JN61
Echael's pov
"Buntis ako."
Parang nablanko bigla ang utak ko
Hindi ako makapag-isip ng matino dahil sa sinabi niya
Nawala ako sa focus.
Hindi ako makapaniwala.
*gulp*
Sana joke lang to. Sana prank lang.
Ready naba akong maging daddy??
"Hoy..buntis akoooo.."
"Mr.Ramirez...buntis akoooo.. Nakikinig kaba?"
SIYEMPRE. NARINIG KO.
"Hoy Echael Ramirez! Buntis ako! Masaya kaba o hindi?"
EWAN.
HINDI KO ALAM.
-------------------
Gab's pov
Kanina ko pa napapansin na nawawala minsan sa sarili si kael.
Parang lutang lang.
Parang wala sa sariling mundo. Mukang nasa outer space!
Ano kayang iniisip nito?
May problema kaya? Tsk
Hmmmm. Hindi ako sanay na ganito siya eh. Para siyang tanga!
"Hoy.. Nakikinig ka ba?? What do you think??"
"Ano nga ulit yun??"
"Kael naman.. 5x ko ng inulit oh! Maawa ka naman sakin. Pina-overtime mo pa'ko kagabi tapos pahihirapan mo na naman ako ngayon??"
"Ulitin mo. Dami pang sinasabi eh!"
"Ano ba kasing iniisip mo? Focus ka nga dito dahil bigatin ang investor natin."
"Alam ko."
Napabuntong-hininga ako saka tumayo na, kinuha ko yung folders ko sa mesa niya
"Mamaya na nga lang.. Lunch muna tayo.."
Tinungo ko na ang pintuan at bubuksan ko na sana nang magsalita siya ulit
"Gab.. Buntis siya..."
Ano daw?
Nilingon ko siya ulit. Parang binagsakan ng langit at lupa ang mukha niya. Parang malungkot pa nga
"Sino??"
Tinignan niya ako sa mga mata..
Gets ko na.
-------------------