JN10
5TH ANNIVERSARY NA NG JULNIEL <3
———-
Echael's pov
10PM
PISCES BAR
"Si natasha? Nandito ba siya ngayon?"
Napalingon ako dun sa lalaking nagtatanong sa isang waitress.
Hinahanap niya si nate, sino ba to?
"Opo sir, kaso di siya pwede ngayon dahil may naunang costumer sayo..." sagot naman ning waitress
Nakita ko kung pano madismaya yung lalaki at lumagok ng hawak na beer.
"Sino?" tanong pa nito
"Si sir kael, yung boyfriend niya."-waitress
Ayos talaga tong waitress na to, mamaya may malaking tip ka sakin. :)
"Boyfriend? Ang sabi niya wala siyang boyfriend? Nasan siya kakausapin ko?"
Sa pagkakataong yun, lumapit na ako dun sa makulit na costumer.
"Ako yung kausapin mo dahil ako ang boyfriend ni nate."
"Sigurado ka ba? Boyfriend? May boyfriend bang hahayaan ang girlfriend na magtrabaho sa lugar na to?"
Blag!
Natumba siya sa mesa niya sa ginawa ko.
Nabasag ang mga bote.
"Sir kael! Wag po!"-waitress
Sinuntok ko yung lalakeng yun para matauhan.
"Kael? Kael wag!"
Napalingon ako kay natasha na hinawakan ako sa braso saka hinila.