A/N:
ChanOopy05 thankyou author! Haha. Ganda rin ng mga stories mo! kaso nakaka-nose bleed! :) Sana suportahan mo pa. salamat! :)
--------------------------------------------
JN56
Echael's pov
Pagbukas ko ng pinto bigla akong nanghina.
Pagsara ko ng pintuan, hindi na ako nakagalaw at nakatayo lang ako dito sa may pinto.
Nakatitig lang ako kay natasha na wala paring malay-tao.
Kasalanan ko to. Aminado ako dun.
Kaya para akong binuhusan ng isang baldeng yelo at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Hindi ko siya malapitan.
O mahawakan dahil sa thought na.. Ako ang may kasalanan.
Napalunok-laway ako habang pinagmamasdan siyang nakahiga at mahimbing parin ang tulog.
"Hindi mo man lang ba siya lalapitan? O hahawakan?"
Napalingon ako kay gab na nakaupo sa isang sulok.
Hindi ko parin maigalaw ang mga paa ko
Parang hindi ko kayang makita siyang nakahiga ng ganyan at may dextrose pa.
Oo. Aaminin ko. I hate hospitals. Nurses. Doctors. Injections. Meds. Needles. Lahat ng meron dito sa hospital ay ayoko.
Buti na-overcome ko ang pumasok dito sa loob. Dahil nung papasok ako si natasha lang ang iniisip ko, nawala saglit ang phobia ko dito sa ospital.
Mas lalo kasi akong nanghihina pag nandito.
At mas lalo talaga akong nanghina nang makita siya dito.
"Echael ano ba! Uunahin mo pa ba ang takot mo kesa mahawakan siya?!" nagulat ako sa sigaw ni gab sakin. Hindi ko yun inasahan. At parang nagising ako bigla..
Natasha...
Mabilis ang mga hakbang ko papalapit kay nate at niyakap siya. Pumikit ako habang yakap siya.
"I'm sorry...." bulong ko sa kanya at sana marinig niya yun. Sana magising na siya.
Ikiniss ko siya sa noo.
"Akala ko ba isang ganti lang? Bat padami ng padami kael?"
Natigilan ako nang magsalita ulit siya
Alam ko yung pinupunto niya.. At hindi ko naman dinedeny.
Kasalanan ko.
"Kagustuhan mo bang masaktan siya kael? O sadyang singtigas lang talaga ng bato ang puso mo at hindi mo parin siya mapatawad? pagmamahal pa ba yan?"
Hindi ako nakakibo.
Hindi ko alam ang isasagot.
"Kasi kael kung hindi mo na siya mahal, pwede mo na siyang pakawalan.. Nakaganti ka naman siguro diba? Ano pa bang ganti ang gusto mo??"
Ganting gusto ko?
Yung lumuhod siya.
Umiyak.
At magmakaawa sakin.
Yun!
Pero paano? Makita ko lang siyang walang malay bumibigay na ako.
Ako pa yung nasasaktan.