JN54
Natasha's pov
"Oh betty? Gabi na ah.. Bat ngayon ka lang?"
Dito na kasi siya nakatira samin.. Kasama narin si gab.
Iisang bahay na kaming lahat.
"Sorry bestie ah.. May tinapos lang ako.. Grabe.. Nakakapagod.. Dami nilang utos!"
"Buti ka pa nakakapagtrabaho.." hindi ko maiwasang malungkot at magselos. Kasi naman, dito lang ako sa bahay.. Minsan lang ako naglalabas kapag may importanteng lakad.
Hindi ko alam kung bakit napaka-strict ngayon sakin ni kael.
Bantay sarado rin ako kahit dito sa bahay.. Si yaya Fe yung mga mata ni kael dito sa bahay.
"Ano ba kasing problema at ayaw kang pagtrabahuin ni kael? Hindi ka naman buntis diba? Tsk.."
"Wala naman.."
"Kausapin mo nga yun ng maayos.. Para naman may freedom ka.."
Tama siya.
Wala nga akong freedom dito. Lagi nalang si kael ang nasusunod sa lahat ng bagay. Tsk hays
Bakit ba niya ako pinaghihigpitan? Yun ang di ko maintindihan sa kanya
———————
10pm
Talagang hinintay ko siya para kausapin
Gusto ko na kasi talagang magtrabaho
Ayaw ko namang iasa sa kanya ang lahat
Highschool na si alice kaya kailangan ko naring maghanap ng pera
"Mahal.. Bat gising ka pa?" si kael
Ikiniss niya ako sa noo kaya naman naupo na ako at tinignan siya na naghuhubad ng sapatos. Matapos niyang mahubad yun naupo siya sa sofa at sumandal..
Saka pumikit.
Pagod siya