Chapter 35

3.4K 61 3
                                    

A/N: Pasensiya na po kung matagal kayong nag antay sa update ko, busy po kasi ako college student kasi kaya laging busy,hehe... Super natuwa ako ng makita ko na malapit ng mag 10 K yung read, thank you sa nagbabasa ng kwento ko pagpatuloy niyo po yung pagbabasa nito, wag niyo po kalimutan mag vote pag katapos.

This chapter is dedicated to pasionglaiza, thanks sa pag vote.

Happy Reading!

Cerra POV

4 Years na ang nakalilipas mula nang umalis ako kila Lance. Heto ko ngayon nag mamanage na ng sarili kong boutique.

"Cerra yung Nanay mo nasa line" inform sakin ng kaibigan kong si Rose.

"Ganun ba, sige sabihin mo ako nalang ang tatawag sa kanya.

" Sige" sagot nito saka lumabas ng opisina nya.

Agad kong tinawagan si Nanay.

"Hello Nay, bat kayo napatawag?" tanong ko. pagkasagot niya ng phone.

" Eh si Cassey kasi kanina kapa inaantay. Eto oh kausapin mo siya!"

" Hello Cassey totoo ba yung sinabi ng lola mo?" masuyong tanong ko sa 3 year old daughter ko na si Cassey (Ka-C po ang basa sa pangalan niya).

" Mami uwi kana"

" Oo pauwi na si Mami wait mo nalang ako ha!"

"Opo wait kita dito, pasalubong ha!" bibong sabi nito.

" Hahaha ou pag uuwi kita ng pasalubong, bigay mo na kay Lola mo yung cellphone!"

"Oh ano uuwi kana ba?" tanong sakin ni Nanay.

"Yes Nay, tinatapos ko nalang yung ginagawa ko, pakibantayan niyo nalang po yung makulit niyong apo."

" Hindi naman makulit tong apo ko ang cute-cute nga eh! Manang mana sa lola" tumatawang sabi nito.

"Hahaha ou sige na kayo na kamukha. Ibababa ko na po ito at kakausapin ko pa si Rose na mauuna na kong umuwi"

"Ou sige" sagot nito.

Agad kong pinatay ang cellphone ko saka ako lumabas.

"Rose" tawag ko Kay Rose nang makita kong naglalagay siya ng damit sa mannequin. Agad naman itong tumingin sa akin.

" Rose mauna na ko sa inyong umuwi ha. Pinauuwi na kasi ako ng anak ko. Alam mo naman yon hindi sanay na malayo sakin."

"Oo sige kami nalang magsasara ng shop, siguradong naiinip na don yung inaanak ko."

" Sige salamat ha!" sabi ko. "Magsara kayo ng maaga para maaga kayong makapagpahinga okey!"

" Ou sige ingat ka sa pag uwi" sabi niya sakin.

Agad kong kinuha ang bag ko saka ko isinara yung office ko.

"Alis na ko" paalam ko sa kanila.

" Sige po Ma'am, ingat po kayo!" sabay-sabay na sabi ng mga empleyado ko.

Nginitian ko sila bago ako lumabas at sumakay sa kotse ko. Nakangiti kong tiningnan ang picture ni Cassey na nanduon sa kotse. Nakangiti ito sa picture, kamukang-kamukha nito si Lexie kaya hindi maipagkakamaling magkapatid ang mga ito.

"Let it go, let it go can hold it back anymore" tunog ng cp ko. Agad kong kinuha sa bag ko yung cp ko, tumatawag pala si Nay.

" Hello Nay bakit po?"

" Anak nakalimutan ko palang sabihin sayo na ibili mo ng donut yung apo ko. Gusto daw niyang kumain ng donut."

"Ganun po ba, sige po bibili ako"

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon