JN45

653 12 0
                                    




JN45


#5 Flashback


*FLASHBACK*


Echael's pov


"Ikaw. Ikaw lang ang nagpapatibok nito natasha.. Kaya kapag nawala ka, hihinto to.."

Lumuhod ako sa harapan niya, nagmakaawa akong wag siyang umalis. Kahit magmukha akong tanga dito wala akong pakialam. Hindi ko hahayaang umalis siya

"Pinatawad na kita natasha.. Wala akong pakialam kung ginamit mo lang ako... Basta wag mo lang akong iwan..."

Siguro, naging agresibo ako noon.. Dahil gusto kong may magmahal naman sakin. Kaya inangkin ko si natasha noong unang araw palang naming pagkikita.

"Kael, ako ang kabit ng dad mo... At ako ang girlfriend ng kapatid mo sa labas... Diba dapat kamuhian mo'ko? Ginamit kita para sa pera.. Ginamit kita para makuha sayo ang lahat para kay nathan.. Nahihirapan narin ako kael..."

Sa mahigit na dalawang buwan naming pagsasama. Hindi ako papayag.

"Bakit? Hindi naman kita pinapahirapan diba?"

"Pagod na akong magpanggap kael... Nasaktan na kita eh... Tama na... Aalis na ako.."

Ang totoo galit ako, pero nangingibabaw sakin ang pagmamahal ko kay natasha

"Kung aalis ka, para mo narin akong pinatay....."

Tinitigan niya ako sa mga mata

Hinawakan niya ang mga kamay ko at pinatayo ako

"Hindi kita mahal. Kaya pls. Tama na."

Parang may kung anong sumabog sa katawan ko at pakiramdam ko dahil dun nagkapira-piraso ako.

Sa kanya umikot ang mundo ko.

Lahat ng sakit tiniis ko mailigtas lang siya noon.

Pinuno ko ang buong bahay ng mga paintings niya.

Minahal ko siya.

Wala na ngang natira sa sarili ko.

Mas pinili ko siya kesa sa sarili kong pamilya.

Lumayo kami para ilayo siya sa mga gustong manakit sa kanya.

Lahat ng gusto niya binigay ko.

Pero kulang pa pala.

"Wag... Hindi..."

"Bitawan mona ako kael..."

"Kapag iniwan mo'ko... baka hindi ko kaya..."

"HINDI KITA MAHAL!!"

Sinampal ako ng paulit-ulit ng katotohanan

Nagpakatanga na ako.

"Dude! Hayaan mona siya..."

"Narinig mo ba ang sinabi niya? Hindi ka niya mahal..kaya pakawalan mo na siya..."

"Wag mong pahirapan ang sarili mo.."

"Ang kilala kong echael, kahit kailan hindi nagmakaawa.."

Nagsilapitan na ang mga tropa ko at hinihila na ako palayo kay natasha

"Atee.. Kuya kael..."-alice

THE REVENGE OF AN ANGEL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon