JN50

623 9 0
                                    




JN50

Natasha's pov

"Nagmamakaawa po ako manong... Kailangan ko lang po talaga siyang makausap.. Kahit sandali lang po..."

"Hindi nga pwede!"

At saka na naman ako itinulak ng security guard.

Kanina pa ako nagmamakaawa.

Gusto ko na talagang makita si kael kaya pinuntahan ko siya dito sa Arto Company nila.

Pero ayaw akong papasuking ng guard.

Nagpakilala na ako bilang girlfriend.. Pero ayaw akong paniwalaan at minamaliit pa nga ako.

Naiiyak na tumayo ako mula sa pagkakatumba dahil sa malakas na pagtulak sakin nung guard.

"Pls... Manong guard——" hinatak na ako ni manong guard paalis nang may pumigil rin sa kanya.. Pareho kaming natigilan.

"Sabi ng hindi nga pwede——-"

"Tama na!" maawtoridad na sabi nito sa guard

"Eh kasi sir, mapilit ho ehh.."-manong guard

Isang binatang naka corpo attire ang pumigil sa guard

Napangiti ako ng makita siya.

"Bitawan mo siya!!"

"Opo sir..pasensya na po.."-manong guard

————-

Echael's pov

Narinig kong bumukas ang pinto, nag-angat ako ng tingin para makita kung sino ang pumasok.. Si gab lang pala, may hawak na folder.. Lumapit siya sa table ko at nilagay iyon sa harapan ko

"Pakipirma kael."

Walang-alinlangang pinirmahan ko iyon ng hindi binabasa

Saka inabot ulit sa kanya

"Uy brad.. Labas tayo maya.."

"San?" walang ganang tanong ko habang nagtuloy sa pagtatype sa laptop ko para sa ipepresent ko mamaya sa meeting

"Sa club.."

Natigilan ako bigla at tinignan siya

Ano bang nasa isip niya at gusto niyang mag-club? Tsk

Nakakapanibago yun para sa kanya

"Wala akong oras Gab.. Pigilan mo muna yan, o di kaya gawin mo sa CR.."

Napapailing na ibinalik ko ang atensyon sa laptop

May naalala na naman ako sa club

Hays

"Akala ko ba, maghihiganti ka? So susundin mo na ako? Na hindi mona itutuloy?"

"Sino ka ba para sundin ko? May sarili akong isip, gagawin ko ang gusto ko.."

Hindi ko naman nakalimutan ang plano ko.

Sisimulan ko palang.

"Ang gusto ko lang naman na mag-enjoy ka naman, isang linggo ka ng hindi umuuwi sa bahay dahil palagi kang OT dito.. Saan ba ang hustisya?"

"Hustisya? Wala pa.. Kukunin ko palang.." pamimilosopo ko saka ibinaba ang laptop sa mesa

"Gab.. Bakit sa club pa? Pwede namang sa bar, o di kaya bakasyon diba? Tss.."

THE REVENGE OF AN ANGEL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon