This update is dedicated to robierocampo dahil nasagot niya yung tanong ko kung sino yung nagpadukot ky Cerra. Thank you sa pagsagot.
Cerra POV
Napatingin ako sa pinto ng dahan-dahan itong bumukas, sinubukan kong kalagin ang pagkakatali ng kamay ko.
"Hindi pwedeng maabutan nila ko dito."piping bulong ko.
"Wag mo nang subukang tanggalin yan dahil mahigpit ang pagkakatali dyan ng mga tauhan ko."sabi ng isa sa taong pumasok, boses ng babae ang narinig ko at pamilyar ito sakin.
"Si Cloe?"bulong ng utak ko pero hindi rin ako sigurado dahil alam ko naman na nasa ibang bansa siya ngayon.
Nasagot ang tanong ko nang biglang lumiwanag ang paligid. Inikot ko ang mata ko at nakita ko ang nakangising mukha ni Cloe.
"Ano nagulat kaba?"tumatawang tanong nito.
Sinubukan kong magsalita pero puro ungol lang ang lumabas sakin.
"Tanggalin niyo ang basahang nasa bibig ng babaing yan."utos ni Cloe sa isa sa nga tauhan nito.
"Walangh*ya ka Cloe bat ginawa mo to?"medyo paos na sigaw ko sa kanya pagkatanggal ng tela sa bibig ko.
"Tinatanong pa ba yan?"nakataas ang kilay na sabi nito.
"Bat mo ginawa to? Akala ko ba magkaibigan na tayo?"
"Eh gaga ka pala, naniwala ka sa drama ko. Tama pala ang hinala ko noon pa na tanga ka."tumatawa paring sabi ni Cloe.
Nagsitawanan din ang mga tauhan nito.
"Hahaha tanga!"sabi ng isa sa mga lalaki.
"Magsitigil kayo!"bulyaw ni Cloe sa mga ito. "Ako lang ang may karapatang tumawa dito kaya manahimik kayo!"maawtoridad na sigaw nito.
"Yes boss"bahag ang buntot na sagot ng mga tauhan nito
"Cloe bat mo ginawa to? Wala naman akong kasalanan sayo ah?"
"Anong wala?"galit na sabi ni Cloe saka sinampal ako sa magkabilang pisngi ko. "Ano alam mo na ba ang kasalanan mo sakin?"tanong nito sakin saka hinawakan ang pisngi ko, diniinan nito ang pagkakahawak kaya napadaing ako.
"Yan tama lang yan sayo, ang kapal ng mukha mong agawin sakin ni Lance. Eh di hamak naman na mas maganda at matalino ko sayo."sabi nito sabay dura sa pisngi ko.
"Walangh*ya ka!"sigaw ko.
"Oo walangh*ya ako pero ikaw tanga dahil hindi ka naniwala sa mga kaibigan mo. Akala mo ba totoo ang mga pinakita ko sayo?"huminto ito sa pagsasalita saka tinitigan ako. "Pwes nagkakamali ka dahil lahat ng kabaitang pinakita ko sayo e puro pagkukunwari lang. Hindi ako mabait na kagaya mo na agad-agad nalang nagtitiwala."
"Napakasama ng budhi mo para gawin sakin to. Pinagkatiwalaan kita tapos ito lang pala ang igaganti mo sakin. Bakit Cloe?"determinadong tanong ko may pakiramdam kasi akong may mas malalim na dahilan kung bakit galit na galit ito sakin.
"Aba may utak ka rin pala kahit papano! Sige sasabihin ko sayo kung bakit para naman malaman mo bago pa kita patayin."