JN67
ENZO AND AYEN's WEDDING **
Betty's pov
Masaya akong nakapunta kaming lahat sa kasal nila ayen. It was perfect! Naiimagine kona tuloy ang sarili kong ikakasal na.. Gusto ko ganito kaengrande, ang ganda kasi. Nakaka-inloved lalo.
Sinulyapan ko si natasha at kael na nasa dulo ng inuupuan namin.. Napangiti ako nang masaya silang dalawa.. Naalala ko tuloy, nasabi na kaya ni natasha ang tungkol sa kondisyon niya? Hindi siya makaanak?
"Babe...." malambing na tawag sakin ni gab na nakaupo sa tabi ko..
"Bakit?? Wag mo kasi akong tawaging babe..."
"Hindi moba gusto ang babe? Ano gusto mo? Mine? Baby? Wifey? Moo? Pandan? Buko? Honey? Pie???"
"Wala kang originality. Wag nalang..." irap ko
"Babe..."
"Bakit ba?" irita na ako ha!
"I just like..to..ask you.. If..ready ka na rin bang ikasal?? Like ayen??"
Napatitig ako sa mga mata niya at hindi nakasagot.. Ako? Ready? Wala pa ngang nanliligaw eh! Wala pang boyfriend..
"Bakit mo'ko tinatanong niyan eh alam mo namang wala akong boyfriend diba? Tsk."
"Ow.. Sorry..."
"Wag mo nga akong kakausapin kung wala ka namang masabing matino, ok??"
I rolled my eyes at tumingin ulit kay natasha at binubulungan siya ngayon ni kael.. Ang sweet naman nila..
"Babe------"
"What??"
Ang ingay ng katabi ko. Ang kulit!
"Magtatanong lang ako kung...ganito ba gusto mong kasal sakaling ikasal ka??"
"Oo.." sagot ko at baling kena natasha ulit.
"Hey babe, gusto mo may singer?? Na kakanta ng theme song??"
"Oo.."
Sasagutin ko nalang ng OO para hindi na magtanong
Pero makulit talaga eh..
"Babe, ano yung.. Gusto mong husband to be?? Yung katulad ko??"
"Oo.."
O.o
Wait.
Nilingon ko si gab
"Ano ulit yung tanong mo??" busy kasi ako kay natasha at kael eh.
"Ang tanong ko,gusto mo ba ako? You said yes.." ngiti nitong sagot saka kumindat pa sakin. Tae. Bat ganito siya??
"Hoy. Hindi yan ang narinig ko..."
"Eh narinig mo pala eh..."
Natahimik ako. Oo na. Gusto ko naman talaga si gab diba?
Magsasalita pa sana ako nang may pumalo samin ng pamaypay sa likuran namin, tumama talaga sa ulo namin. Kaming dalawa talaga ni gab. Lumingon kami sa likuran, dalawang matandang babae ang nakataas ang kilay saming dalawa
Naingayan siguro. Nasa simbahan pa pala kami..
"Doon kayo sa labas maglandian..."
"Makinig kayo sa pari."
Alanganing ngumiti ako at nagsorry kami sa kanila..
Pinandilatan ko si gab na nagpipigil lang ng tawa. Ang gwapo niya.