JN13
Ang tindi ng "That thing called tadhana" ganda ng murahan ni angelica dun. Haha
-----
Echael's pov
"Bakit ikaw po yung sumundo sakin? San po si ate?"-alice
"Nasa bahay. Eh kasi simula ngayon sa bahay kana uuwi. Doon na kayo titira ng ate mo sa bahay ko... Bahay natin..." sagot ko na ikinatuwa niya
"Talaga po? Yesss!!! May maganda na akong kwarto! Salamat po kuya ha... Blessing ka talaga kay ate..."-alice
"Halikana..."
Pagdating namin sa bahay naabutan ko si nate na nag-aayos ng mga gamit nila sa kwarto.
"Big girl na si alice kaya ok lang na doon siya sa guest room total wala namang gumagamit nun..." sabi ko at salubong sa kanya ng mainit na halik sa labi.
Pinakawalan ko lang ang labi niya nang pareho kaming hindi na makahinga
"Kael naman. Pinilit mo ako dito at nakakahiya naman kung aabuso pa ako diba? Ang laki nitong kwarto kasya kaming dalawa..."
"Ang saya-saya ni alice nang malaman niyang may sarili na siyang kwarto nate, wag mo namang ipagkait yun sa kanya.. Wag mo ring ipagkait sakin na makatabi kita gabi-gabi.." niyakap ko siya sa mula sa likod niya.
"Loko ka talaga... Oo na. Matagal narin kasing humihingi ng sariling kwarto si bunso.."
Hinalikan ko yung leeg niyang ang yummy talaga. Hihi
Ang bango-bango pa niya
Ang saya ko lang talaga na...
Na ako nalang ang lalake sa buhay niya.
Hindi na siya babalik sa club.
Dito na siya sa piling ko.
Kasal nalang ang kulang.
Nagiging agresibo at possessive ako dahil sa kanya.
Ewan ko ba.
Parang natakot tuloy ako na mawala siya.
"Pansin ko yung kwarto mo ang lungkot tignan.. Wala man lang mga pictures..."
Kumalas ako sa sinabi ni nate at tinignan siya
"Hindi ako mahilig sa mga pictures.. I hate cameras too.." pagsisinungaling ko nalang
"Ang weird mo naman eh ang mga kinder ngayon ang hilig ng mag-selfie eh... Nga pala, anong gusto mong ulam ngayon?"
"Ikaw ng bahala... Kahit ano wala naman akong pili eh... Yung gusto mo nalang..."
"Sige, magluluto na ako..." paalam niya at ikiniss ako sa noo bago siya bumaba
Nasakin na siya ngayon.
Nasa puder ko na siya.
Bahala na ang itaas kung anong gusto niya basta wag niya lang kunin si nate.
Kundi mapipilitan akong bumaliktad at kampihan ang demonyo.
----
Short update. Pagod eh
Ps. Ang panget na author