Cerra POV
"Grabe friend hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang siya ang daddy ni Cassey. Grabe napakaliit talaga ng mundo noh! Akalain mo dito pa pala sa resort na to sila ulit magkikita, at ang mas malala pa siya pala yung business partner ng asawa mo" natatawang sabi ni Rose kay Agatha.
"Oo nga e, balak ko pa man ding ipakilala sila sa isa't isa eh numpala magkakilala na sila dati pa."tumatawa ding sabi ni Agatha.
"Eh masyado kasing malihim si Cerra, hindi manlang satin sinabi na ang sikat na businessman pala na yun ang dadday ng anak niya." Sabi naman ni Rose.
"Oo nga, nakakapagtampo tuloy"sang ayon ni Agatha.
"Pero ok lang yun, basta sigurado ko na magkaka lovelife na ang bestfriend natin"kinikilig na sabi ni Rose.
"Oo nga"muling sang yon ni Agatha sabay apir kay Rose.
"Hoy grabe kayo ha! Kung mag usap kayo parang wala ako dito ah" sita ko sa kanila.
"Aaay sorry nanjan ka nga pala" tumatawang sabi ni Agatha.
"Hmmm kanina pa kaya ako dito"
"Hahaha sorry naman, kinikilig lang naman kasi kami sainyo." sabi ni Rose.
"Ano naman ang nakakakilig don? Aber!"inis kong tanong kay Rose.
"Ano pa edi yung pagkakabalikan niyo. Grabe ang tagal niyo ng nagkahiwalay pero kayo parin palang dalawa hahaha!"
"Ui hindi pa kami noh!"mabilis na tanggi ko.
"Hindi pa pero bukas kayo na" pang aalaska sakin ni Agatha.
"Ui grabe ka naman, hindi naman ako easy to get noh! saka matagal na ang lumipas kaya kailangan muna naming kilalanin ang isa't isa bago kami pumasok sa isang relasyon."
"Pero friend my anak na kayo ni Lance hindi ba dapat ay sinasagot mo na siya para mabawi niyo yung ilang taon na lumipas." singit ni Rose.
"Oo nga Cerra tama siya."sang ayon ni Agatha.
"Kahit na, nag umpisa kami sa kasinungalingan kaya dapat lang na kilalanin muna namin ang isa't isa diba?"
"Ok kung yan ang desisyon mo basta nandito lang kami ni Rose pagkailangan mo ng advice."
"Oo nga dito lang kami laging susuporta sayo."sang ayon naman ni Rose.
"Salamat"sabi ko sabay yakap sa kanilang dalawa maswerte ako at nagkaroon ako ng kaibigang katulad nilang dalawa.
.......................
"Mama para syayo oh!"sabi ni Cassey sabay pakita sakin ng hawak nitong rosas.
"Kanino galing yan?"tanong ko kahit may hinala na ko kung sino ang nagpapabigay non. Ilang araw narin kasi ang lumipas. At walang araw na hindi ako binigyan ni Lance ng kung anu anong bagay.
"Yabyu daw po syabi daddy"nakangiting sabi ng anak ko.
Napangiti ako mejo may pagkabulol parin kasi ito. Agad kong kinuha ang mga rosas saka ko inamoy.
"Mama anu syasyabihin mo kay daddy?"
"Ha anung sasabihin?"naguguluhang tanong ko.
"Yung syasyabihin mo nga Mama kay daddy."
"Anu naman ang sasabihin ko?"nagtataka paring tanong ko.
"Ah..."nag isip muna si Cassey saka ngumiti. "Yabyu too mwuah!"
Natawa ko sa sinabi nito, haaay naku kabata bata ng anak ko pero may nalalaman ng ganun. Masama yatang impluwensya sa anak ko na laging nakikita ang paglalambingan ng ninang Agatha niya at ang asawa nito.
"Anu na Mama?"naiinip na sabi ng anak ko.
"Sabihin mo sa daddy mo salamat"napangiti ako ng sumimangot ang anak ko pagkarinig sa sinabi ko.
