JN59

591 9 2
                                    

JN59

Echael's pov

"Mahal?"

Bakit wala siya sa kwarto?

"Natasha?!"

Nagmamadaling pumasok ako ng banyo pero wala siya sa tub

Baka kung ano na naman ang nangyare sa kanya.

"Mahal???"

Bumaba ako ng sala nang bigla akong matigilan....

"Nandito ka lang pala..."

Lumapit ako, nakatalikod siya sakin habang nakaharap siya sa pool

"Tinakot mo'ko mahal.. Halika nga.."

Hahawakan ko na sana siya nang bigla siyang humarap at nabigla ako dahil... Dahil iba ang itsura niya.

Multo na ba siya?

"Mahal??"

Bat ganito itsura niya? Bakit ang putla tapos umitim pa ang mga mata.

Napaatras ako ng isang hakbang nang umiyak siya, umiiyak siya ng dugo

"Mahal??! Anong nangyayare sayo?!" lalapitan ko sana siya nang tumalikod siya at humakbang papunta sa pool

"WAG!!!!!"

Saka siya tumalon at biglang naging pula ang tubig ng pool.

Tumakbo ako at tumalon sa tubig para iligtas siya

"Mahal?!"

Kinakabahan na'ko.

"Mahal?!"

Diyos ko bat siya nagpakamatay?

"MAHAL?????"

*SLAP!!"

Nagising nalang ako bigla..shit! Ang sakit nun ah!

Sinong??? Gumawa nun??

"Binabangungot ka!"

"Stella??"

Napatingin ako sa kanya.. Wala siyang saplot at nakahiga lang sa tabi ko, pagtingin ko rin sa sarili ko wala din akong damit. Shit. Nakatulog nga pala ako matapos niya akong dalhin dito sa bahay.

"Mahal?? Mahal mo?"

"Stella.. Anong oras na??"

"11 na ng gabi."

Dali-dali akong tumayo at nagbihis.

Shit. May date pa kami ni nate paniguradong naghihintay na yun sakin dun sa pinareserved kong resto.

Teka nga.. Bat ba talaga ako napunta dito?

"Stella? Did you.." hindi ko na matapos dahil ang pagkaalala ko, may binigay sya saking wine.. at marami pang wine?

Ambilis ko atang nalasing nun?

"Yes baby.. Para naman mawala ang stress mo.. Ang saya pa nga natin sa kama eh.. Love na love mo talaga ako..."

"Bakit mo yun ginawa? Hindi naman ako mabilis malasing ah! Anong nilagay mo sa wine??"

"Baby? Bat kaba nagagalit? Ginawa ko nga yun para makalimutan mo yung nangyare sa kompanya kanina diba? Nag-enjoy ka naman eh..."

"Stupid."

Inis na lumabas ako ng kwarto.

-------------------

Jacob's pov

"Eh kasi sir, limang oras na po siyang nahihintay sa wala.. Baka hindi na po siya sinipot nung lalake. Sayang yung bayad nila sa reservation..."-waiter

THE REVENGE OF AN ANGEL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon