JN39
Paki-play ng video sa itaas. thank you. :)
———
Echael's pov
Pangarap ko'y makita kang naglalaro sa buwan,
Inalay mo sa akin ang gabing walang hangganan,
Hindi mahanap sa lupa ang pag-asa,
Nakikiusap nalang,
Himala...
Bakit ganun? Kahit anong galit ko, di parin niya ako marinig?
Diyos ko, pinatuloy mo'ko sa langet.. Pero kahit kailan, hindi kita nasilayan o nakausap man lang.. Lagi ka nalang nagtatago, bakit hindi mo'ko harapin? Bakit ayaw mong magpakita? Sapat na bang narinig ko ang boses mo noon?
Ngayon magsalita ka...
Eto ba? Eto ba ang sinasabi mong pag-asa?
Kasalanan bang humingi ako sa langit ng
Isang himala...
Kasalanan bang humingi ako sa langit ng
Isang himala....
Bat niyo ko hinayaang magkaganito?
Nagmahal lang ako eh.
Nagmahal lang ako...
Bat mo yun ipinagkakait?
Andaming nagmamahal sayo,
Sakin... Isa lang, tapos hindi pa pala sigurado..
Sakim ka.... Selfish ka...
Nagbigay ka lang...
Tinanggap ko...
Tapos yun pala may kapalit...
Pangarap ko'y makita ang liwanag ng umaga,
Naglalambing sayong mga mata,
Di mahagilap sa lupa ang pag-asa,
Nakikiusap sa buwan,
Himala......
Sana pagkatapos ng fullmoon, mahal pa namin ang isa't-isa
Sana walang magbago..
Pero sino ba ako? Tao lang ako kumpara sayo na sinasamba ng maraming tao
Pero, nakikiusap ako... Tama na, kami nalang... Kami nalang...
Kasalanan bang humingi ako sa langit ng
Isang himala....
Kasalanan bang humingi ako sa langit ng
Isang himala.....
Wag mong tapusin sa ganito
Ayokong masaktan
Himala....
Kasalanan bang humingi ako sa langit ng
Isang himala....
Kasalanan bang humingi ako sa langit ng....
Isang Himala......
Huling hiling ko nalang to sa buhay ko,
Dahil binuhay mo'ko ulit,
Sana,
KAMI PARIN NI NATASHA....
Humingi ako sa langit ng
Isang himala....
KAHIT NA, AKO LANG YUNG NAGMAMAHAL.....
Gab's pov
"Bakit?" malamig na bungad sakin ni Enzo
Pumunta ako dito sa office niya para makipag-usap
"Alam kong hindi mo pa ako lubusang kilala... Ako si Gab... Matalik na kaibigan ni kael at——-"
"Straight to the point dude, Hindi uso sakin ang sigway.."
"Ako yung guardian angel niya..."
Hindi siya nakaimik sa sinabi ko, hindi ko tuloy alam kung pagtatawanan ba niya ako o maniniwala siya
"If you want clarifications please, believe in Angels... Dahil isa akong anghel na pinababa para tulungan at gabayan ang kapatid mo.... Alam ko lahat sa kanya... Gusto ko lang sabihin sayo na.... Kael died 3 years ago.... When natasha left him..." panimula ko at wala parin siyang imik.
"I know how he suffered a lot.. From pain and heartaches... Pero kahit galit na galit siya noon sa ginawa ni nate, he still love her.... To the point na sa kalagitnaan ng kamatayan niya humiling parin siyang bumalik...."
"Bumalik para maghiganti.. Yun yun!"-enzo
"Maybe... Maybe.... Pero, walang magbabago sa fact na mahal parin niya si natasha.." sagot ko
"Binulag siya ng tangang pag-ibig na yan.."
"Siguro, pero alam mo naman kung sino talaga si kael diba? But you don't know everything about him..."
"Anong ibig mong sabihin?"
What I mean is...
"You only thought He's a loner, a nobody, a nerd, weak.... Pero lahat ng yun, HINDI SIYA..."
Napalunok laway si enzo at nagsimula ng kumunot ang noo
"Bring me to him, gusto kong siya ang makausap ko ng personal..."
Tumayo na ako, siguro wala na siyang balak pakinggan ang mga susunod kong sasabihin.
"Umalis siya.."
Saka na ako tumalikod at lumabas ng office niya.
————
(a/n)
Dedicated to FunnyTags. :) Salamat sa mga msgs mo, :)
Ending na ba? O simula pa lang?
Ps. Ang panget na author