"Bhakit yon? Diba dapat yabyu too sabi mo."maktol na sabi ni Cassey.
"Hahaha ikaw talaga, sige na sabihin mo na sa daddy mo yung sinabi ko.
"Kashi naman ihhh"bulong ni Cassey sabay alis sa harapan ko.
Agad itong lumapit sa daddy nito. Napansin ko ang pagsimangot ni Lance pagkatapos magsalita ng anak ko. Lumingon ito sa gawi ko kaya huling huli nito ang pagtitig ko sa kanila.
Agad kong iniwas ang tingin ko ng kumindat at ngumisi sakin si Lance
"Gosh ang lakas ng tibok ng puso ko" bulong ko.
Lance POV
Nakangiti kong tinitigan ang mag ina ko habang binibigay ni Cassey ang rosas sa mama niya. Napansin ko ang pag ngiti ni Cerra ng tanggapin nito ang ibinigay niyang rosas.
"Hmmm nakakatuwa silang pagmasdan"
Napansin ko rin ang pagmamaktol ng anak namin.
"Ano kaya ang pinag uusapan nila?" tanong ko habang nakatingin sa kanila. Maya-maya ay lumapit ang anak ko sa akin.
"Oh anu sabi ng mama mo?" excited na tanong ko
"Syabi ni Mama syalamat daw"
Napasimangot ako sa sinabi nito, agad kong tiningnan si Cerra. Nakatingin din ito sa akin kaya nginitian at kinindatan ko siya. Natawa ako ng agad itong umiwas ng tingin.
"Daddy diba dapat yabyu too yung sagot ni Mama?
"Hahaha oo nga"sang ayon ko.
"Tara daddy punta tayo kay Mama, syabihin natin dapat yabyu sagot niya." kulit sakin ni Cassey sabay hila sa kamay ko.
Muli akong natawa sa sinabi niya. Binuhat ko muna ang anak ko bago kami lumapit sa Mama niya.
"Mama! Mama" untag ng anak namin kay Cerra na nakatanaw sa dagat.
Lumingon ito sa amin kaya agad ko siyang nginitian, namula naman agad ito.
Cerra POV
"Anu ba yon Anak?" tanong ko habang nakatingin ako sa kanila.
"Mama syabi ko sayo dapat yabyu yung sagot kay daddy."
Agad akong namula sa sinabi ng anak ko. "Ano ba tong anak ko ang kulit!"
"Diba daddy yun dapat sagot niya."
"Oo tama siya."sagot ni Lance saka ako tinitigan sa mata.
Muli akong umiwas ng tingin sa kanya.
"Mama sagot muna dali" kulit ng anak namin.
"Ha wag na" tanggi ko.
"Shige na kasi Mama" kulit parin nito sakin.
"Oo nga naman wag ka ng mahiya sakin Cerra"singit ni Lance.
"Ayoko nga kasi"nahihiyang sabi ko.
"Sige na nga anak wag na, di naman yata ako love ng mama mo"paawang sabi ni Lance.
"Ayan tuloy galit na daddy ko."maktol ni Cassey. "Shige na kasi mama syabihin mo na."
Huminga muna ko ng malalim bago ko nagsalita. "Ok sige panalo na kayo. Ilove you na."mabilis kong sabi kay Lance.
Agad namang humarap si Lance na abot tenga ang ngiti, pinagkakatuwaan yata ako ng mag ama ko.
"Sinabi mo yan ha! wala ng bawian. I love you too honey." sabi ni Lance sabay lapit sakin.
"Daddy kiss muna Mama ko." Sabi samin ni Cassey kaya muling namula ang pisngi ko. Tinitigan ako sa mata ni Lance sabay dahan dahang lumapit ang mukha sakin.
"Wag"bulong ko.
"Wag ka ng tumanggi baka magalit ang anak natin" ganting bulong nito sabay halik sakin.
Vote!
Comment!
Be a fan!
sarahjoy00