JN27
Echael's pov
Hindi ko alam kung bakit ginawa yun ng isang taong di ko naman kilala.
Hindi ko alam kung adik siya at inagaw niya ang baril para iligtas ako.
Tang na. Pati kay gab nagtataka na ako dahil alalang-alala siya dun sa lalake
Swerte nga at buhay.
Paki ko ba dun?
"San ka pupunta?"
Napaharap ako ulit nang magsalita si Gab na kakalabas lang ata ng kwarto nung lalake
"Uuwi. Pupuntahan ko si natasha at baka nandun na naman si ino." sagot ko nalang at tumalikod na
Pero di pa ako nakakalayo
Nagsalita na naman si gab
"Kael, hindi ka ba magpapasalamat sa taong nagligtas sayo?"
Humarap ulit ako sa kanya
"Sa totoo lang? Hindi. Wala rin akong pakialam kung mamatay siya, hindi ko siya kilala kaya bat ko siya pag-aaksayahan ng panahon? Hindi ko sinabing iligtas niya ako." madiin kong sabi at umalis na.
Pupuntahan ko si nate
Mas kailangan ko siya
-------
Gab's pov
Diyos ko anong ginawa niyo kay kael?
Bat napapansin kong bumabalik na siya sa dati eh wala pang fullmoon?
Eto na
Siya na yun
Noon hanggang ngayon si Natasha lang ang tanging taong inaalala niya
Si natasha lang
Hirap pa namang siyang pakisamahan sa ugali niya
Pumasok ako sa loob para tignan si enzo
Buti nalang naka-survive siya
Diyos ko pag namatay siya anong gagawin ko kay kael?
Hindi ko siya kaya
Hindi ko siya kayang paamuhin
Baka mamatay nalang ako ganun parin siya
Tsk
Hindi talaga siya nagpasalamat
Kung alam niya lang na kuya niya to
Baka puntahan na niya si ino at chinop-chop sa galit.
"Your ayen right? I wonder kung bakit kasama mo si enzo? Ano bang ugnayan niyo?"
I know her. I know Ayen so much
Noon pa man naging bahagi narin siya sa kweto ng buhay ni Kael.
Hindi naman siya masamang tao
I know She's doing all of these for her family.
At nakakatuwa lang isipin na hanggang ngayon sa pangalawang buhay ni Kael nandito rin siya. Sila.
At ako yung nadagdag
"You know him too? So alam mo na magkapatid sila ni kael?"
Hindi ko alam kung sasagot ba ako sa tanong niya o magsisiungaling na naman.