Chapter 24

3.5K 101 3
                                    

This chapter is dedicated to my sister rhea. Basahin niyo din po yung story niya dito sa wattpad eto po yung username niya franqah_princess.

Happy reading!

Donya Martina POV

"San po tayo ngayon Madam?" tanong ng driver ko.

" Sa shop na laging kong pinupuntahan dun mo kami ihatid." sagot ko.Alam ko naman na alam niya yon dahil matagal ko na siyang driver.

" Yes Madam" sagot nito saka pinaandar ang sasakyan.

" San po tayo pupunta Mama?" hindi napigilang itanong sakin ni Cerra.

"Sa shop ng pamangkin ko, magaganda ang mga gown nila dun. Siguradong magugustuhan mo ang mga yon.

" Naku siguradong mahal po dun, wag nalang mama" tanggi ni Cerra.

Tinitigan ko siya ng mabuti, mukang nakalimutan niyang nagpapanggap siya bilang si Cloe.

" Madam nandito na po tayo" inform sakin ng driver ko.

" Halika na Cloe" aya ko sa kanya.

" Cloe she's Camille my beautiful pamangkin. She own this shop." pakilala ko sa kanilang dalawa.

" Nice to meet you" sabi ni Cerra saka inilahad ang kamay kay Camille.

" Nice to meet you too." sagot ni Camille saka tinanggap ang kamay ni Cerra.

..........................

Cerra POV

Kasalukuyan na kong nagsusukat ng damit. Kanina pa ko pabalik-balik sa dressing room, ang gaganda ng damit kaya lang ang mamahal.

"Cloe try this one" utos sakin ni Mama.

" Ah sige po" sang ayon ko saka ko sinukat yung damit na binigay sakin ng Mama ni Lance.

"Wow you look good in that gown, bagay na bagay sayo yung dinesign kong gown." puri sakin ni Camille.

"tnx."

" Kukunin na namin yan saka yung black dress na sinukat niya kanina" sabi nang Mama ni Lance.

"Ok tita, kayo ba tita anong gusto niyo?" tanong ni Camille.

"Bigyan mo ko ng mga gown na sa tingin mo ay babagay sakin."

" Ok tita, try niyo po ito, sigurado kong babagay sayo ang mga ito tita."

" Ganun ba, sige isusukat ko na yan lahat para makita ko kung ano ang mas babagay sakin. Magkwentuhan muna kayo ni Cloe, yung assistant mo muna yung mag aasist sakin.

"Sige tita"

..................................

" So how are you Cloe? Ang tagal narin ng huli nating pagkikita ah! 1 year before your accident pa yata yon."

"Ok lang naman ako, ikaw kamusta kana, pasensya na kung hindi kita naaalala ha!" pagpapa umanhin ko.

"Ok lang yon, masaya akong makitang close na kayo ni tita." saad ni Camille.

"Hindi ba kami close ni Mama dati."

"Oo hindi nga kayo magkasundo ni tita."

"Ha pero pano nangyari yon, pwede bang ikwento mo sakin?"

"Sure kaba na gusto mong malaman?" alanganing tanong niya sakin.

"Oo" sagot ko curious kasi ako kung bakit hindi magkasundo si Mama at si Cloe.

" Hmmm...." huminga muna ng malalim si Camille bago nagsalita." Ganito kasi yon Cloe, palagi ka kasing wala sa bahay nasa bar ka  lagi kasama ang mga friend mo na adik din sa lakwatsa. Yun ang laging pinag aawayan niyo ni tita wala kana kasing time na alagaan si Lexie. Tapos lagi mo pang sinasagot si tita ng pabalang kaya hindi kayo naging close. Pero dahil mahal na mahal ni tita si Lance kaya hindi kana niya pinapatulan." kwento ni  Camille.

" Ganun ba, dapat pala mag sorry ako kay Mama mamaya."sabi ko medyo gulat parin ako sa kinuwento niya sakin. Hindi ko alam na ganun pala kasama si Cloe para ganunin ang mama ni Lance.

"Pero mukang nagbago kana man na kaya wag mo nang isipin yon Cloe lahat naman ng tao nagkakamali kaya wag mo nang isipin yung kinuwento ko sayo." sabi ni Camille nang mapansing tahimik ako. "Mabuti pa balikan na natin si tita tulungan natin siyang pumili ng gown. Pati yung isusuot ni Lexie sa birthday ni Lance." aya sakin ni Camille.

"Oh sige."

     Pauwi na kami ni Mama nang maalala ko ang pinag usapan namin kanina ni Camille kailangan ko nga palang mag sorry sa nagawa noon ng tunay na Cloe, kahit kasi hindi naman ako ang gumawa non eh parang obligasyon ko na rin na mag sorry kay

Mama.

" Ma sorry po pala" sabi ko sa kanya.

"For what?" takang tanong ni Mama.

"Na ikwento po kasi sakin ni Camille na hindi po tayo magkasundo noon, na palagi ko kayong sinasagot, sorry po kung  nagawa ko yon sa inyo noon"

Donya Martina POV

Nagulat ako nang mag sorry sakin si Cerra hindi ko ini-expect na gagawin niya yon.

"Naku wag ka nang mag sorry Cloe matagal na yun kaya kalimutan mo na yon" sabi ko hindi niya naman kasi kailangang gawin pa yon.

"Pasensya na po talaga Mama!"

" Cloe wag mo nang isipin yon past is past kaya kalimutan mo na yon ok!"

"Opo Mama."

Vote!

Comment!

Be a fan!

..........................

sarahjoy00

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon