JN32
Gab's pov
2 weeks nalang
Magfufullmoon na
Hindi ako nasasabik,
Natatakot ako.
"Gising na siya?"
"Oo." sagot ni ayen at ngumiti sakin
"Salamat sa pagbantay at pag-alaga sa kanya ayen."
"Maliit na bagay ano ba..." ngising sagot niya at umupo sa tabi ni enzo
"Sayang nakatulog siya ulit." dugtong niya habang pinagmamasdan ang mukha ng katabi. Sus kung alam niya lang! :)
"Ganun ba? Bumili ako ng pagkain. Eto.." nilagay ko sa mesa ang mga pinamili ko
"Hinanap niya si kael....."
Nagkatinginan kami ni ayen
"Tapos anong sinabi mo?"
"Sinabi ko nalang na umalis si kael. Na... Na busy sa work.. Nagsinungaling talaga ako nuh para kahit papano hindi siya makaramdam ng lungkot dahil wala dito ang kapatid niya..."
"Salamat ayen."
Kahit biglang nag-iba ang ugali niya ngayon, still mabait parin siya.
"Baka nextweek daw pwede na kaming lumabas gab."
"Good..."
————————-