JN31

635 12 3
                                    



JN31

Gab's pov

Maling-mali ang ginawa niya.

Dapat pinigilan niya ang sarili niya.

Hindi ko alam kung bakit bumalik sa dati ang asal kriminal niya.

Isa lang ang nasa isip ko ngayon,

SABIHIN SA KANYA ANG TOTOO

Para matigil na tong lahat at maitama ang mali.

Gusto ko magbagong buhay na kaming lahat dito at takasan na ang nakaraan.

"Gab?"-nate

"Kael. Mag-usap tayo."

Tinignan niya ako na para bang walang nangyare

Na parang wala siyang paki kahit wala na si Ino

Kampanteng tumango siya

"Patay na si Ino." umpisa ko

"Ow? Talaga brad? Tara, celebrate tayo." ngiting sabi niya

Nagkatinginan kami ni nate nang marinig yun

Hindi yun magandang biro pero pinigilan ko lang talaga ang sarili ko

Alam ko naman eh, kahit pagalitan ko siya walang mangyayare

Hindi siya hihingi ng tawad sa ginawa niya

Kahit sabihin niyang siya ang pumatay walang magbabago

Dahil kilala ko siya eh

Kilala ko tong taong to

Sa pagiging mabait na bata hanggang sa naging demonyo

Hanggang sa namatay at nabuhay ulit

Ang bawat meron si kael, ang bawat siya, mula ulo hanggang paa

Alam ko

At isa lang dapat ang sisisihin dito

SI NATASHA SAMUEL!

"Brad, hindi to magandang biro.. Sabihin mo nga pinatay mo ba si Ino?"

"Hindi."

"Pero may kinalaman ka ba sa pagkamatay niya?"

Hindi kumikibo si natasha

"Oo."

"Ano ba talagang nangyare? Bakit mo ginawa yun?"

"Siya yung kusang tumalon."

"Dahil tinakot mo siya!" hindi ko sinasadyang tumaas ang boses ko

"Oo.." matipid na naman niyang sagot, bakit parang balewala lang sa kanya yun? buhay yung kinuha niya eh! buhay! tskk.. 

"Ginawa ko yun dahil yun ang tama. Ginawa ko yun dahil wala siyang karapatang mabuhay sa mundong to." dugtong niya

"Kael, kelan ka pa natutong pumatay ng tao?" malungkot na tanong ni nate at sila naman ang nagkaharapan ngayon

"Natasha. Yang tanong mong yan, masasagot yan pag dumating ang tamang panahon. Pero kapag nalaman mo yung totoo, hiling ko lang na sana, na sana hindi magbago ang tingin mo sa kanya..."

Sabi ko at umalis na

At hiling ko sana na......

Kapag nalaman yun ni natasha

Hindi niya ulit iiwan si kael

Tama kayo,

May koneksyon si natasha sa nakaraan ni kael

At malaki ang bahagi niya sa pagkabuo ng pagkatao ng isang Echael Ramirez.

Kahit anong galit ko hindi ko parin masabi-sabi yung totoo

Umuurong ang dila ko

Naduduwag ako. Tsk

---------

Natasha's pov

Hindi ko alam kung bakit ganito siya?

Siguro dahil hindi ko pa siya lubusang kilala.

Pero mahal ko siya eh at kailangan kong itama ang mali niya

"Mahal mo pa ba ako natasha?"

Nagkatitigan kami,mata sa mata.

"Oo. Mahal kita at hindi magbabago yun. Pero kael, hindi yun tama eh. Hindi ka mamamatay tao."

"Hindi ko siya pinatay."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at di niya tinatanggal sa mga mata ko ang mga mata niya

"Maniwala ka sakin... Ikaw ang iniisip ko kaya nagawa ko yun. Ayokong mawala ka.. Ayokong may isang taong sisira lang satin. Pero alam mo, kahit nandyan naman si ino hindi ko hahayaang sirain niya tayo... Kaya lang, kinuha ka niya sakin ng isang beses at kailangan niyang pagbayaran yun...."

Hindi ko alam kung matatakot ako

Hindi ko alam ang mararamdaman ko

Mahal ako ni kael alam ko yun

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya

Kasi, di ko lubos isiping nagawa niya ang bagay na yun dahil sakin.

Ganito ba niya ako kamahal?

Ang pagmamahal ba, nakakamatay?

"Kael. Hindi ako galit sayo... Pero, ayokong mangyare ulit ang nangyare kay Ino."

Niyakap ko siya

"Natasha natakot lang kasi ako eh. Takot na takot akong mawala ka.."

"Takot rin akong may mangyare sayong masama kaya wag mo ng gagawin yun ok?"

"Oo natasha. Oo baby..."

--------

(A/n)

Grabe, kahit anong gawin ko di ko kayang magpakilig. Haha kaya sorry poh!

Ginawa ko na pero yan lang talaga. Hihi

Ps. Ang panget na auhtor


THE REVENGE OF AN ANGEL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon