JN20
Natasha's pov
Mas masaya pala pag marami.
Pumunta kami ng beach.
Ang saya ko lang.
Ganito pala ang feeling ng may nagmamahal sayo.
Si kael kasi maalaga.
"Baby? Ok na ba to?" tanong niya sa ginawa niyang fruit shake
"Patikim nga..."
Tinikman ko ang gawa niya. Siya kasi nag-insist na gumawa. Ako sana yun eh nagpumilit siya
"Wow, ang sarap..."
"Talaga baby?"
"Oo naman..." nginitian ko siya
Ewan ko ba at mas gusto niyang siya ang magsilbi sakin.
Prinsesa daw ako eh.
"Magugustuhan kaya to nila alice?" tanong niya pa habang nilalagyan ng shake ang mga baso
"Oo naman."
Ang bait niya.
Sobra.
Habang tinititigan ko siya
Biglang nag-iiba ang pakiramdam ko.
Bigla akong kinabahan
Bakit naman?
Tinitigan ko ang mukha niya
Ang sarap titigan
Di ka magsasawa
-----
Napatingin ako sa dagat.
Ang sarap dito.
"Ate!!!!!"
Si alice yun kaya napatingin ako sa kanya na papalapit dito sa cottage namin
Ang saya ng kapatid ko ngayon.
At dahil to kay kael
"Bff!!!!!! Si gab kasi inaaway kami!!"-betty
"Away ka diyan! Kayo kasi ang tigas ng ulo niyo!!!"-gab
"Hoy weirdong nakashabu.... Ikaw tong oa magreak diyan!"-betty
"Bakit ba? Ano bang nangyare at nag-aaway kayo ha?" salubong ko sa kanila
"Eh kasi ate may poging lumapit samin... Ininvite niya kami sa party mamayang gabi dito....tapos tinanggap namin yung invitation nagalit si kuya gab..." expalin ni alice kaya napatingi ako kay betty at gab
Eto talagang dalawang to, dinaig pa ang mga bata kung mag-away.
"Sabi ko lang naman don't talk to strangers.... Mahirap magtiwala ngayon..."-gab
"Tsee! Ikaw ba ang pupunta sa party? Kung ayaw mo kami nalang..."-betty
"Party? Sino ba kasi yang taong pinag-aawayan niyo??"
"Ayun po siya ate oh!" saka tinuro ni alice yung guy
At nagulat ako nang malamang sino yun.
Si ino.
Anong ginagawa niya dito???
Hindi kaya sinundan niya ako?
Ang kulit talaga ng taong yun.
Sana hindi siya manggugulo samin.
Napatingin sa gawi namin si ino at kumaway kena alice
"Parang pamilyar ang mukha niya bff nuh?"-betty
Oo. Siya yung sa club!
Pero di nalang ako umimik at pinuntahan si kael na naghahanda ng pagkain sa mesa
"Kumain na tayo.." sabi ko nalang at nauna ng umupo sa mesa
Wag lang sanang manggugulo si Ino.
-----
Ps. Ang panget na author