JN55
Echael's pov
DINNER date
Pinagbigyan ko na siya sa hinihingi niyang dinner date dito sa paborito niyang resto
"Baby.. Babalik na kasi si dad from US. He wants to meet you daw.."
"Tapos?"
Nginitian niya ako
"Yun nga.. Gusto ka niyang makilala. Tsaka he agreed to work with your company. Mahilig din kasi sa mga arts si dad.. How's that?"
"Ok."
"Ok lang? Hindi ka ba masaya?"
"Masaya? Ano? Paparty pa ako dahil dadating ang dad mo? Alam kong ikaw lang naman ang may gusto at pumilit sa papa mo.. Tsaka kapag nalaman niyang nagtatrabaho ka sakin baka kung ano pang sabihin niya...ikaw naman kasi, pinilit mo pang maging secretary ko kesa e-manage ang sarili niyong kompanya.."
"Ano ka ba.. Marami kayang malalandi sa kompanya. Tsaka ayaw mo nun, lagi tayong magkasama?"
"I don't think its a good idea..." napabuntong-hininga ako
"Ang alin ba baby?"
"Na mameet ko ang dad mo.."
"What? Mabait yun.. Tsaka siya pa nga tong nagpupumilit eh. Baka ikaw ang ayaw?"
"You got it."
Napasimangot siya sa sinnabi ko
Ayaw ko talaga.
Hindi dahil takot ako.
Ayaw ko lang talaga.
Naaalala ko si dad sa mga tatay nila.
"Bakit?"
"Let's just eat.."
————————-