JN2
(A/N)
Salamat sa nagtatyaga dito. Lovelots. <3 #JulnielForevs
Patulong sana ako kung anong kanta ang magandang gawing themesong dito sa story. Sa may concerns dyan comment niyo kung ano. <3
———————
Gab's pov
"San ka pupunta?"
Sinundan ko siya pababa sa hagdan dahil mukang nagmamadali siya.
"May pupugutan lang ako ng ulo...." seryoso niyang sagot
"Ano?! Brad naririnig mo ba yang pinagsasabi mo? Brad kumalma ka muna. Mag-usap muna kayo ni natasha... Malay mo totoo ang sinabi niya diba? Wag kang magpadala sa init ng ulo mo...."
Pinigilan ko siya sa may pinto pero tinulak niya lang ako
Nanlaki ang mata ko nang makita ang hawak-hawak niya sa kamay
Baril
May hawak siyang baril
Hindi pwede to
Papatay siya?
"Kael, hindi ka papatay." diin ko
"Hindi? Alam mo, hindi ko naman kilala ang sarili ko eh. Ano? Kailangan ko pang maghintay ng fullmoon ganun? Kung ayaw mong sabihin pwes ako yung kikilala sa sarili ko."
"Kael brad. Wag... Hindi ka mamamatay tao. Ano ba. Bitawan mo yang baril mo at sundan mo si natasha."
Pero hindi siya nakinig
"Wag kang mag-alala, madali lang tong gagawin ko.. Pagkatapos nito pupuntahan ko si natasha, ayaw ko lang naman na may taong sisira samin. Hanggat buhay yung tarantadong yung hindi niya kami titigilan ni natasha...."
"Hindi ka aalis!" sigaw ko at hinil siya sa kamay nang buksan na sana niya ang kotse
Ako naman ang tumulak sa kanya
Mukang nagtaka siya ng gawin ko yun at parang di siya makapaniwalang nagawa ko yun
"Hindi ka pwedeng pumatay! Masisira yang buhay mo!"
Nagulat ako nang itutok niya sakin ang baril niya
Gulp
"Hindi ko alam kung bakit kaya ko tong gawin kahit sayo pero kapag pinigilan mo pa ako ulit, ipuputok ko to sa ulo mo."
Eto na yun
Lumabas na yung konting siya
Lumabas na yung ibang side niya
Nakakatakot man pero hindi ko talaga siya hahayaan sa gagawin niya
Galit na galit ang mga mata niya
"Ano yan brad? Hindi ka pwedeng pumatay dahil lang dun. Dahil lang kay natasha at ino. Ganyan mo ba talaga kamahal si nate at papatay ka na? Sige, iputok mo yan sakin."
Nagkatitigan kami
"Iputok mo na.." hamon ko pa
Nagdasal ako