JN71
Echael's pov
"Natasha.."
Nagising ako bigla sa mga haplos niya sakin.. Sa pagba-brush niya ng buhok ko gamit ang kamay niya at paghalik sakin sa labi.. Napangiti ako.. Bumalik na siya..
Nakangiting bumangon ako sa mula sa hita niya.. At hinawakan ang mukha niya..
"Nandito kana pala eh.. Bat ngayon ka lang?? Sorry napagod kasi ako, ngayon lang ako nagising..."
"Ok lang kael, alam kong pagod ka sa kahahanap sakin.. Pasensya kana ha?? Wag kang mag-alala hindi na kita iiwan..."
"Sorry..." hinaplos ko ang mukha niya saka ikiniss siya sa noo
"Napatawad na kita.."
Bat ganito ang boses niya? Ang lamig.. Naninibago ako, pero masaya talaga akong nandito na siya.. Sa wakas
"Wag kang mag-alala, magsisimula ulit tayo.. Nangako akong pasasayahin kita diba? Gagawin ko ulit.. Magtiwala ka lang ulit sakin.. Mahal na mahal kita..."
"Mahal na mahal rin kita kael.."
Tumayo ako.
"May ibibigay ako sayo mahal..."
Tinungo ko ang cabinet ko saka kinuha ko ang singsing, yung wedding ring namin.. Napangiti ulit ako.. Pakakasalan ko ulit siya..
Pero pagharap ko, wala na siya..
Nagtaka ako, kinabahan.. Bat nawala bigla si natasha??
Nasan na siya??
"Natasha?"
Lumabas ako. Sa sala, wala.. Lumabas ako ng bahay..
Ayun nakita ko siyang papalabas ng gate..
Bat siya umaalis??
"Natasha?!"
Pero nagulat ako ng tumakbo siya, hinabol ko siya palabas...
"Natashaaaa!!!"
Bat siya lumalayo??
Teka, iiwan ba niya ulit ako??
Hindi.
"Natasha!!!"
Halos sumabog na ang ugat ko sa leeg sa sigaw kong yun pero hindi siya humihinto sa kakatakbo, hindi siya lumilingon sakin.. Bat ayaw niyang tumigil??
"Natashaaaa..."
Hinihingal na ako..
Napapagod na ako kakatakbo.. Pero gusto ko parin siyang habulin.. Ayaw ko siyang mawala sa paningin ko.. Ayokong mawala na siya ulit sakin..
"Natasha!! Kapag hindi kapa tumigil, magpapakamatay ako!!"
Huminto siya.. Kaya huminto narin ako.. Hays, hiningal ako dun.
Dahan-dahan siyang lumingon.. Umiiyak siya..
"Tama na Natasha, hindi na kita paiiyakin.. Nangangako ako.. Basta Wag kana ulit tumakbo.."
Bat siya ganito? Ang hilig niyang magpahabol..
"Pagod na ako sa paglayo mo.. Bumalik kana sakin..."
"Babalik ako.. Pangako.. Hintayin mo lang ako..."
Tapos bigla na siyang naglaho na parang bola.. Nabigla ako dun..
"N-natashaaaa!!!"
KRENG.KRENG.KRENG.
Bigla akong nagising sa isang tawag...