This chapter is dedicated to chizzysky alam ko po kasing excited kanang mabasa ang next update ko. Kaya this chapter is dedicated to you! Maraming salamat po sa pagbabasa nito.
Cerra POV
Tapos na ang party at nandito na kami ngayon ni Lance sa kwarto.
" Ah Lance eto nga pala yung regalo ko para sayo" sabi ko saka ko inabot sa kanya yung regalo.
" Thanks" sagot ni Lance saka binuksan yung box. " Wow necktie salamat!"
"Pasensya na kung hindi kasing ganda at kasing mahal yan ng mga ginagamit mo, yan lang kasi yung kaya kong bilin ayoko naman kasing gastusin ng gastusin yung pera mo" nahihiyang paliwanag ko. Binigyan kasi ako ng credit card ni Lance pero madalang ko lang gamitin, nahihiya kasi ako saka alam ko naman na hindi para sakin yon kundi para kay Cloe. Hinihiram ko lang naman saglit yung katauhan niya pero ewan ko ba habang tumatagal parang ayoko nang umalis dito.
" Nagustuhan ko nga yung regalo no, susuotin ko to bukas pag pumasok ako sa trabaho. Salamat ulit ha!" sabi ni Lance saka ako niyakap.
Tug....tug.....tug....tug....tug.....tug..
Ano ba yan bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.
" I love you!" sabi ni Lance saka ako tinitigan dahan-dahan siyang lumapit sakin. Awtomatiko namang pumikit ang mata ko. Agad ko namang naramdaman ang mga labi niya.
" Haaay ano ba to bat ko ba siya pinapayagang halikan ako" bulong ng isip ko. " Patigilin mo na siya baka mamaya kung san pa kayo makarating niyan" bulong ulit ng isip ko pero ewan ko kung bakit hindi ko siya pinigilan. Basta tinugon ko lang ang ginagawa niya. Hindi ko namalayan na wala na pala kaming suot na damit at nangyari na ang hindi dapat mangyari. Pagkatapos ay nakatulog kami na mag kayakap ni Lance.
Pasingit ni author: ( OMG may nangyari na sa kanilang dalawa! Hindi ko na po kinuwento kung ano yung ginawa nila kasi po ayoko pong ma restricted tong story ko saka hindi po ako sanay gumawa ng spg so skip nalang po natin yon OK!")
Nagising ako dahil may kumakatok, tatayo na sana ko kaya lang nakayakap sakin si Lance. OMG may nangyari nga pala samin kagabi. Hindi parin talaga ako makapaniwala na ginawa namin yon.
" Lance " gising ko sa kanya ayaw kasi akong bitawan hindi ko tuloy matingnan kung sino yung kumakatok.
" Good morning hon" sabi ni Lance saka ako hinalikan. Nakakahiya hindi pa ko nakakapag toothbrush nang hahalik na siya agad.
" Lance " sabi ko nang tumigil siya sa pag halik sakin.
" Bakit?"
" May kumakatok" sagot ko.
" Sandali lang ako na ang magbubukas" sabi ni Lance saka nag bihis.
Pinulupot ko sa katawan ko yung kumot. Nang buksan ni Lance yung pinto ay bumungad samin si Maria na tila natataranta.
" Bakit?" tanong ni Lance.
" Kasi sir ano....." sagot ni Maria saka tumingin sakin.
" Ano nga yon?" tanong ulit ni Lance.
Tumayo na ko kahit kumot lang ang gamit ko.
" Sir ano po kasi may babae sa baba, kamukha po ni Ma'am Cloe, sabi po niya siya daw po yung totoong asawa niyo." pautal utal na sabi ni Maria. " Pero Sir hindi po ako naniniwala sa kanya."
" Sino kamo yung nasa baba?" tanong ni Lance.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig kong sinabi ni Maria. " Jusko po mukang bumalik na siya". bulong ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/9771166-288-k759598.jpg)