JN60

653 14 0
                                    

JN60

Echael's pov

Sa tuwing nakikita ko siyang masaya, buo ng araw ko.

Na para bang gamot ang ngiti niya at nagiging ok na ako dun.

Nawawala ang stress at problema ko.

Kaya mahal na mahal ko ang babaeng to.

She's my life.

Napangiti ako nang lingunin ako ni natasha na may ngiti rin sa labi.

"Mahal! Hindi ka pa ba maliligo??"

"Mamaya na mahal. Nag-eenjoy pa akong panoorin kayo dito.. Basta wag kang lumayo ah! Baka mamaya niyan mawala ka nalang bigla sa paningin ko!"

"Ok mahal!"

Napatawa nalang ako nang hilahin siya ni alice at betty saka nagsasabuyan na sila ng tubig dagat.

"Wow. Ang sweet niyo naman..."

"Stella?? Diba sabi ko layuan mo muna ako?"

"Baby.. Hindi naman nila maririnig usapan natin eh. Alam mo bang galit na galit si daddy??"

"Paki ko."

"Baby.. Pls.. Cooperate ka nalang pwede? Walang masamang intensyon si dad, he wanna help..yun lang.."

"Help?? Do you think I need that? Stella for God's sake..hindi naman ako tanga.at mas lalong hindi bobo para humingi ng tulong... Alam mona ang mga narating ko sa kompanya namin.. Kaya as long as kaya ko, hindi ko sila kailangan.. Naiintindihan mo ba ako?"

Tsk. Walang sense kausap.

"I think mas kailangan ng tulong ang dad mo. I heard pabagsak na ang feliz, kaya siguro gusto niyang hatakin ko ang kompanya niya pataas.. Stella, pakiusap.. Hindi tapunan ng basura ang kompanya ko.. At mas lalong hindi ako namumulot ng basura..."

Wala akong paki kung masaktan siya. Basta sinasabi ko lang ang totoo. Para matauhan siya at di na niya ako kulitin pa.

"Yan ba ang tingin mo samin baby? I hate you!"

"To be frank baby, oo.. Dahil hindi naman siguro uuwi dito ang dad mo kung hindi yun nangyare diba??"

"How dare you echael! Hindi pa tayo tapos mag-usap! And that natasha, I will ruin her life!"

"Try mo baka pagsisihan mo..."

"Arghh! Bakit kaba ganyan? Bakit wala kang kinatatakutan? I really hate you!"

Kinatatakutan?

Meron.

Yun ay si natasha.

Takot akong mawala siya.

Minsan naiisip ko, na hindi ko na kailangang maghiganti.. Kasi napatunayan ko ng, MAHAL TALAGA AKO NI NATASHA.

----------------------

8:00PM

"Mahal. Hindi ka pa ba tapos maligo? 30 minutes na akong naghihintay dito.."

Tok tok tok

Kinatok ko na siya

Nag-aalala na ako baka napano na naman siya sa loob

"Mahal? Masamang pinaghihintay si Mr.Echael Ramirez..."

"Loko."

Yun lang?

"Uy mahal. Sabik na sabik na ako sayo.. Tama na yan, mabango ka naman na eh.."

THE REVENGE OF AN ANGEL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon