Chapter 13

4.1K 83 2
                                    

Someone POV

"Hindi ka pa rin ba uuwi sa inyo?

"Ma ayoko pa munang umuwi, masaya ko dito kasama so Edward"

"Pero anak, baka nakakalimutan mong may asawa't anak kana, pano nalang pag nalaman nilang nandito ka."

"Ma wag ka ngang kabahan, hindi nila malalaman to,baka nga hanggang ngayon hindi parin nila alam na hindi ako yung kasama nila sa bahay.

" Pano ka naman nakatitiyak na ganun nga ang nangyayari? tanong ulit sakin ni mama

"Kung hindi man ganun ang mangyari wag kang mag alala ma, may alas pa rin naman ako sa kanila, kaya ienjoy mo nalang ang bakasyon mo dito. Ou nga pala may date kami ngayon ni Edward kaya ikaw nalang mag isa yung kumain. Bye ma

                  End of POV

________________________________

Cerra POV

" Ay nakakahiya talaga , bat ba kasi mali yung pagkakaintindi ko sa sinabi ni Lance" kung gusto niyo malaman kung ano young pagkakaintindi ko kanina. Geh i she-share ko sa inyo.

" Kasi kanina akala ko inaaya niya ko sa kwarto niya at may balak siyang gawin sakin, sisigaw na nga sana ko kanina ng kuya wag po hahaha... buti nalang at mali pala ko hindi pa kasi ako ready sa ganon. Pero nakakahiya talaga yun buti nalang at di niya nahalata na iba ang naisip ko sa sinabi niya.

"Haaay ikaw naman kasi Cerra wag kang greenminded para di ka mapahiya" bulong ng isip ko.

" Hindi kaya, bigla ko nalang kasi naisip yon, pero hindi ibig sabihin nun greenminded na ko

"Naku palusot kapa!

" Hindi nga ang kulit mo! Haaay anu ba yan nababaliw na yata ako, pati ba naman sarili ko kinakausap ko. Haaay kailangan ko na nga talagang matulog". Pumikit ako at pinilit ko na ngang matulog pero wala Latin. Nag umaga na pero dilat na dilat parin ako. Tiningnan ko ang orasan 5 am na pala, makalabas na nga lang.

Pagkababa ko at nakasalubong ko si Lance nakapang jogging ito

"Oh gising kana pala, gusto mong sumamang magjogging?

" Naku wag na ikaw nalang" tanggi ko

"Sumama kana para may kasama rin ako, saka hindi ka pa naman nakakalibot dito diba?

"Naku nextime nalang lance.

" Sige na Cloe., minsan lang kita ayain kayaw wag kanang tumanggi" pilit parin sakin ni lance

"Haaay sige na nga" napipilitang sang ayon ko"nakakaasar naman si Lance kunwari pang tinanong ako kung gusto kong sumama, eh bawal din naman pala kong tumanggi.

" Good sige na magpalit kana ng damit para makapag start na tayo.

"Ou saglit lang" sabi ko saka ako bumalik sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Kasalukuyan na kaming tumatakbo

"Ano masarap mag jogging diba?

" ah ou" sang ayon ko kahit medyo hinihingal na ko ang tagal ko narin kasing hindi tumatakbo.

" Cloe mukang pagod kana, halika dun muna tayo ng makapagpahinga ka". Aya sakin ni lance

Haaay salamat naman.

"Oh eto tubig uminom ka, pasensya na nakalimutan kong hindi ka nga pala sanay mag jogging di tulad ko na araw araw ay ito ang ginagawa bago pumasok sa opisina.

"Naku ok lang yon, mukang papayat na ko nito." biro ko sa kanya.

" Hindi kana man mataba kaya wag kang ma conscious sa katawan mo.

"Sigurado ka? Para kasing lumaki yung braso at binti ko.

"Ok nga na nagkalaman laman ka, ang payat mo kaya nun.

"Hindi naman ako payat nun, ang sexy ko nga nun eh!" kontra ko sa sinabi ni Lance. Saka ko siya iningusan.

"Hahahaha mukang napikon kapa yata"

"Heh!

"Hahaha di kanaman mabiro, sexy ka nga parang di ka nga nanganak!"

"Eh talagang hindi pa naman ako nanganganak, hindi ko pa nga nararanasang magka boyfriend eh!" Wala sa loob na sabi ko.

" Ano sabi mo?

"Ah....eh....ano...ang sabi ko matagal na kong sexy" natatarantang sagot ko. Anu ba yan nadulas pa ko..dapat talaga mag ingat na ko sa mga sinasabi ko..

" halika na nga umuwi na tayo malayo narin naman ang naikot natin.. saka baka hinahanap na tayo ni Lexie" aya sakin ni Lance

" Oh sige!" sabi ko saka ako nag umpisang tumakbo. Malayo na rin ang nararating ko ng mapansin kong hindi pala siya sumunod sakin. Napilitan tuloy akong balikan siya.

"Oy Lance akala ko ba uuwi  na tayo? sita ko sa kanya.

"Oo nga"

"Eh ba't ayaw mo pang umalis dyan?

"Gusto ko kasing pagmasdan ka habang tumatakbo" nakangiting sagot ni Lance.

"Bakit muka ba kong timang pag tumatakbo ko?" inis kong tanong sa kanya.

"Hindi naman, ang cute mo nga eh!

"Hindi ako aso kaya wag mong sabihin na cute ako" inis kong sabi saka ko binirahan ng takbo.

"Cloe sandali lang!

"Bilisan mo, unahan tayo pa uwi sa bahay." sigaw ko sa kanya saka ko binilisan ang takbo.

"Ayan na ko, lagot ka sakin pag naabutan kita."

"Hahaha hindi mo ko maaabutan, magaling kaya ako sa takbuhan" sabi ko saka mas binilisan ko pa ang pag takbo.

A/N

   Sorry po sa slow update! Hayaan niyo po from now on dadalasan ko na po ang pag update...

   Vote and comment po please!

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon