapalaki sa kanya."sabi nito sabay haplos sa tiyan ko.
"Salamat Nay"
"Mabuti pa kunin na natin yung mga gamit mo kila Tilda, simula ngayon dun kana sakin titira."
"Sige po Nay."sang ayon ko, ayoko rin namang malayo pa kay Nanay.
...............................................................................................
"Naku Cerra masaya kami ni Nanay para sayo, sa wakas nakita mo narin ang Nanay mo." natutuwang sabi ni Rose habang tinutulungan akong ilagay sa bag ang gamit ko.
"Hanggang ngayon nga hindi parin ako makapaniwala na nadyan na siya.
"Ganyan lang talaga sa una, oo nga pala Cerra, alam na ba nang Nanay mo ang kalagayan mo?"
" Oo pinagtapat ko na sa kanya nung mag pa DNA palang kami."
"Talaga! kahit di kapa sure non kung siya nga yung Nanay mo?"
"Oo ang gaan kasi ng loob ko sa kanya, yun siguro yung tinatawag nila na lukso ng dugo." nakangiting kwento ko.
"Tama ka, haaay naku mamimiss kita Cerra, kahit sa maikling panahon pagtira mo dito tinuring na kitang kapatid.
" Ganun rin ako, salamat ha!"sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Haaaay naku kaya naman pala ang tagal niyo lumabas eh nagdadrama kayo dyan." natatawang sabi ni Aling Tilda kasama nito ang Nanay niya.
"Mamimiss ko kasi itong si Cerra, wala na kong kadaldalan dito."
"Eh nandito naman ako ha! Ako nalang ang kausapin mo." sagot ni Aling Tilda sa manugang niya.
"Eh Nay, ano naman yung pag uusapan natin? Tungkol ba sa gera noon? Naku Nay wag na mas gusto ko parin yung kaidad ko noh!"
"Aba't ang batang ito" natatawang naiinis na sagot na sabi ni Aling Tilda.
" joke lang yun Nay, hehehe."
"Wag kang mag alala Rose, makakasama mo parin si Cerra."nakangiting sabi ni Nanay.
" Talaga po,, dito narin ba kayo titira tita?"
"Hindi Rose, balak ko kasing magtayo ng isa pang branch ng shop ko, naisip ko na kunin ka don para magkakasama parin kayo nang anak ko, si Cerra kasi yung magma manage non. Ano gusto mo ba?
"Naku Tita ko aayawan yan." tuwang tuwa na sabi nito. "Halika anak" aya nito kay Hazel. "Anak hindi na ko magtitinda sa palengke. Sa mamahaling tindahan na ko magtatrabaho." tumatawang sabi nito sa anak.
"Hahaha ikaw talaga Rose oo, sige na aalis na kami ni Nanay, baka gabihin pa kami sa daan." paalam ko.
"Oo nga pala, sige halika na ihatid na namin kayo sa labas." aya samin ni Rose.
" Sige" nakangiting sang ayon ko.
"Ingat kayo sa byahe." sabi ni Aling Tilda.
"Salamat, sige Tilda aalis na kami." paalam ni Nanay saka sumakay sa kotse.
"Bye tatawagan nalang kita pag maayos na yung shop." sabi ko.
"Sige ingat."
"Bye!" sabi ko sabay sakay sa kotse.
Naging maganda ang buhay ko kasama si Nanay, tinulungan niya ko sa pagbubuntis ko, lagi siyang nasa likod ko para alagaan ako.
Hanggang sa pinanganak ko si Cassey, tuwang tuwa si Nanay dahil may maaalagaan na daw siyang baby.
Naging maayos din yung shop na minamanage ko nung una nahirapan ako dahil madaming kakumpetensya pero dahil puro dekalidad yung mga damit namin naging mabili ito.
Wala na talaga kong mahihiling pa malaki ang pasasalamat ko sa Diyos dahil ginabayan niya ko. Thank you po.
A/N:
Ayan tapos na yung flashback, sorry kung may mga typo error, sa tablet lang kasi ako nag a update. Hi sa mga bumabasa nito! Thank you po ng madami.
vote!
comment!
be a fan!
..........sarahjoy00
