Ayen's pov
Nagdoorbell ako. Wala bang tao? Antagal buksan ah! Pinidot ko ulit yung doorbell when suddenly may narinig akong bumusena sa likuran ko. May kotse. Finally she's here.
Tumigil yung sasakyan at may lumbas mula dun sa loob.
"Again?" iritadong simula niya.
"Nasan si natasha?" kalmado kong tanong.
"She's not here. Bakit? At bakit mo siya hinahanap?"
"May utang siya sakin..."
"Magkano? Babayaran ko..."
Tumaas kilay ko. Stupid.
"Hindi pera... Eto..." nilabas ko yung envelope at binuksan.. Kumuha aako ng isang litrato at pinakita sa kanya..
"Your bitch girlfriend pinatulan ang dad ko!!" halatang nasorpresa siya at binalik sakin yung litrato..
"Anong sabi mo sa fiance ko??? Bitch? Talaga lang ha... Well Ms.stranger o kung ano ka man just stay away from her or else---------"
"Or else what?! Pwede ba bantayan mo naman yang babae mo! Dahil kung sinu-sinong lalake yung pinapatulan.. Hindi ko alam kung bakit mo siya pinatulan eh ang dumi-dumi ng babaeng pokpok na yun! Baliw kanaba? Hindi kaba natatakot na hawaan ka niya ng sakit?! At kapag hindi ako nakapagpigil ipapakulong ko siya!! At di lang---------------------" *BLAG!* Nagulat ako sa pagdabog niya ng pintuan ng kotse niya, mukhang nasira nga ata sa lakas ng pagsara niya. Lumunok ako at pansin kong ang sama-sama na ng tingin niya sakin.
"Wag mo'kong hinahamon... Once again, just stay away from her. Baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko kapag tinopak ako..tandaan mo yan. Hindi kita tinatakot, winawarningan lang kita.." sabi niya at pumasok sa kotse niya saka umalis.
Napatanga ako dun. Parang totoo talagang may gagawin siyang masama. Patatalo ba ako? Hindi! Pupuntahan ko ang babaeng yun... Sa club mismo. At maghanda siya sa sorpresang gagawin ko. Sorpresang hindi niya makakalimutan.!
Echael's pov
It's 8pm, for sure nasa club na si nate. Hays. Bakit ba di niya maiwan-iwan ang trabaho niya?
Pumunta ako sa club para makita siya. And there, up the stage i saw her dancing. Damn. Pressure.
Nagpapalakpakan pa yung mga crowd lalo na yung mga nasa unahan na nambubuso na sa tuwing aksidenteng tumataas palda nito. Parang ang down ko, bakit ngayon hindi ko siya kayang makitang ganyan???? Bakit parang naninibago ako.
Mariin na pumikit ako at dumilat ulit.
May babaeng umakyat sa stage na may dalang balde. Na-curious ako pero ramdam kong hindi maganda ang mangyayare. Bago ko pa sila nalapitan It's too late, binuhusan ng babae si natasha ng tubig sa harap ng lahat.
"Yan ang bagay sayo! Maligo ka kasi ang dumi-dumi mo!!!"
That girl,kanina. Tsk. Hindi ko na palalampasin ang ginawa niya. Tinignan ko si nate,nilalamig na siya and I saw tears falling in her cheeks.. Naghiyawan ang buong crowd na para bang gusto nila ang scene na to..
Pero bakit hindi ko na naman maigalaw ang mga paa ko to get her?
Ang weird.
Pero nasasaktan na si nate.
"Mahiya ka naman!!! Tatay ko pinatulan mo! Ganyan kanaba ka desperada para magkapera ha?!! Bitch! Sinira mo ang pamilya ko and now you have to suffer!!"
SLAP! Sinampal ng babaeng yun si nate.
"Natasha..." patakbong umakyat ako sa stage at niyakap si nate.
"Oh ayan na pala ang magaling mong nobyo! Na hinayaan ka lang kumembot dito.. Hindi ka niya mahal dahil kung mahal ka niyan di niya to hahayaan!! Mag-isip ka nga walang papatol sayo!!! Katawan mo lang habol niya sayo!!!!"
'SHUT UP...." Kinarga ko si nate at bumaba. Lumapit samin ang manager ata nila..
"I'm sorry nate.."
Ibinaba ko muna si nate at dumukot ng pera sa bulsa.
"Here, ite-take out ko siya.." nag-abot ako ng 10k dun at umalis na kami ni nate.
Ipinasok ko siya sa loob ng sasakyan at pinasuot ng jacket. Wala siyang imik habang tumutulo paron ang mga luha niya..
Pumasok narin ako at pinaandar na ang kotse.
"S..san mo'ko dadalhin? At bakit ka nagso-sorry?"
Hinila ko siya at niyakap. Then mas lalong lumakas ang iyak niya sa dibdib ko.
"Wag ka ng umiyak baby... Promise ko hindi na yun mangyayare ulit. I won't let someone hurt you again...ever..." i kiss her hair. Yumakap siya sakin.
Pagdating namin sa bahay, naligo siya. Nagtimpla ako ng kape para mainitan ang katawan niya at habang umiinom kami. Eto na naman, ang tahimik.
"Wag ka ng bumalik dun sa club." simula ko.
"Bakit? Yun naman ang trabaho ko. Dun ako nararapat."
"HINDI.. Sakin ka lang. At simula ngayon you don't need to dance just to earn money... Bibigyan kita ng trabaho..."
Tahimik na naman
"Tama siya. Marumi ako... Dalawang taon na ako sa bar echael, gabi-gabi ibat-ibang lalake ang nakasama ko sa kama.. Hindi mo dapat ako ginusto, dahil ang dumi-dumi ko na... Pati mga foreigner. At ang ama ng babaeng yun kanina..." tinignan niya ko sa mga mata. "Hindi mo parin ba maintindihan ang trabaho ko? Nakikipag-sex ako sa mga lalake para lang magkapera..."
Hindi ko siya sinagot.
Sumama ang pakiramdam ko.
Naiisip ko palang para ng sasabog tong puso ko..
Ibinaba ko sa mesa ang cup ko.
"Kaya ok lang na maturn-off ka o pandirian ako naiintindihan ko naman ehh. Ok lang na ayawan mo'ko at pagalitan ngayon...ok lang na saktan mo'ko...ok lang.." iyak na naman niya.
"Hindi kita sasaktan." lumapit ako sa kanya, kinulong ko ang mukha niya gamit ang mga kamay ko at tinignan siya sa mga mata. "Tanggap kita..."
Naiiling na tinanggal niya ang mga kamay ko.
"Hindi echael, hindi ako nararapat sayo...kaya simula ngayon wag na wag mo na akong lapitan.."
Tumayo siya. Before pa siya nakahakbang hinablot ko kamay niya at hinila siya palapit sakin.
"Hindi kita hahayaan. Hindi ko susundin ang sinabi mo, I have my own decisions kaya bakit kita lalayuan? Di ako mawawala sa paningin mo baby tandaan mo yan." then I kiss her lips. Her damn lips na wala akong pakialam kung marami na ang nakalasa dito. From now on, this girl is mine. Ewan ko ba at napapaso ako sa halik niya at sa labi niyang ang init-init... Para akong nalasing dahil sa kanya.
Pero, nirerespeto ko siya. I know my limitations.
------
Vote comments yan lang muna. Thankyou! Ps-ang panget na author.