JN9

854 16 0
                                    


JN9

Natasha's pov

Pumunta ako sa club. Buti nalang at hindi ako pinaalis ni ms.bernardo. Sariwa pa kasi sakin yung nangyari nung isang gabi. Nakakaramdam parin ako ng hiya. Pero.... Di ko naman pwedeng iwan ang trabaho ko lalo pa at magh-highschool na si alice.

"Kung ako pa sayo hahanapin ko ang babaeng yun at gagantihan ko. Ipahiya ka ba naman sa harap ng maraming tao? Aba... Kapal ng lipstick niya ha!" si betty yan, kala mo naman siya yung inaway siya pa tong galit na galit kesa sakin. Saka ayoko ng lumaki pa ang gulo.

"Eh yung si echael? Ano ba talaga kayo? Kayo na ba?"

Napatigil ako sa paglilipstick sa tanong niya.

Si echael?

Hindi kami.

Di ko pa siya sinasagot.

Hindi naman niya kasi ako tinatanong na kung sasagutin ko na ba siya. Lagi lang niyang sinasabi na gusto niya ako.

Pero di ko masabi-sabi sa kanya na GUSTO KO NARIN SIYA.

"H..hindi.."

"Weh? Kung mag-alala nga siya eh daig pa ang asawa. Sayang naman. Dapat nagtapat ka na, baka maya-maya diyan eh may makita siyang iba."

"Bahala siya, di ko naman hawak ang puso niya eh. Kung magkagusto man siya sa iba, wala na akong paki dun."

"Sayang. Bagay pa naman kayo. Ako pa sayo, magtapat ka na mamaya."

Agad-agad?

"Ok na ba tong buhok ko?" pag-iiba ko ng topic.

"Oo, naghihintay na yung guy sayo. Dali na."

Lumabas na ako at pinuntahan yung table 15. Nakaupo ang isang binata na umiinom ng beer. Pananamit pa lang niya mayaman na. Saka kita sa mga mata niyang problemado siya. Na malungkot siya.

"S..sorry kung natagalan ako.." umupo ako sa tabi niya at kumuha rin ng beer saka uminom.

"Don't drink." nagtaka ako sa sinabi niya pero ibinaba ko nalang yung beer sa mesa. Tinignan niya ako. "Here. Mas ok sayo ang juice.." sabay kuha nung juice at abot sakin, tinanggap ko nalang.

"Sanay naman akong uminom ng alak."

"Pano pag nagdrive ka ng sasakyan ko eh mababangga tayo pareho? Ako na iinom."

"O..ok.."

"Ako si ino...ikaw si natasha right?"

Tumango ako.

"Tama nga sila, your so beautiful.."

Nahiya naman daw ako dun. Maganda daw ako? Hihi

"Mapapadalas ata ang pagbisita ko dito."

Nagpaparinig ba siya? Hihi

"Doon nalang kaya tayo sa apartment ko?"

"Ikaw bahala."

"Tara." saka niya hinawakan ang wrist ko at hinila ako, nag-iwan siya ng pera sa mesa bayad siguro sa ininom niya.

Nasa labas na kami.

"You can drive?" tanong niya sakin sabay hagis nung susi. Buti nasalo ko.

"Oo naman.."

"Good.. Masakit kasi ang ulo ko. Ayoko pa namang mamatay."

Gets ko na. Pumasok na kami at umalis na sa club.

Pagdating namin sa apartment niya, bumagsak kagad siya sa sofa. Nilock ko muna yung pinto bago siya lapitan.

"Ok ka lang? Masakit pa ba ang ulo mo? Uminom ka nalang kaya ng gamot?"

Nag-angat siya ng ulo saka tinignan ako.

"Give me 10 minutes." tapos pumikit na siya.

Umupo nalang muna ako sa tabi niya.

Marami-rami rin kasi ang nainom niya kaya ganun.

Ang ganda naman ng apartment niya. Ang linis pa. Di halatang lalake pala yung nakatira dito.

May mga paintings sa wall niya.

Tumayo ako at naglibot.

Pumunta ako ng shower room niya. Pumasok ako at naghubad. Pinaandar ko yung shower at tumapat dito. Grabe ang lamig. Sarap sa feelings.

Nauna na kong naligo.

Kumuha ako ng sabon.

Hmmm. Habang nag-eenjoy ako sa pagsasabon ng katawan ko biglang may humawi sa shower curtain.

"Ino?"

Pumasok siya na topless at walang anu-anoy hinalikan ako sa labi.

Napaka-wild niya.

Parang natorture na ang labi ko sa tindi niyang humalik. Napakapit ako sa leeg niya dahil feeling ko matutumba na ako anytime.

Grabe lang.

"I...ino...." I tried to stop him buti nalang at nakinig siya. Pareho kaming hiningal. Magkadikit parin ang mga noo namin at nakatingin lang siya sa mga mata ko..

"Tapusin na natin to sa kwarto.." sabi niya at kinarga na ako.

I can't stop him. Binayaran niya ako ng malaking pera.

Dahan-dahan na ibinaba niya ako sa kama niya.

I'm sorry kael, work is work.

Sana maintindihan mo'ko.

Ako to.

Tanggap mo naman ako diba?

Morning. 7am

Pagbukas ng mga mata ko, nakita ko kaagad si ino na nakayakap sakin. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya saka tumayo.

*phone rings*

Agad kong sinagot yung tawag.

("Nasan ka ba?!")

Mejo nagulat ako sa boses ni echael. Galit ba siya?

"kael, napatawag ka? May problema ba?"

("OO!")

"Nagagalit ka ba?"

("Hindi! Nandito ako sa bahay mo kasama ko si alice, hindi ka umuwi kagabi. Nasan ka ba?")

"Pauwi na ako,kalma lang."

("Paano ako kakalma? Hindi ka sumasagot sa mga tawag at text ko kagabi. Umiiyak na si alice, hindi ko siya mapatahan. Umuwi ka na ngayon din!")

***tot tot tot***

Binabaan ako. Galit nga siya. Tinignan ko ang phone ko, 20 missed calls at 30 messages. Nakasilent kasi.

"Boyfriend mo ba yun?"

Gising na pala si ino.

"Hhindi... Kaibigan ko. Sige ino, kailangan ko na kasing umuwi ehh..."

"o..ok... Maligo ka na muna..."

"S..sige..."

-----

Kelan kaya ang birthday ni echael?

Ps. Ang panget na author. :)


THE REVENGE OF AN ANGEL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon