Chapter 34

3.4K 57 4
                                    

This chapter is dedicated to davi_licious001.

Lexie POV

"Dad san kayo pumunta?" tanong ko.

"Hinahanap ko yung tita Cerra mo" maikling sagot ni Daddy, mababakas sa mukha nito ang lungkot.

"Bakit san ba siya pumunta Dad, diba nanjan lang siya kanina?" nagtatakang tanong ko.

" Umalis na siya dito" sagot ni Mama Cloe.

" Po? bakit po siya umalis?

"Tinatanong pa ba yan Lexie?" sagot ni Mama na kung tingnan ako ay parang napaka tanga ko. Agad namang nangilid ang luha sa mga mata ko.

"Oooops Lexie hindi ko naman sinabi na tanga ka, yung tanong mo kasi eh!"alo niya sakin. "Wag kanang umiyak okey! Madami kong dalang pasalubong sayo. Wait lang ha! pakukuha ko sa katulong" sabi nito sabay alis.

"Dad ok kalang?"

"Yeah medyo pagod lang ako, magpapahinga muna ko pakisabi nalang yon sa Mommy mo. Ikaw muna ang kumausap sa kanya para makapagbonding narin kayo!"

"Sige po" sagot ko.

"Sige akyat na ko" sabi ni Dad saka umalis na. sinundan ko nalang siya ng tanaw.

" Oh san pumunta yung daddy mo?" tanong ni Mommy  ng bumalik into kasama ang tatlong katulong namin. na pare-parehong may bitbit na mga paper bag.

"Magpapahinga na daw po muna siya"

"Ganun ba, oh Lexie halika dito tingnan mo yung mga pasalubong ko sayo." aya ni Mommy saka kinuha ang mga paper bag. "Look oh! Ang ganda ng damit na to noh! ng unang kita ko palang to naisip ko na bagay sayo to kaya binili ko na agad" sabi nito saka iniladlad ang mga laman ng paper bag. Puro mga dress ito na iba't-iba ang design at kulay.

"Ano nagustuhan mo ba?" nakangiting tanong nito sa akin.

"Yes Ma magaganda po"

" May mga katernong sapatos pa yan, naku siguradong bagay na bagay sayo yan"

"Hindi na po sana kayo nag abala Mommy" naiilang na sabi ko hindi naman kasi ako sanay na ganito si Mommy, yun bang magiliw siya sakin at hindi niya ko pinagagalitan.

" Anung hindi na dapat nag abala? Lexie ikaw lang ang nag iisa kong anak kaya dapat lang na ibili kita nito" bakas ang inis sa mukha ni Mommy ng sabihin niya yun. "Sorry nga pala kung hindi kita naalagaan noon, kung naging pabayang ina ako sayo. Promise magiging mabuting mommy na ko sayo anak!" sabi nito sabay yakap sakin.

        Niyakap ko rin siya sana totoo na yung sinabi ni Mommy na aalagaan niya na ko. Gusto ko rin naman kasing maging close kami katulad nang pagiging close namin ni tita Cerra.

" Haaaay itigil na mga natin tong kadramahan na to, mabuti pa isukat mo na tong mga binili ko. Halika sa room mo dun no na yan isukat." aya nito sakin. Binalingan nito ang mga naghihintay na katulong namin. "Buhatin niyo yan, iakyat niyo yan sa taas" utos nito.

"Yes Ma'am" sagot ng mga katulong saka nag mamadaling kinuha ang mag paper bag.

" Ingatan niyo yan at mahal yan, sigurado kong hindi niyo kayang bayaran yan, at. kahit kelan ay hindi niyo kayang bumili ng ganyan kamamahal na damit. Pang ukay-ukay lang naman kasi ang kaya niyo" nang mamaliit na sabi ni Mommy. saka nauna na itong umakyat sa kwarto.

        Nahihiyang tumingin ako sa mga katulong namin.

"Pasensiya na po sa mga sinabi ni Mommy" hingi ko ng paumanhin sa kanila.

" Ok lang yun, sige na umakyat kana dun susunod na lang kami" sagot ni Manang.

"Sige po!"

........................................

Lance POV

        Nandito ko sa kwarto ko, hanggang ngayon hindi ko parin alam kung bakit siya umalis. Sinabi ko naman sa kanya na antayin ako pero bakit umalis parin siya? Hindi pa naman kami nagkakausap ng maayos kaya bakit siya umalis.

" Cerra bakit mo ko iniwan?" naluluhang sabi ko. " San kaba pumunta?" yan yung mga tanong na hanggang ngayon hindi ko parin alam ang kasagutan.Tanging si Cerra lamang ang mga katanungan sa isip ko. Pero ang malaking tanong magpapakita pa kaya siya sakin.

"Cerra please bumalik kana dito, mahal na mahal kita, hindi ko kayang wala ka dito sa piling ko" bulong ko at muli ay tumulo na naman ang aking mga luha.

......................

Cerra POV

" Rose salamat talaga ha! kung hindi dahil sayo baka hanggang ngayon wala parin akong trabaho."

"Naku Cerra wala yon, madali kalang namang makakahanap ng trabaho kahit wala ako noh!" sagot ni Rose.

"Kahit na, salamat parin dahil tinulungan mo ko." nakangiting sabi ko. Dalawang linggo narin ang nakalilipas mula nang iwan ko sila Lance. Ok naman na ko ngayon dito may trabaho na ko saka may maayos na matitirhan. Ang kulang nalang talaga ay makita ko ang nanay ko. Pero hanggang ngayon hindi parin kami nagkikita. Sana kahit minsan ay makita ko lamang siya, kahit na may sarili na siyang pamilya at anak...ok lang sakin basta malaman ko lamang na nasa maayos siyang kalagayan. Mahirap kasi yung umasa sa wala kaya sana magkita na kami.

End of chapter 34.

A/N:

    Short update!!!

...Pasensiya na po kung ngayon lang ulit ako nakapag update naging busy po kasi ako dahil nag midterm kami pero ngayong tapos na ita-try ko pong bilisan ung page update!

May teaser po ito sa baba, basahin niyo po. Para malaman niyo yung susunod na update!

Teaser!

"Mama tawag ka ni Lola" bibong sabi ng batang babae.

"OK paki sabi sa Lola mo susunod na ko"

"sige po" sagot ng bata saka nagmamadaling tumakbo.

A/N: Again!

Hulaan niyo po kung sino sila.

vote!

Comment!

Be a fan!

........sarahjoy00

"Mistaken Identity"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon