Echael's pov
Binasa ko ulit yung ANGELS BOOK. At ang unang-unang nakasulat sa 1st page ay ang ten commandments. Kahit na tao na ulit ako, kailangan ko paring sundin ang lahat ng nakasulat dito. Kasi anghel parin naman ako eh.
Naguguluhan parin ako.
"Family?" nabasa ko sa rule #58. Family? May pamilya ba ako noon? Bat wala akong maalala? Buhay pa kaya sila ngayon? Dinadalaw parin kaya nila ang puntod ko?
BAKIT KAYA AKO NAMATAY?
Andami kong bakit. Kaya di ko natiis na tawagan si Gab. ("Hello dude? Napatawag ka? May tanong ka na naman ulit?")
Manghuhula ba siya? "Oo, may pamilya paba ako?" diretsahan kong tanong. Ilang seconds bago ako sinagot no Gab na para bang in doubt pa siyang sagutin ako.
("Sorry dude pero hindi pa ngayon, I mean hindi mo pa pwedeng malaman sa ngayon.")
"Bakit?" naiinis na talaga ako! Bakit pa nila itatago sakin eh nandito na naman ako. ("Sorry dude, sumusunod lang ako sa utos.") Damn. "Gehh." sabay off ko ng call. Unfair. May mission ako dito pero di nila sasabihin kung ano. Labo bro.
LX COMPANY
Company ko. Isa siyang toy company. Ewan ko ba at bakit eto binigay sakin ni Gab. Mas mahilig naman ako sa mga sapatos hindi sa mga laruan. I'm the boss siyempre.
"Mr.President.." tawag sakin ni Apple,secretary ko. Lumapit siya at inabot ang tatlong folders. "Pa-sign po mr.president. Need for approval." nginitian ko lang siya at kinuha yun saka pumasok na sa opisina ko. Busy-busyhan nadaw. Tapos mamaya pupuntahan ko pa si natasha, chicheck ko kung ok lang ba siya. Speaking of.... Bakit di ko kaya siya tawagan at alukin ng date? Hmm..
Nagring naman. May sumagot na sa kabila. "Baby nate, san ka ngayon? Susunduin kita." ("At bakit?") taray naman. "Magde-date tayo. Libre kaba?" ("Sorry pero busy ako. Nandito ako sa school ng kapatid ko may program kasi") "Susunduin ko kayo, text mo sakin address ng school asap." end call. Kailangan kong pirmahan agad tong mga papers para matapos na.
20mins later. Wala akong natanggap na text mula kay nate. So I call her again.
Ayen's pov (Miles Ocampo)
I'm back. Welcome to me! For 3 years, nandito na ulit ako. Biglaan nga yung pag-uwi ko dito sa maynila eh dahil kay mama. She needs me. Mahal ko yun kayya di ko matiis. Ang totoo niyan may problema at ako na ang magsosolve for her.
Habang nagda-drive ako hawak ko yung picture ng isang babae. I think kaidad ko lang to and she's the reason why I'm here.
Hahanapin ko siya. Nakaramdam ako ng mattinding galit kaya di ko na napansin na nag-oover speeding na pala ako.
"OH NO!" *Brake. Stop.* muntik ko ng mabangga ang isang kotseng nakapark sa harap ng isang resto. Nabitawan ko yung picture at napahinga ng malalim. Problema. Malas. Bumaba ako para e-check yung kotse na dumikit na pala talaga sa kotse ko. At may konting gasgas pa. Hala.
"Excuse me?" boses lalake. Paglingon ko nakakunot noo siya. "WHAT.DID.YOU.DO??"
"Sorry,hindi ko sinasadya. Sorry talaga." naku, mukhang masungit pa naman tong may-ari kahit gwapo. "Back off." seryoso siya kaya napaatras ako. *gulp* Nakakatakot naman siya. "Fuck." rinig kong mura niya. "Uhmm.. Babayaran ko nalang. O di kaya ipapaayos ko. Sorry talaga." tinignan niya ko ng masama. "HINDI NA. JUST BE CAREFUL NEXTTIME." Napahinga ako ng maluwag. Thank you naman. "Talaga??? Pero, pwede ko namang bayaran yan eh. Here.." kinuha ko yung wallet sa bulsa at binigay yung 10k ko sa kanya pero hindi niya tinanggap. "May sarili akong pera." sabi pa niya
Sungit nga. "o..ok.sorry ulit." may biglang lumapit na babae at may kasamang bata. Teka, kilala ko'tong babaeng to ha. Eto yung nasa picture. Bingo! What a coincidence. Akala ko malas yun pala swerte. But imbes na komprontahin ang babae nagpigil ako dahil nga mukhang boyfriend niya tong nabangga ko..
"Ok lang ba yan kael?"-yung babae
"Oo. Umuwi na tayo. Ipapaayos ko nalang."
Sumakay na sila so plinano kung sundan sila.
Medyo malayo to pero huminto sila sa tapat ng malaking bahay. Tinandaan ko yung nakatatak sa gate ng bahay na "R".
"Babalikan kita Natasha."
Then umalis na ako.
Echael's pov
"Nag-enjoy ba ang baby bunso ko?" tuwang-tuwa siya sa hawak niyang teddybear na binili ko for her. Nagmana sa ate ang ganda ng batang to. Ipinasyal ko sila sa park, zoo at mall. Si nate halatang napagod pero si alice alive na alive pa.
"Kuya pasyal tayo ulit dun ha!" "Oo naman baby bunso as you wish.." ginulo ko yung buhok niya at nilingon si nate na nakangiti samin. Nakaupo na siya sa sofa. Nilapitan ko siya at ikiniss sa noo. "Napagod ang baby ko ah, pahinga kana muna sa taas." i rub my nose into her cheeks at hinalikan na naman siya sa labi niya. "Kael,nakakarami kana ha."
Dito ko na sila patutulugin. "Gustong-gusto mo naman."
"Baby bunso, punta ka na sa kwarto mo katabi ng guest room yun."
"OK kuya."
Naiwan kami ni nate dito sa salas. Ang tahimik niya.
"Tulog na tayo. Pagod ka." tinignan niya ako sa mga mata.
"Echael, gusto mo ba talaga ako?" seryoso siya.
"OO." diin ko. "GUSTO KITA. I'm willing to wait."
"T..talaga?" kinuha ko yung kamay niya at itinapat sa dibdib ko... "Hindi sinungaling ang puso ko natasha." ayos ba drama ko? Hihi pero sa di inaasahan niyakap niya ako.
Naguilty ako bigla dahil feeling ko, gusto na niya ako kahit palabas ko lang ang lahat ng to.
Wala akong balak na saktan siya pero this is my way para di siya mawala sa paningin ko. Kung ako lang, hindi ko guguluhin ang buhay ng taong to dahil ayong makasakit ng damdamin at ayokong pumasok sa buhay ng isang taong di ko naman kilala. Ako to eh pero kailangan kong sundin yung utos sa itaas. Alam kong may dahilan yung nasa itaas kung bakit ako nandito ulit kasama si natasha.
------
Be a fan po, vote and comment. Pagtyagaan niyo nalang tong story ko ha? Hihi
PS. Panget na author