This update is dedicated to Marice Manguiat.
Lance POV
Agad kong sinundan si Lexie nang mag walk out siya.
"Lexie! anak!" tawag ko sa kanya
"Go away dad!" sigaw niya habang nakasubsob yung mukha sa kama.
"Lexie please kausapin mo si daddy"
"Dad! bakit niyo ko niloko? bakit hindi niyo sinabi sakin na hindi siya ang mommy ko!" umiiyak na sumbat sakin ni Lexie.
"Lexie hindi ko sinabi sayo yon dahil ayokong masaktan ka, ayokong magalit ka sa mommy mo"
"Pero dad sa tingin niyo ba hindi ako magagalit pag nalaman kong niloloko niya ko"
"Alam kong magagalit ka, kaya nga inilihim muna namin sayo ang lahat. Bata ka pa kasi anak kaya hindi mo pa maiintindihan ng maayos ang lahat"
"Pero dad"
"Lexie dapat kausapin mo yung mommy mo dahil iniwan niya tayo, hindi parin magbabago ang katotohanan na siya ang mommy mo" paliwanag ko.
"Kakausapin ko din naman siya dad, nabigla lang naman po kasi ako sa nangyari"
"Good, wag ka nang umiyak ha!"
"Yes dad! sige po kausapin niyo po muna sila. Bye the way dad kung hindi siya si mommy ano ang pangalan niya?"
"She's your tita Cerra" nakangiti kong sagot.
"Hmm dad" sabi ni Lexie habang nakatitig sakin.
"Why?"
"Sa tingin ko dad may gusto ka sa kanya" hula ni Lexie
Agad ko siyang nginitian.
"So dad, tama ako mahal mo na siya?" sabi ni Lexie habang nakatingin sa mata ko.
"Yes"may sinseridad ma sabi ko.
:"Pero pano yung totoo kong mommy?"
"Hindi ko na siya mahal, nawala na ang pagmamahal ko sa kanya nang iwanan niya tayo"
![](https://img.wattpad.com/cover/9771166-288-k759598.jpg)