JN36

680 12 0
                                    




JN36

SEASON III

-----

Gab's pov

"Wag mong saktan si Natasha!" sigaw ko habang yakap-yakap si nate

Pinaghihila na kasi siya ni Enzo kanina, nagkasabay kasi kami ni nate na buksan ang gate.

"Bitch yang babaeng yan! Nasan ba si kael at magkaliwanagan na!"

Pinipigilan naman ni ayen si enzo na nabigla rin ata sa nangyare

"Wag kang manggulo dito! Umalis ka nalang enzo!"

Umiiyak na ngayon si natasha sa dibdib ko.

"Ano ba kasing nangyayare gab?"-ayen

"Pls enzo... Umalis ka na muna... Pag-usapan nalang natin to bukas... Nagmamakaawa ako... Hindi mo alam kung anong mangyayare oras na malaman ni kael ang lahat... Bigyan mo muna siya ng konting panahon...."

"Ano?! Di kita maintindihan.."-enzo

"Pls... Hindi ito yung oras...." pagmamakaawa ko

"Putang-inang babaeng yan! Siya naman ang may kasalanan ng lahat ng to eh!" pagsisisgaw parin ni enzo

"Gab.... Wala akong alam sa pinagbibintang niya.." iyak ni nate

Oo. Wala kang maalala natasha. Maaalala mo lahat ngayong fullmoon

"Anong wala? Sinira mo ang buhay ng kapatid ko! Niloko mo siya! Iniwan mo siya! Para mo narin siyang pinatay natasha!" mangiyak-ngiyak sa galit na sigaw ulit ni enzo

Nagtatakang tinignan ni nate si enzo

"Wag kang magkunwari na wala kang alam.... Wag kang iiyak na para ibang ikaw ang nasaktan!!"-enzo

"Enzo tama na..." ako

"Best actress ka talaga kahit noon pa natasha... Bilib ako sayo... Bumalik ka dito na para bang walang nangyare noon.. Bakit? Hindi pa ba sapat ang mga nakuha mo sa kanya? Ano? Hindi ka paba kontento at bumalik ka pa? Sasaktan mo na naman siya? Hindi mo ba alam? Na dahil sayo nasira ang pamilya namin... Hindi lang pagkatao ni kael ang sinira mo kundi ang mama at papa pati ako natasha... Hindi ko alam kung bakit ginawa mo yun sa likod ng sakripisyo at pagmamahal sayo ng kapatid ko.... Hindi ko alam na kaya mo yung gawin kahit ibinigay na sayo ni kael ang sarili pati na siguro kaluluwa niya... Sana pala hindi ko siya hinayaang ma-fall sayo... Sana pala, pinatay nalang kita..."-enzo

"ANONG SABI MO?"

Napalingon kaming kahat sa pinanggalingan ng boses na iyon. Lumakas bigla ang kabog ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, diyos ko po tulungan niyo ko...

"Kael?"-ayen

--------

Echael's pov

Oo

Rinig na rinig ko lahat

At hindi ko alam kung maniniwala ako

Totoo ba ang lahat ng narinig ko?

Kapatid ko ba ang lalakeng to?

Ano ba talaga ang totoo?

At bakit nasasaktan ako?

Bakit nasasaktan ako sa lahat ng narinig ko?

Kaya ba pinababa ako dahil kay natasha?

"Tama na." sabi ko dun sa enzo

"Tol. Ano bang nangyayare sayo?"-enzo

Tinignan ko si natasha na umiiyak parin, lumapit ako at niyakap siya.

"Bitawan mo siya kael... Nakalimutan mo ba kung gaano mo siya kinamumuhian?" pagpapatuloy parin ni enzo

"Wala kang karapatang saktan siya..."

"May karapatan ako kael.. Nakalimutan mo naba? Ginamit ka lang niya! Pinaikot! Sinaktan! Niloko! Lahat-lahat na!"

"Nasira tayo dahil sa kanya."

"Hindi yan totoo, kung may problema ka sakin wag mong idamay si natasha. Dahil kahit anong gawin mo, hindi ako maniniwala sayo. Hindi ko ipagpapalit ang taong mahal ko sa kapatid ko."

"Yang taong minahal mo... Siya yung taong humila sayo sa empyerno.. Hindi ko alam kung anong nangyare sayo pero sa maniwala ka o hindi, totoo ang lahat ng sinabi ko..." pagkatapos niya yung sinabi ay umalis siya kasama si ayen.

Sana.

Sana hindi totoo.

Gulong-gulo ang utak ko nang tignan ko si Gab

"Gab.. Sabihin mo na sakin.." sabi ko sa kanya

"Kael.... Hindi ko talaga maintindihan... I'm sorry..."-nate

"Sshhh... Tahan na..." niyakap ko pa siya ng mahigpit at sinulyapan si gab na nakatingin parin samin

"Kael, matatanggap mo kaya?"-Gab

"Anong...ibig mog sabihin??"

Imbes na sagutin ako kay tinignan niya lang si natasha

"Gab...."

"Akala ko... Akala ko magiging ok ang lahat.... Akala ko, matutulungan kita kaya sinabi kong hanapin mo si nate pagkababa mo..."

Bigla kong binitawan si natasha nang marinig yun.

Ibig sabihin.....

Totoo ang lahat ng yun?

"Gab, wag mo'kong pinagloloko..."

"Gab kael... Ano ba! Ano bang nangyayare?" iyak ulit ni natasha

"I'm sorry natasha..."-Gab

Tinitigan ko si natasha... Mata sa mata...

Hanggang sa di ko na mapigilang lumuha...

Naiiyak ako hindi dahil sa nalaman ko....

Naiiyak ako dahil ang lahat ng yun ay dahil kay natasha.

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko at hindi ko ito mapagilan.

Nasasaktan ako sa isiping SIYA. Si Natasha.

HAPPY BIRTHDAY TO ME.

-------

(A/N)

Remember? Ang araw ng pagtulo ng mga luha ni kael ay araw ng kaarawan niya. Ewan ko ba. Haha.

Ps. Ang panget na author


THE REVENGE OF AN ANGEL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon