JN66
(a/n: si enzo po yang nasa taas na pic. :)
Enzo's pov
"I'm sorry..."
"Naiintindihan kita enzo.. Patawarin mo rin sana ako..."
"Apology accepted.." I smiled saka siya natawa ng mahina sakin
"Magkapatid nga talaga kayo.. Apology accepted too Mr. Ramirez..."
Nagkangitian na lamang kami habang iniinom ang coffee na ginawa niya for us. Mabait pala siya. Palangiti. Maganda. Kaya siguro Inlove ang kapatid ko sa kanya.. Sweet.
"Ayen told me mahilig kang magluto?? I think kailangan kita sa itatayo kong Resto here.. Si ayen ang magmamanage nun kaya for sure magkakasundo kayo..."
"Talaga? Salamat enzo.. Salamat at pinagkatiwalaan mona ako..."
"Kapatid narin ang turing ko sayo natasha.. Sana, hindi na mangyari ang nakaraan..."
"Hindi na mauulit yun enzo.. Pangako ko yan..."
****
"Bukas na pala ang kasal niyo nuh? Congrats ah!" saka niya ako tinapik
"Pupunta kayo ni utol??"
"Oo naman.. Special na araw mo yun kaya pupunta kami..." sabi niyang nakangiti, nakakahawa ang ngiti niya.. Para ko tuloy siyang kapatid na babae.. I started liking her.. Kaya pala mahal to ni kael eh. Iba ang karisma.
Ipinagpatuloy niya ang pagbe-bake.. Nagluluto kasi siya ng cake para dalhin ko raw kay ayen.. Sweet diba?
"Magaling karin palang mag-bake??"
"Oo. Bata pa kasi ako nakikita kona si mama na nagbe-bake rin, sa isang bakery kasi siya nagtatrabaho..."
Speaking of, pamilya? Ngayon lang ako may narinig sa pamilya niya.. Sa mama niya, ang alam ko hindi daw siya pala-kwento tungkol sa nakaraan nito.. Alam ba ito ni kael??
"Nasaan siya??"
Bigla siyang natigilan sa pagmi-mixed sa bowl ng ingredients at nag-iisip siya.. Biglang nag-iba ang mukha niya.. Hindi na nakangiti..
"W-wag mo nalang sagutin.. Sorry..."
"Ok lang.. Naalala ko lang kasi... 10 years old kasi ako nung..namatay siya, si tatay naman nilayasan kami nung 2 years old palang daw ako..." malungkot niyang kwento saka itinuloy ang ginagawa
Sighed
Saklap.
Naalala ko tuloy si dad. Na pinatay ni kael just for nate.. Pero hindi ko siya masisi, dad is perfect infront of everyone..pero kapag kaharap niya kami, hindi.. Lumalabas ang totoong ugali.. Lagi niyang pinapaiyak si mom. Kaya tama narin siguro yun.. Tapos na.
"I'm sorry..."
Bigla siyang nagiti.
"Bat ka nagso-sorry??"
Ngumiti ako at umupo sa harapan niya..
"Alam mo bang..may little sister kami dati??"
Gulat siya.
Hindi siguro naikwento sa kanya ni kael.
Hmmm..
"Kaso.. She left us.. She's 3 years old nun, nawala siya sa isang aksidente.. 12 ako, 11 naman si kael.. Ako yung nagdrive ng car, my daddy taught me in that young age.. At dahil pala dun, mawawala siya samin.."