JN16

937 22 0
                                    

JN16

THE REVENGE OF AN ANGEL

SEASON TWO

Chapter 16

——


Echael's pov



Kumuha na ako ng ticket para sa flight namin papuntang baguio bukas.

Pauwi na sana ako nang may madaanan akong bahay.

Ewan ko ba at bigla akong napatingin sa buong bahay kaya hininto ko yung kotse ko at lumabasa para pagmasdan yung bahay.

May malaking gate na may nakaukit na R sa gitna katulad nung sakin.

Bigla akong kinutuban.

Hindi ko alam kung bakit.

*phone rings*

Gab calling

"Oh Gab? Napatawag ka? May violations ba ako?"

Nakarinig ako ng tawa sa kabilang linya. Ngayon ko lang ulit narinig ang tawang yun. Anyare kay gab?

("Wala nuh. Bawal bang kamustahin ang kaibigan ko?")

"Bakit? Sasabihin mo na sakin kung bakit ako pinababa ni Boss dito?"

("Bakit mo pa aalamin? Pwede mo namang hanapin ang sagot diyan. Saka paulit-ulit ko ng sinasabi sayong tao ka na diba?")

"Anong konek? Anghel parin ako pwede niya kong kunin ulit. Kung sinabi niya agad ang misyon ko dito di na sana ako nainlove pa... Masasaktan lang ako....")

Totoo naman eh.

Pagkatapos ng misyon ko.

Babalik ako sa taas.

Maiiwan si nate.

("Misyon? Sinong may sabing may misyon ka diyan? Kaya ka pinababa ni boss eh dahil gusto niyang maipagpatuloy ang buhay mo diyan...")

"Edi sinabi mo rin kung bakit? Para san pa at nabuhay ulit ako diba?"

("Di lang naman yan ang dahilan. Malalaman mo rin kung bakit. Hintayin mo lang ako...")

"Hintayin? Bakit? Bababa ka rin?"

("Tignan natin..")

*end of call*

Ibinulsa ko na ang cellphone ko at tinignan ulit ang bahay.

Mukhang walang nakatira.

*phone rings*

Natasha calling......

"Baby? Oh pauwi na ako... Sige, dadaan pa ako sa school ni alice... Susunduin ko siya... Your welcome baby..."

*End of call*

Namimiss na ako nun panigurado.

——-



Natasha's pov



*ding dong... Ding dong*

Ako na yung lumabas para buksan ang gate

Pagbukas ko ng gate ibang sasakyan ang nakita ko. Hindi kay kael.

Kay

"Ino?" nagtaka ako nang lumabas siya mula sa sasakyan at nilapitan ako

"Mayaman pala ang boyfriend mo nate?" tanong niya sabay baba ng suot niyang rayban at tinignan ako

"Anong ginagawa mo dito?"

At bakit niya nalamang nandito ako?

"Just checking on you.... Mukang inaalagaan ka naman pala ng boyfriend mo..."

"Ano ba talagang gusto mo? Pwede ba, tantanan mo ko?"

Naiirita na ako sa kanya. Ang kulit-kulit pa.

"At bakit ko naman pakakawalan ang babaeng bumihag sa pagkatao at pagkalalake ko?"

Nainis ako bigla.

Gusto ko siyang sampalin pero ayokong lumaki ang gulong gusto niya.

"Pwede ba umalis ka na dito! Ang kulit mo talaga eh!"

*beepp beepppp*

May bumusena.

Kotse ni kael. tsk. Gulo to. Nandito na si Kael.

Naku...

"Umalis kana dito ino pls..."

Ayoko ng gulo.

Ayokong nakikipag-away si kael dahil lang sakin.

Nakita kong bumaba sai kael at lumapit samin

"May problema ba dito brad?"-kael

"Wala naman. Kinakamusta ko lang si nate.... Siguro naman hindi bawal na dalawin ko ang kaibigan ko dito.?"-ino

"Uhmm... Uuwi narin siya kael..." sabat ko

"Kaibigan? Talaga bang kaibigan lang ha Ino?"-kael

"Kael.... Wag mo na siyang patulan... Tayo na sa loob... Hayaan na natin siya."

"Umalis ka na dito..."-kael

alam kong nagtitimpi lang siya.

"Sige, aalis ako... Natitiis ko pa naman kael kaya aalis na ako...." sabi ni ino at bumaling sakin

"Babye nate, tatawag nalang ako mamaya..."-ino

Tinanguan ko nalang siya

Pagkaalis niya pumasok na kami sa loob

"Salamat at nakontrol mo ang galit mo kael..." sabi ko nang makapasok na kami ng kwarto

"Pasalamat siya kamo at nakokontrol ko pa ang galit ko at kinakausap ko pa siya ng matino.. Oo aaminin ko nawawala ang respeto ko sa lalakeng yun. Pero hindi naman ako masamang tao para pumatol lang sa kacheapang laro niya.... Akin ka na kaya di ako natatakot sa kanya..."-Kael

——

Laban lang.

Sabaw.

Pasensya na.

Ps. Ang panget na author

THE REVENGE OF AN ANGEL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon