chapter 10

4.3K 88 2
                                    

Cerra POV

                     Agad kong inaya sa kwarto si Lexie, pinahiga ko siya sa lap  ko.

             "Baby wag ka ng umiyak, nandito na si Mommy" masuyo kong sabi kay Lexie habang sinusuklay ko ang buhok niya.

                    "Mommy natakot po ako, akala ko di mo na ako love, akala ko di mo na ako babalikan".

               "Baby love na love ka kaya ni Mommy" bukal sa loob na sabi ko.Totoo naman kasi yon, napakadaling mahalin ni Lexie ,isa siyang mabait at sweet na bata. Kahit minsan ay para siyang matanda kung mag- isip.

                    "Mommy pwede bang dito ka nalang matulog".

                    "Ah ehh...sige, kung yan yung gusto mo.Sleep ka na baby may pasok ka pa bukas".

                    "Ok po goodnight Mom",umayos na ito ng higa.

                     "Goodnight "sabi ko, saka ko siya hinalikan sa pisngi.

         

                 Matagal nang tulog si Lexie pero gising pa rin ako. Iniisip ko kung tama nga ba na bumalik ako sa bahay na to. Na kahit may chance pa ko na malayo sa kanila eh bumalik pa ako. Siguro kung naabutan ko lang si Agatha baka napayuhan niya ko sa problema ko.

               Habang nag-iisip ako kanina kung saan ako pupunta bigla kong naisip si Lexie,yung nakangiti niyang mukha.Naisip kong kawawa naman siya kung hindi ko siya babalikan. Mukang sabik pa naman siya sa pagmamahal ng isang ina. Saka wala na rin akong mapupuntahan kaya napilitan na kong bumalik dito.

                Ayoko namang habang buhay  na magpapanggap bilang si Cloe. Sana nga lang ay hindi nila mapansin na impostor lang ako.

                   Magtatapat naman ako bago ko umalis dito. Nakatulugan ko na ang pag-iisip.

*Morning*

                  Nagising akong wala na si Lexie sa tabi ko.Agad akong bumangon at pumunta sa kwarto ko para maligo pagkatapos ay bumaba na ko.

                  "Mommy halika na kain na po tayo" aya sa kanya ni Lexie.

                   "Oh sige",sagot ko saka ako naupo.

                  "Cloe nabalitaan ko na umalis ka daw kahapon" sabi  sa kanya ng mama ni Lance. 

                 "Oo nga po,pasensya na po kung pati kayo ay nag alala sa pag alis ko".

               "Okey lang yon ,pero sana sa susunod magsabi ka kahit kay manang para haindi nag-aalala si Lance".

                  "Opo di na po mauulit" sabi ko saka ako tumingin kay Lance napansin kong titig na titig siya sakin,na para bang binabasa niya yung nasa isip ko.

                  Nakakailang talaga kung tumingin si Lance, yun bang parang matutunaw ka. 

                 "Lexie kumain ka ng kumain baka ma late ka sa school".

                "Opo Mommy, pwede po bang ihatid nyo ko sa sa school "paglalambing ni Lexie sa kanya.

                 "Sure, gusto ko ring makita yung school mo".

                 "Sige ako nalang ang maghahatid sayo Lexie"sabi ni Lance.

              "Naku wag na Lance, kay Mang Caloy nalang kami magpapahatid, maaabala ka pa eh!" tanggi ko.

                 "I insist, ako ang maghahatid sa inyo".

  

               "Pero baka ma late ka sa work mo"giit ko sa kanya.

             "Baka nakakalimutan mo na anak ako ng may ari ng company kaya kahit anung oras akong pumasok walang magagalit sakin".

               "Sinabi mo eh" bubulong-bulong na sabi ko, kung maaari lang ay ayaw kong makasama ng matagal si Lance dahil kung anu-anong pakiramdam ang nararamdaman ko pag nandyan siya.

                "May sinasabi ka ba?" tanong nito sa kanya.

                "Wala! sabi ko sige ikaw na yung maghatid samin".

               "Good" sabi ni Lance saka pinagpatuloy ang pagkain.

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon