JN40 (FullMoon)
Special chapter
Natasha's pov
"Nakita niyo ba ang lalaking to?"
Sabay pakita ko ng picture ni Kael sa mag-couple na nagdedate dito sa beach, alas sais palang ng umaga pumunta na kami dito ni gab, sabi kasi niya posibleng nandito ang nobyo ko.. Dahil madalas dagat daw pumupunta si kael sa tuwing emo.
"Naku, I'm sorry miss... Hindi eh..."
Yun.
Hays..
Ang hirap talagang hanapin ang taong ayaw magpakita, tinataguan ba niya ako?
Nag-aalala na ako, pano kung pinapabayaan na niya ang sarili niya?
Ang daming pumapasok sa isip ko na dapat ay hindi ko isipin
Pero kasi.
Waaaahhh! Huhuhuhu
"Nate, tumayo ka nga diyan?"
Naiinis na napapaiyak na naman ako dahil sa kanya habang nakaupo dito sa buhangin at wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang ato.
Gusto ko lang umiyak... Umiyak kasi ang sakit-sakit na...
Bakit ba siya ganito?
Bakit niya ako hinahayaan lang?
Bakit hindi nalang siya magpakita para mawala na ang takot at kaba ko.
"Nate...tumayo kana diyan.."
"Ayoko.. Bakit ba kasi pinapahirapan niya ako?" iyak ko
"Eh diba nga sabi ko sayo, after fullmoon siya babalik?"