JN8
Echael's pov
Tama ba to? Kasi si natasha...
Mukhang magugulo lang ang lahat kung pipilitin kong maging kami ni natasha dahil hindi pa sinasabi ni Gab kung anong gagawin ko sa kanya, pano pala kung sabihin ni lord na tulungan ko si natasha na magkaroon ng boyfriend pero hindi dapat ako. Pano na yun? Ako naman ang masasaktan?
Dahil gulong-gulo na ako, tinawagan ko si Gab.
("Oh dude?")
I sigh
"Ayoko na, uuwi na ako diyan. Nahihirapan na ako dito.."
("Kung ako lang sana ang masusunod eh bakit hindi diba? May problema ba dyan?")
"OO."
Problema ko, tong puso ko.
("Ano bang pinoproblema mo diyan? Si natasha ba?")
Isang malaking "OO" na naman.
("Bakit? Sa nakikita ko wala namang mali ah.. Mukang nag-enjoy ka pa nga diyan eh.")
"Meron. Kasi..."
("Kasi ano? Gusto mo na siya? Problema ba yan? Blessing yan.")
"Hindi na to biro Gab, totoong nagugustuhan ko na siya. Bakit hindi mo nalang kasi sabihin sakin diba? Para may panahon pa kong pigilan to kung sakali."
("Ok nga yan eh.. Tao kana. Pwede kang magdesisyon ng mga gusto mo pero di mo madidiktahan yang puso mo. Kael, hindi mali na ibigin mo si nate. Di mo yan ginusto, kusang puso mo ang may gusto niyan.")
Tama siya.
Pero kasi...
Bahala na nga.
("May sasabihin kapa ba?")
"Itatanong ko nalang kung...kung kelan ang birthday ko..."
Atleast yun lang malaman ko naman para makapagcelebrate ako.
("Gusto mo ba talagang malaman? Ready ka ba?")
"Oo naman, hirit na. Kelan ba?"
("Kapag tumulo ang mga luha mo.. yan ang araw ng kaarawan mo.")
Biglang sumama ang pakiramdam ko sa sinabi ni gab.
Ang weird. Parang Joke lang? Joke nga lang sana pero hindi nagsisinungaling ang anghel. Hindi.
Parang nawala ako sa mood at pinatay ko nalang ang tawag.
Sana nga trip lang yun ni Gab.
Pero ramdam ko. Nakasulat na sa mga kamay ni Lord ang mangyayari sa buhay ko dito. Kaya alam niya at wala na'kong magagawa dun.
Loko-loko ka talaga Gab kahit kelan.
Panong magiging birthday ko yung araw na iiyak ako?
Yung araw na luluha at masasaktan ako. Araw ko rin pala yun. Pano ako magcecelebrate eh iiyak lang din naman ako... Saklap.
AYOKO NG MAG-BIRTHDAY.
Winala ko nalang sa isip ko yung sinabi ni Gab.
Kinuha ko yung white paper sa mesa katabi ng computer ko at binasa yun.