JN34

627 12 0
                                    



JN 34

Pakiexplain yung closeness ni tita karla at bebe jules sa kris tv. Thank you. Haha!

-----

Gab's pov

Sinindihan ko na ang kandila at umupo sa damuhan.

"Kung alam niya lang...."

"Kung alam niya lang kung sino ka tiyak pagsisisihan niya ang ginawa niya sayo..."

"Kung maagang bumalik ang alaala niya hindi na sana nagkaganito..."

Napabutong hininga ako at tinignan ang lapida niya

"Sayang."

"At pasensya kana kung.... Kung nagawa niya to sayo.... Patawarin mo sana ang bestfriend mo....Ino...."

Nawala rin kasi ang alaala ni Ino, diba nga binago ng sa taas ang kasalukuyan para magbago si kael kaya niya kinuha ang mga alaala ng mga taong malalapit kay kael

Hindi ko nga alam kung bakit si enzo eh nakakaalala pa. Wala akong ideya kung bakit nakakaalala parin eto hanggang ngayon.

Siguro dahil ito nalang ang nag-iisang pamilya ni kael dito.

One week nalang.

One week nalang at babalik na sa dati ang lahat.

Makakaalala na si kael at natasha.

Pati si ayen at alice.

One week to go para magfullmoon na.

Aish. Bakit ang dali ng panahon? Bakit ang liit lang ng panahon na ibinigay kay kael para magbago at magsimula ulit?

"Pero wag kang mag-alala hindi ko hahayaang mangyare ang ikinatatakot mo Ino... Pinapangako ko yan..."

Ngumiti na lamang ako at tumayo na

May pag-asa pa, kahit maalala ni kael ang lahat alam kong may pag-asa pa.

----

Echael's pov

"Baby bakit ang daya mo? Isa lang yung tinira mo sakin pero kay Gab isang dosena ng cookies ang pinakain mo? Si gab ba ang mahal mo o ako?"

Nakakainis lang, nahuli lang ako ng dating tapos eto nalang? Ni hindi niya ako pinagtabi. Gutom na gutom pa naman ako galing opisina.

Tumawa lang siya at ikiniss ako sa noo

"Dinaig mo pa ang isang bata baby kael.. Magbebake ako ulit para sayo..."

"Bakit nga kasi kay Gab ang dami?"

"Masarap daw eh.."

"Pano naman ako? Unang bake mo yun eh!" kinagat ko nalang ang isang natitirang cookies at masarap nga.

Si gab? Ayun tinakbuhan ako dahil baka daw kunin ko yung sa kanya. Napakadamot ng loko, kala mo naman para sa kanya yun.

Naiinis parin ako.

Tsk.

Pagod pa ako sa opisina tapos pag-uwi ko badtrip.

*ding-dong-ding-dong*

Nagkatinginan kami ni nate

"May bisita ka ba baby?" tanong ko sa kanya

"Wala ah. Baka ikaw?"

THE REVENGE OF AN ANGEL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon