JN28
We still have each other
——————
Natasha's pov
Huminto kami sa may kotse niya
Hiningal ako ng konti sa pangangaladkad niya na halos masubsob na ako dahil rin sa suot kong heels
Inis na hinampas ko siya sa may dibdib niya dahil sa ginawa niya
"Bweset ka! Ano bang tumakbo sa utak mo at ginawa mo to ha?!" singhal ko sa kanya
Binuksan niya ang pinto ng kotse
"Sakay."
"Mukha mo!" sigaw ko
"Sakay."
"Ayoko."
"SAKAY."
Tinignan niya ako sa mga mata at parang tinakot pa ako sa mga titig niyang nakakamatay na
"Ayoko. Hindi."
"SAKAY!"
Hinawakan niya ako sa braso at itinulak papasok sa kotse niya kaya sumubsob ang mukha ko sa passenger seat
Bastos niya.
TT_TT
Pero yung totoo nagulat ako sa pagsigaw niya sakin kanina
Inayos ko ang sarili ko at umupo ng maayos
Pumasok narin siya at naupo sa driver's seat
"Tama bang itulak ako ha?"
Pinaandar niya na ang makina
Teka san niya ako dadalhin?
"Kailangan kong itulak ka para magising ka sa katotohanan.."
Nagtaka naman daw ako, katotohanan daw?
Ano daw?
"San mo ko dadalhin?"
"Uuwi na tayo."
"Anong uuwi?! Sira na ba yang utak mo kael? Nagtatrabaho ako dun oh tapos eepal ka! Ano bang gusto mo ha??!"
"Ikaw."
Sagot niya nang di tumitingin sakin
Ako?
Wee?
Hindi na ako umimik
Ayokong umasa na naman
Ang tahimik
"Hoy kael! Hindi to ang bahay ko!"
Aba loko to ah! Bahay niya to eh.
Pinasok niya ang kotse sa garahe
Tinignan ko siya ng masama
——————
Echael's pov
"Gab! Tulungan mo ko dito!" sigaw ko dahil muntikan na akong matumba sa pool sa likot ng babaeng to
Dahil ayaw niyang pumasok kailangan ko pa siyang pilitin kaya naisipan kong kargahin siya
Kargahin siya na parang kidnap style
"Shit!"
Napamura ako nang muntik ko na siyang mabitawan dahiil sa ginawa niya
Kinagat niya ako sa likod
"Putang ina mo Gab! Nasan ka na!"
Sigaw ko dahil baka mahampas ko tong babaeng to sa semento kahit mahal ko pa to.
Nakita kong lumabas na si Gab at nagtaka nang makita kami
"Bat ba ang tagal mo? Tang na hawakan mo mga kamay niya sa likod..."
"Kelangan mo pa bang gawin to?"-Gab
"Gab wag. Ayokong sumama sa lalakeng to!"-nate
"I'm sorry nate. Wag ka ng malikot nandun naman sa loob ang kapatid mo."-Gab
"Ano? Talaga?"-nate
Pumasok na kami nang nakaganun parin siya
Ibinaba ko lang siya nang nasa kwarto na kami
"Natulog na si alice sa kwarto niya. Sige labas na ako.." paalam ni Gab at lumabas na kaya naiwan kami ni kael
Nilock niya ang pinto pagkalabas ni Gab at tinignan ako
"Maligo kana para makapagbihis ka."
"Teka lang ano ba to? Kael ano na naman bang ginagawa mo? Laro?"
Hindi ako naglalaro
Hindi uso sakin ang makipaglaro
Ka-oa-han lang yun sa mga lalake
Kaya ako ginagawa ko na ang dapat at tama
Eto yung tama eh ang iuwi siya
"Maha kita."
"Mahal kita Natasha Samuel."
"Mahal kita at di ko kayang pinapanood ka lang sa stage na pinagnanasaan ng iba."
"Hindi ko pala kaya..."
Wala siyang kibo
"Sorry."
"Sorry dahil nasaktan kita."
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya
"Natasha, alam mo yung totoo? Hindi ko kayang mawala ka. Sinubukan ko ng isang araw. Nagmukha lang akong gago kakainom ng beer. Natasha, mahal na mahal kita at kahit anong mangyare hindi magbabago yun. Sorry kung ganito ako kasama kapag nagagalit pero magtiwala ka hindi kita kayang saktan. Hindi ko lang talaga sinasadya nung nasa baguio tayo. Bumalik kana sakin.... Bumalik kana sakin natasha samuel...."
Naramdaman ko ang pag-init ng likod ko dahil sa mga patak ng luha niya kaya kumalas ako at hinawakan siya sa balikat
Diretsang tumingin ako sa mga mata niyang lumuluha
Ngumiti ako at ikiniss siya sa noo
"Baby wag ka ng umiyak. We still have each other. Hindi na ako papayag na malayo ka sakin. At hindi ako papayag na basta-basta mo lang akong iiwan dahil magkamatayan na hindi kita bibitawan."
———————-
(A/N)
Sabaw na naman. Sorry.
Congrats nga pala kay Mizian! Yung babaysitting the brat niya 1M reads na. Yiehh! Kay chamycham na sobrang ganda rin, ang astig po ng mga gawa nila!
Saludo ako sa inyong mga JULNIEL AUTHORS!
Si ate marikit namimiss ko na rin. :) sa kanya nagsimula lahat kaya ILOVEYOU ATE MARIKIT! <3 :* Galing mo! Yung mga gawa mo gustong-gusto ko rin. :)
#Loveyoureaders<3:*