JN12
"Nothings gonna stop us now.."
-----
Natasha's pov
Nalungkot bigla si betty at ms.bernardo nang sabihin ko sa kanilang aalis na ako sa club.
"Talaga bang aalis ka na nate? Bakit?"-betty
"Tsaka sayang naman natasha ikaw yung mabenta dito.. Mawawalan ako ng mga costumers nito..."-ms.bernardo
"Im sorry po pero kailangan ko lang talaga. Sige po ms. Bernardo at betty, dadalaw nalang ho ako dito... Salamat po..." paalam ko
Palabas na sana ako nang may biglang humawak sa kamay ko. Paglingon ko nakita ko si Ino.
Nakalimutan kong mag-sorry sa ginawa ni kael sa kanya. Eto yung oras para mag-sorry dahil baka di na kami magkikita pang muli.
"Ino..."
"San ka pupunta? Kanina pa kasi kita natatanaw di mo man lang ako nilapitan...."
"Sorry kasi di kita nakita..." dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa kamay ko.
"Sorry nga pala sa ginawa ni kael. Sorry kung sinaktan ka niya... Sorry talaga.." dirediretsang sabi ko
Tumayo siya saka ibinaba ang beer sa mesa.
"Sorry? Sa tingin ko hindi ikaw ang dapat mag-sorry. Siya yung sumuntok hindi ikaw."
"Ako na ang humihingi ng tawad ino..." ulit ko
"Lasing na ako. Hindi na ako pwedeng mag-drive... Samahan mo ko bilang pagtanggap ng sorry mo sakin."
"Sige.. Pero ihahatid lang kita ok?" pagkaklaro ko
"Ok..."
--- kotse ---
"Umalis na ako sa club..." sabi ko habang nagdadrive
"Sayang pala. Akala ko magsasaya tayo ulit ngayong gabi."
"Pinagbawalan ka ng boyfriend mo?" tanong niya pa at tinignan ako
"Oo..."
"Mahal ka talaga niya ano? Sana pala hindi ko siya pinatulan nun para makasama pa kita ng matagal..."
Di ako nakaimik sa sinabi niya at nagfocus nalang sa pagdadrive
----
"Sorry ulit ha.." bumaba na ako ng kotse niya
"Wait! Natasha!"
"Bakit ino?"
"Magkape muna tayo sa loob.."
"Uh hindi na.. Gabi na kasi eh at baka hinahanap na ako ng kapatid ko, next time nalang ino.." pagtanggi ko at pumara na ng taxi
Buti nalang may humintong taxi
Papasok na sana ako nang pigilan ulit ako ni ino
"Bakit ba ino?"
"Manong umalis na ho kayo ako na maghahatid sa girlfriend ko.." sabi niya sa taxi driver na ipinagtaka ko. Umalis tuloy ung taxi
"Ano ba ino?? Bakit mo yun sinabi? Tsaka ano ba talagang kailangan mo? Ha!" sigaw ko na sa inis.
"Kahit naman na sinabi kong girlfriend kita eh wala namang paki yung driver.... Gusto ko lang ng kasama natasha... Gusto kitang makasama kahit ngayong gabi lang... Pls.."
"Hindi na ako pwede. May boyfriend ako ino..."
"Ikaw yung first ko..."
Nagtaka ako
"Ikaw yung first ko sa kama nate.. Ikaw yung first kiss ko.... Nagsasabi ako ng totoo..."
Hindi.
Sa itsura at tindig niya napaka-imposible.
Imposibleng ako yung nauna sa kanya.
Hindi kapani-paniwala.
"I know... Hindi ka naniniwala but trust me, totoo ang sinabi ko..."
"Alam mo ino kalimutan mo nalang yun, tapos na yun. Wag mo ng ibalik. Marami diyan hindi lang ako. Aalis na talaga ako ino im sorry...."
"No... I wont let you..."
"Bakit?"
"Kasi nagugustuhan na kita nate...."
"Hindi.."
Pumara na ako ng taxi, ayoko ng ganitong usapan. Ayoko ng magkasala kay Kael. Mahal ko siya.
At sumakay.
Pero bago ko isara ang pinto ng taxi humarang siya
Bigla siyang lumapit at bumulong
"I want you to be my last.... I won't let you go sa susunod... Mag-ingat ka nate.. Bye.." *tsupp*
Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
Yung bumulong siya nakakatakot.
Isinara ko nalang ang pinto at inalis yun sa isip ko.
-----
Sabaw. Sorry.
Ps. Ang panget na author