JN 35
Echael's pov
Tinignan ko ulit ang kalendaryo
4 days to go at fullmoon na
May side na naeexcite ako, at may side rin na hindi.. Kasi... Maalala ko na lahat, pero pano kung mapait yung nakaraan ko? Idagdag pa yung mga panaginip ko?
Ano? Masasaktan ako?
Pero bahala na. Ang importante nasa tabi ko si natasha.
*ding-dong-ding-dong*
Lumabas ako ng sala at tinungo ang gate
Isang delivery boy
"Ah sir, goodmornig po! Ikaw po ba si mr. Echael ramirez?"
"Oo bakit?"
"Delivery po sir, pakipirmahan nalang po to..."
Matapos kung pumirma inabot niya kagad sakin ang isang parihabang bagay na nakabalot pa talaga. Flat ito.. At mejo mabigat.
"Thank you sir!'
Umalis na yung lalake at pumasok na ako.
Bitbit yun at ibinaba ko ito sa sofa
At tinignan muna bago sinra yung wrapper na nalabalot dito.
Natigilan ako bogla sa nakita ko.
Isa itong painting ng isang anghel... Isang malungkot na anghel...
At ito yung nakita ko sa art shop na bibilhin ko sana noon.
Walang nakasulat na pangalan. Walang card kung sino ang nagpadala.
Bakit?
Bakit parang pakiramdam ko ako yung nasa painting?
"Sinong......???"
Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Gab na napanganga nang makita rin ang painting.
"San mo yan nakuha kael?"
"May nagpadeliver. Di ko nga alam kung kanino galing."
"M..maganda..."
"Oo... Ang galing ng gumawa.. Tingin ko nga ako yan eh."
"Bakit brad? Malungkot ka ba? Malungkot ba ang buhay mo tulad ng nasa painting na yan?"
Mahinang tumawa ako at tinignan si gab na seryosong-seryso
"Malay natin? Malay mo ganyan pala ako noon diba? Pero ano ba, hindi ako yung tipong sumusuko kaya babawiin ko na, hindi ako yan.." nakatingin lang ng diretso sa mga mata ko si gab
"Dahil hindi ako kawawa. Hindi ako kaawa-awa tulad ng anghel na yan.." dugtong ko bago umakyat sa taas
Hindi ko na pala gusto yung painting.
-------
Gab's pov
Kinuha ko yung painting at nilagay sa kwarto ni kael.
Dun ko isinabit sa uluhan ng kama nila.
"Oh Gab? Kanino galing yan?"
Nakita narin ni nate sa wakas, kauuwi lang nito galing sa school ni alice. Busy na ito sa papalapit na garduation ng bunso
"Ah... May nagbigay lang.. Dito ko nalang ilalagay.."
"Maganda..."
"Oo nga. Maganda.." sabi ko at bumaba na matapos maisabit