JN14
----
Gab's pov
Masaya si kael kay nate.
Pero
Paano kung malaman niya ang totoo?
Anong mangyayare?
Panigurado,
Dadanak ang dugo sa lupa
Kilala ko si kael kahit noong araw na buhay pa siya at naging anghel
Ako yung guardian angel niya nung baby pa siya
Kaya kilalang-kilala ko siya.
Ayoko sana ulit na masaktan siya.
Pero
Kailangan niyang harapin ang katotohanan para matapos na
Sana may happy ending
............
At sana kapag malaman niya ang totoo
Hindi niya sana ipapairal ang galit niya
Sana marunong siyang magpatawad
Sana.
Puro ako sana kasi
Kasi nga kilala ko na si kael
-----
Habang pinapanood ko sila sa monitor
Ang saya-saya nila
Yung tipong wala na talagang problema
"Oops kael bad yan...." nasabi ko dahil mukang nadadala na naman sa tukso ang lalakeng to.
"Marami ka ng ginawang mali noon wag mo ng dagdagan pa ngayon..."
----
"Ipapadala kita sa lupa para tulungan si kael Gab at alam kong marami ka pang gustong gawin, dito ka lumaki at gusto ko magpatuloy ka ng iyong buhay sa ibaba... Bibigyan kita ng pangalawang buhay Gab at sana gawin mo ang nararapat.. Mabait kang bata Gab kaya alam kong hindi mo susukuan si kael...."
Gulat na gulat ako sa sinabi ng Diyos.
Di ako makapaniwala.
Parang panaginip lang..
Natameme ako.
Di ko alam ang isasagot sa sobrang saya.
Sa sobrang pagka-shock ko di ko na maigalaw ang dila ko...
"Gabriel.... Anak.... Ikaw ay pinabababa ko na sa lupa. At wag mo'kong kalimutan... Mahal na mahal kita... Wag kang mag-alala hindi kita pababayaan..."
"O...opo.... S...salamat po boss.... Salamat po ama.... Salamat...." naluluha ako sa sobrang saya.
Sanggol pa kasi ako nung dumating dito.
Pagkapanganak ko daw kasi namatay ako.
Matanda ako ng dalawang taon kay echael.
At para na niya akong kuya kaya sa pagbaba ko, gagabayan at tutulungan ko siya. :)
-----
May bababa. :)
Ps. Ang panget na author