JN 38
Natasha's pov
Gulong-gulo ako
Hindi ko alam ang mga nangyayare
Bat ako?
Bat galit na galit sakin si enzo?
May kinalaman daw ako?
San?
Huhuhu
"Gab? Si kael?"
"Nanghihingi siya ng space. Ilang araw lang naman.."
"Bakit?"
"Malalaman mo rin. Not now, soon.. Mga ilang araw lang naman siyang mawawala... Babalik siya after fullmoon.."
"Fullmoon?" lito kong tanong? Anong konek?
"Basta nate, lahat ng tanong mo ngayon masasagot ngayong fullmoon."
"Ano? Bakit fullmoon pa? Nasan ba talaga si kael?"
"Hindi ko rin alam basta ang sabi niya babalik siya..para sayo..."
Problema niya, problema ko rin naman diba? Tsk huhuhu
"Birthday niya ngayon, 20th birthday niya.."
"Anooo?? Bakit nagyon mo lang sinabi?" waahh di ako nakapag-greet huhu tapos ang sama pa ng mga nangyare nagyon na birthday niya.
"Sorry.. Matulog ka na.." sabi nito at lumabas na ng kwarto ko
Naiinis ako at hindi makatulog. Maga narin ang mga mata ko kaiiyak dahil sa nangyare, unexpected na pangyayare. Huhu
Birthday niya.
Happy birthday kael baby ko, mahal ko.
------
2 days to go before fullmoon
Gab's pov
She's still waiting at anong oras na ngayon, it's 12 midnight. Nasa garden parin siya hinihintay si kael. Tsk
"Natasha, matulog ka na..."
"Ayoko..."
Nakita kong tumulo ang mga luha niya kahit panay iwas siya sakin, lumapit ako at tinabihan siya ng upo.
"Hihintayin ko siya... Gusto kong....makausap siya..."
"Pero nate, hindi mo rin naman maiintindihan eh. Maghintay nalang tayo ngayong fullmoon..."
"Fullmoon? Bakit sa fullmoon pa?! Pwede naman ngayon eh. Hindi niya ako mahal.."
"Mahal ka nun kung alam mo lang..."
KUNG ALAM MO LANG.
"Ano bang meron sa fullmoon ha?"
"Lahat.. Lahat nate, expect the unexpected.."
"Ayoko... Pano kung tuluyan na siyang mawala sakin? Pano kung hindi na siya bumalik pagkatapos ng fullmoon?"
Yan din ang inaalala ko.
Hindi ko alam ang isasagot.
"Gab, samahan mo'ko bukas.. Hanapin natin siya.."
"Oo na.. Kaya matulog ka na..."
Hinawakan ko ang kamay niya at pinatayo siya
"Look nate, mahal na mahal ka ni kael... Hindi ka iiwan nun.."
Hindi ka niya kayang iwan nate, kahit nga nung namatay siya ikaw parin ang iniisip niya.
Pero hindi ko alam kung.... Kung pagmamahal paba talaga yun o Galit?
Basta ang alam ko lang mahal ni kael si natasha.
-------
Echael's pov
Pinagmasdan ko lang ang mga alon.
Ang dampi ng malamig na hangin saking balat.
Si natasha.
Si natasha lang ang tanging naiisip ko ngayon.
Naitapon ko ang beer nang wala ng laman at nag-open ng bagong beer, uminom lang ako ng uminom.
"Ano ka ngayon JC? Masaya ka na? Eto ba yun? Eto ba yung dahilan na pinababa mo ako? Tang'na pinaglalaruan mo ko eh!" hindi ko na mapigilang sumigaw, tumayo ako at pinaghahagis sa dagat ang mga bote sa inis at galit ko.
JC short for JESUS CHRIST
"Tang'ina mo mapaglaro ka! Sana hindi mo nalang ako binuhay ulit kung kapalit naman nun si natasha! Tang'ina eto ba yung gusto mo?! Ang guluhin ulit ang buhay ko?! Tang'ina hindi ka nakakatuwa Jc! Bweset na buhay to! Magbibigay ka nalang may kapalit pa!"
Di ko na mapigil ang mga luha ko
"Excuse me mister? Ok ka lang ba?" biglang lapit ng naka two piece na babae sakin
"May...malapit bang simbahan dito?"
"Meron... Gusto mo samahan kita?"
"Wag na.." saka ko siya iniwan
SIMBAHAN **
Gabi na. At sarado na ang simbahan.
Kumatok ako ng kumatok hanggat sa pinagbuksan ako ng isang pari ata dito.
"Anak? Anong kailangan mo??"
"Kailangan ko yung diyos mo."
"May problema ka ba anak?"
"Problema ko po yung diyos niyo.."
Tinignan ako ng may pagtataka nung pari pero di naman niya ako pinigilan, pinapasok niya ako.
At sa pagpasok ko, nakita ko yung malaking krus kung san nakapako si Jc.
"Yan ba? Kaya mo siguro ginagawa sakin to para patas na tayo huh Jc? Gusto mo magdusa rin ako tulad mo diyan sa krus.."
"Anak... Wag mong isisi sa diyos ang lahat..." ani father
"At bakit? Hindi ba't siya ang gumawa satin?! Hindi ba't siya ang nakakaalam ng lahat?! Kung totoong mahal niya tayo, hindi niya hahayaang masaktan tayo! Hindi niya hahayaang magdusa tayo.."
"Anak.... Tutulungan ka niya..."
"Hindi ko kailangan ng tulong niya."
Hindi ako hihingi ng tulong sayo Jc, kaya ko ang sarili ko. Tapos mo na akong tulungan, ako na gagawa ng paraan.
-------------
(a/n)
Wala.
Ps. Ang panget na author
#Respect